23th

1.8K 49 4
                                    

Vic's Pov:

A
Last Hearing na to sa Korte para sa kaso ni Mika . at sana matapos na to ..

Nakakapagod . Habang dinedetalye nila ang pangyayari pabigat naman ng pabigat sa loob ko T_T

" Vic Tara na " yaya ni Mika

Tiningnan ko sya habang papalabas na sya ng bahay

Lumalaki  na ang tyan nya at napapalapit na ang kanyang pagsilang sa bata .

Ngayonpa lang sya haharap sa korte dahil hindi nya kakayanin . binigyan sya ng panahon para makabuo ng lakas ng loob



" Ngayon Bigyan natin ng pagkakataon magsalita at idetalye ng biktima ang mga pangyayari "

Umupo si Mika sa Tabi ng Judge at Tumingin muna sya sakin .. Tiningnan nya din si Juan at ang stephdad nya

" July 6, 2020 alas singko ng hapon , kalalabas ko lang galing trabaho .. Iniintay ko ang aking kasintahan na susundo sakin sa hapon na yun . Dumating si Juan at nagkamustahan lang Kami . Nagtext si Vic na medyo matatagalan sya at traffic... Nagyaya si Juan na Mag Kape Lang muna sa Cafe.katabi ng Building na pinagtratrabahuhan ko . Mag kaibigan kami ni Juan sa pagkakaalam ko kaya pumayag na din ako dahil wala naman ito sakin .." Alam kong pinipigilan nya lang ang pagpatak.ng luha nya.pero ako eto umiiyak na . akala mo ako yu g narape -___-

" Ginusto mo naman palang sumama . marahil ay gusto mo din si Juan " sabi ng abogado nila Juan " Ms. Reyes , kung hindi mo gusto si Juan ay bakit ka sasama kung alam mo naman na may gusto sya sayo ? Bakit ka sumama sa lalaking alam mong may pagnanasa sayo ?"

" Kaibigan ko sya .. Kaya ako sumama . " sabi ni Mika

" Pero alam mong dadating ang iyong kasintahan .. At makikita nya kayo na magkasama at alam nya na may gusto sya sayo .. Di mo ba naisip na magseselos sya ?" Dagdag pa nito

" Alam ko na malaki ang tiwala sakij ni Vic at alam nyang mahal ko sya at di ko yun magagawa sa kanya . hindi ako katulad ng mga babaeng nasa isip mo . ano pa't magaaksaya kami ng oras at pera para lang dito !" Ayan na sya " Hindi ako Desperadang babaeng magpapabuntis ng di ko naman ginusto !! Oo di nya ako mabibigyan ng anak pero hindi ako ganun tanggap ko yun bago pa man ako pumasok sa relasyon namin !"

Wow Psychology talaga sya haha

" Wala pa kaming sinasabi na hindi ka magkakaanak kay Vic " sabi ng abogado

" pero yun ang ikinatwiran ni Juan sakin nung ginawa nya sakin to !!" Umiiyak na si Mika " bakit ba hindi nyo paniwalaan na narape talaga ako .. Kahit wag na lang ako ang isipin nyo ! Yung bata sa sinapupunan ko ! Hindi nyo ba naiisip na maaring paglaki ng batang ito ay maari ko syang kamuhian dahil dala dala pa nya ang bangungut na di naman dapat ! "

Natahimik ang Lahat tumayo si Mika at Tumabi na ulit sakin hinawakan ko naman ang kamay nya at hinalikan ko sya sa Noo

" Kaya pa ba ?" Tanong ko at nag nod sya

" Mr. Richard Juan " tawag ni Judge at sya naman ang may turn

" That Day .. That Time .. Alam ko naman na hindi talaga ako magugustuhan ni Mika . Alam ko naman nung una pa natakot lang ako na baka kamuhian ako ng ama ko pag tinanggihan ko ang kasalang magaganap . ni hindi ko alam na ang nagtutulak pa la sakin ay hindi nya tunay na ama . Tinulak nya ako para gawin ang bagay na ito .. Ginusto ko din dahil may pagnanasa na ako kay Mika simula nung naging magkaibigan kami . May pinainom na gamot sakin si Tito Rudy ( stephdad ) at sabi nya pampalakas ng loob . at binigyan nya din ako ng sleeping pills .. Magdamag kong pinag isipan to .. Pero in the end bumigay ako .. Bumigay ang matinding pagnanasa ko sa babaeng biktima nito aminado ako na ginawa ko yun .. Kahit pa man itanggi ko ay wala na akong magagawa "

Philo PobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon