"Kel, how about this one, tell me the history of this painting of yours?" Si Jules ang nagsasalita, ang kanyang ate na edad 37 pero mukhang 30 lang dahil sa pag-value nito ng proper nutrition.
"God, here we go again." Naipit niya ang mapupulang mga labi sa inis.
"Kel, I'm trying to help you, ok. Mas lalong matatagalan ang paggaling mo kung magiging bugnutin ka lagi," malumanay nitong wika. Yumuko ito upang haplusin ang bisig niyang hindi maigalaw. Lalo siyang sumimangot. Mas lalo tuloy naging well defined ang kanyang rugged cheeks, isa sa mga katangian na namana niya sa kanilang ama kaya habulin siya ng mga babae.
Si Kel Salvador ay exact replica ng kanilang ama. Matangkad, ma-appeal, malalim kung tumitig, nakakabighani, at very sporty. His smile could disarm any lady who desired to be celibate.
"Ayan ka na naman sa mga persuasions mo. Can't you see, I'll forever be stuck in this stupid wheelchair!" Naikuyom niya ang kanang kamay sa galit. Kanan lang dahil may fracture 'yung kaliwa pati na ang mga paa niya.
Galing siya sa isang party noong nakaraang linggo. Naaksidente siya habang nagmamaneho. Mabuti na lang at nabuhay siya, ayon sa mga doctor. He said otherwise.
"Rita, pakikuha nga ang mga meds ni Kel!" utos nito sa isa sa mga maid nilang nasa may kusina.
"Jules, hindi ko kailangan ng mga sedatives, ok!" Salubong na ang mga kilay niya at mataas na rin ang tono. "Kahit sinong santo kung magigising sa isang mala-impiyernong buhay na ito, masisiraan din ng bait!" Nag-aapoy sa galit ang kanyang magagandang mga mata.
"Hindi ko kailangan manatili sa ganitong conversation!" Umalis itong lumuluha.
"Masaya ka na! Pati ang kaisa-isang taong nagmamahal sa iyo ay itinaboy mo na rin, Kel!" singhal niya sabay pindot ng kanyang machine. Pumasok siya sa kanyang kuwartong napakalaki. "Wala na akong kaibigan na natira!" Sinuntok niya ang kanyang arm rest. Namula ang mukha niya sa tindi ng sakit. Ba't hindi mo na lang iumpog ang iyong ulo sa dingding ng matapos na! sigaw ng utak niya. "Gagawin ko, kung kaya ko lang tumayo!" marahas niyang tugon sa loob ng kuwartong walang tao.
Alam niyang ilang oras pa siyang maghihintay kay Arnold, ang kanyang tagapangalaga at madalas mapaghingahan ng matinding sama ng loob. Pinagmasdan niya ang mahahaba niyang mga legs na matitikas at pinilit na maigalaw.
"Wala naman kayong mga silbi!" desperadong angil niya. Parang isang bomba siya na gusto nang sumabog. Mangiyak-ngiyak niyang inangat ang kanyang mukha hanggang sa maitutok ang kanyang matangos na ilong sa direksyon ng kisame.
"Ano bang kasalanan ko at pinaparusahan mo ako ng ganito!"
Nagliparan ang lahat ng maya na nagpapahinga sa kanyang windowsill dahil sa tindi ng pinakawalang emosyon.
HIMALA, MAGANDA ang mood ko ngayon, isip niya habang nakatanaw sa malayo. Just continue to be very patient Kel at magiging maayos din ang lahat. At least for once pasayahin mo ang iyong ate.
"Okay, ano naman ang history ng painting na ito?' wika ni Jules na nakadamit ng mamahaling tela. Nasa may hallway sila ng malaki nilang bahay. As usual, ina-uplift na naman nito ang kanyang spirit sa pamamagitan ng pag-ko-compliment sa kanyang mga lumang paintings. Nasa harap sila ngayon ng isang unicorn painting na naka-hang sa may dingding.
"Naipinta ko iyan after namin manggaling sa isang horse race ni Mark."
Tumapat na naman sila sa isang painting na may water fountain.
"E eto, what's its history? Parang hindi gaanong maganda ang itsura nito. May sakit ka ba noong ginawa mo ito?"
"Jules, can't you remember? 'Yan ang unang painting ko, bunga ng sobrang pamimilit mong maging katulad ako ni Papa." Isang dakilang pintor kasi ang kanilang ama na matagal nang yumao.
Humarap ito sa kanya nang maalala iyon. Yumuko ito upang haplusin ang kanyang brush up hair. "Natutuwa ako sa iyo my little brother dahil pumayag ka. Pakiramdam ko buhay na buhay pa rin ang alaala ni Papa sa loob ng bahay na ito," lambing nito.
Bahagya siyang ngumiti.
"Totoo ba 'yang nakita ko? A twinkle of the eye?" gulat na gulat nitong bigkas.
"Jules, hindi madali pero pinipilit kong paglabanan ang bigat sa aking damdamin."
"God, thanks for hearing me!" bulong nito. The moment was very precious. Ayaw nitong mawala kaagad ang mood niyang iyon. Once in a lifetime lang iyon, magmula noong siya ay maaksidente.
"Ma'am Jules, nariyan na po 'yung bagong assistant," singit bigla ni Rita.
"Bago? Bakit? Nasaan na si Arnold?" Lumukot ang guwapo niyang mukha.
"Natanggap na siya sa abroad. Flight na niya next week," alanganin na tugon ng kanyang kapatid.
"Hindi man lang siya nagpaalam?"
"S-siya na mismo ang nagdesisyon na 'wag ipaalam sa iyo. Hindi raw makakatulong sa sitwasyon mo."
Bumigat ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"Hindi ibig sabihin na baldado ang katawan ko ay baldado na rin ang aking isipan. Itinuring ko siyang kaibigan, tapos ano? Iiwan na lang niya ako na parang isang asong niligaw ng amo sa gubat!"
"Puwede ka pa namang magkaroon ng mga bagong mga kaibigan, Kel," wika ng kapatid na mabilis na lumapit sa tabi niya upang pigilan siyang pindutin ang button ng wheelchair niya.
"Jules, hindi stable ang aking emosyon! Hindi madali sa akin ang magtiwala lang ng ganoon–ganoon lang. Look at my friends, where are they now? Lahat nawala!"
Pinindot niya ang kanyang machine patalikod. Nabigla siya dahil isang petite na babae ang nakaharang sa kanyang harapan. Nakasuot ito ng white uniform. Makinis ang balat nito, at makintab ang mahabang buhok. Sinuklian nito ng isang warm smile ang kanyang mala-torong ekspresyon.
Lalo siyang nagalit.
Matalim niyang tinitigan ang mala-anghel nitong mukha.
"Wipe that smile from your face! Kahit kailan hindi naging magkaibigan ang diablo at anghel!" Pinindot niya ng marahas ang "go" button. Mabuti na lang at mabilis nitong nailapat ang maliit nitong katawan sa gilid ng dingding, kung hindi malamang na hit and run ito.
Agad itong dinaluhan ni Jules bago pa magbago ito ng isip.
"Pakiusap, tataasan ko ang sahod mo, 'wag ka lang umalis."
Nanginginig itong tumango.
"D-diyos ko, ano ba itong pinasok ko!" naibulong ng dalaga nang mawala na si Jules.
pls share and vote or comment! thanks!
BINABASA MO ANG
IT WAS ME!
RomanceLapitin ng mga babae si Kel Arkanghel dahil sa ma-appeal nitong itusra. Matatalim kung tumitig ang maaamo niyang mga mata. Mas malakas ang dating ng ngiti niya kaysa sa pana ni Cupido. HIs physique was also perfect. Kahit sinong superhero ay mai-ins...