TINAYUAN NI Kel ang pagiging gentleman. As much as possible puro good words lang ang kanyang bukambibig pag kaharap si Alleli. At sa pagkakataong iyon, naging totoo ang statement na, having a piece of heaven on earth.
At habang nakikilala niya ang dalaga, mas lalo siyang nahuhulog dito. Hindi nga lang niya alam kung paano iyon iha-handle. Kakaiba si Alleli sa lahat ng mga babaeng nagustuhan niya. Bukod sa pagiging conservative, madasalin din pala ang dalaga at workplace-bahay ang routine. Siya naman ay exact opposite. Ilang babae na ang nakarelasyon niya. Hindi naman siguro nakakagulat iyon, lalo na't malakas ang appeal niya. Sa edad niyang 30 halos naka-pitong girlfriend na siya at counting pa nga, pero dahil sa aksidente mukhang mauudlot na. Mahilig din siyang mag-casino at wala sa kanyang interes ang pagsisimba. Pero dahil madalas magbanggit ang dalaga ng kagandahan ng pagkakaroon ng may panahon at oras sa Diyos tuwing Linggo, nangako siya sa sarili na sa oras na gumaling siya ay magsisimba siya.
Iyon ang pinag-uusapan nila ng mga oras na iyon habang tine-theraphy siya ng dalaga sa tabi ng rose garden sa labas ng bahay nila. Kasalukuyan nitong mina-massage ang kanyang mga paa at unti-unting pinapa-practice na matukuran upang magkaroon ng kaunting lakas.
"So chickboy ka pala," wika nito habang inaalalayan siyang tumayo mula sa kanyang wheelchair. Hindi niya masyadong inilagay ang kanyang bigat habang nakayakap sa balikat nito upang hindi ito mabigatan.
"May lakas ka ba ng loob mag-disagree?" Siyempre ayun na naman siya mahilig mang-asar sa dalaga dahil alam niyang mag-i-instant makopa na naman ang kutis nito. He really found it very amusing.
"Oo na, panalo ka na Sir Kel. Ikaw na ang pinakaguwapong nilalang na lumabas mula sa lupa."
Hindi niya mapigilang mapangiti dahil asiwa itong tumingin sa kanya. May gusto talaga ,to sa akin! Lumobo naman ang kanyang pride.
"T-teka...ginawa mo naman akong lamanlupa niyan," protesta niya nang ma-realize ang sinabi nito. Napahagikhik ito. Her sweet laughter tickled his ears. Unti-unti siyang inaalalayan nito pabalik sa wheelchair. "Tsaka puwede ba, tigilan mo na ang pagtawag mo sa akin ng Sir...Kel na lang, magkasing edad naman tayo." Pinilit niyang mag-concentrate sa kausap at hindi sa lambot ng katawan nitong umaalalay sa kanya. She's as soft as a pillow!
"Ay Sir hindi no!...I mean Kel pala. 25 lang kaya ako."
"A ganun ba, akala ko kasi 16."
"Ba't mo naman naisip 'yun?" pagtataka nito.
"Ang hirap kasing burahin sa isipan ko na muntik mo na akong ma-hit and run sa aking white bathroom chair gamit ang pinangkarera mong wheelchair ko."
"Naku, puwede ba, 'wag na nating pag-usapan iyon!" Her cute nose wrinkled and she smiled. Pero ba't ganoon, parang hindi man lang umabot sa mga mata niya ang kanyang ngiti.
"Alam mo lalo kang gumaganda kapag namumula ang iyong mukha. Pati labi mo kasi namumula din," pag-iiba niya ng topic. Walang bakas sa mga mata niya na siya ay nagbibiro. Pati boses niya ay sincere. Nagmistulang tuod ang cute niyang kaharap. "Nagha-hyperventilate na naman ang puso mo dahil sa sinabi ko." He gave a handsome smirk.
"Ang kapal mo rin ano!" anito sabay tapik ng braso niya sa kanan. Malinaw, sa marahang paghampas nito ng braso niya at sa mga ngiti ng mga mata nito, alam niyang nabasag na ng tuluyan ang invisible wall na nasa pagitan nila.
Talagang magkaibigan na nga kaming dalawa! Satisfied siya sa rebelasyong iyon. "Pa-massage naman ng braso ko sa kanan, medyo nangangawit kasi." May paglalambing ang kanyang boses. Lumapit naman si Alleli na mukhang sanay na sa pagpapa-cute niya.
"Alam mo, kaya ka siguro nadisgrasya kasi masyado kang chickboy," biro nito na nakanguso. Dahil sa pagdikit nito sa tabi niya ay amoy na amoy niya ang Jasmine-Rose nitong pabango. Mas lalong nabuhay bigla ang bawat cell sa kanyang katawan. Pati nga fractured arm and legs niya ay parang nagkaroon ng lakas na gumalaw dahil sa epekto ng pabango nitong pumuno sa kanyang pang-amoy.
Iba talaga ang epekto ng pag-ibig. Sa naisip, natigilan siyang bigla. Umiibig na nga ba ako sa kanya?
"Hoy, joke lang 'yun!" anito sabay yugyog sa kanya. Nagmistulang tuod na kasi siya.
"So sa tingin mo, ano ang dahilan kung ba't ako nadisgrasya?"
Sumeryoso ang maganda nitong mukha. Aliw na aliw naman niyang pinagmasdan ang maaamo nitong mga mata na bilugan at napaka-expressive.
"Well...sabi ng Papa ko, lahat daw ng bagay may dahilan. At kung mahal mo ang Diyos, ang lahat ng mangyayari sa buhay mo, masama man iyon o mabuti ay tiyak na magkakaroon ng magandang resulta." Tumingala itong saglit saka pumikit. "Hmmmm...ano nga ba 'yung verse na iyon?"
Tumama ang sikat ng araw sa maganda nitong balat. Nagmukha tuloy itong si Tinkerbell, 'yun nga lang large size.
"Ayun, natandaan ko na! Romans 8:28, All things work together for good to those who love God and who are called according to His purposes."
He was just gazing at her like a beautiful portrait. Bigla siyang nagkaroon ng pagnanais na makapagpinta muli. "Alam ko na kung ba't ako nadisgrasya!" aniya na may kakaibang kislap sa mga mata niya. "Para magkatagpo tayo. Ikaw pa lang kasi ang unang babae na pumukaw sa interest ko na magpinta ako ng portrait ulit."
"Huy, ang OA mo ha, tigil-tigilan mo nga 'yung paglalaway mo sa ganda ko!" biro nito sabay bitiw sa braso niyang minamasahe. Na-miss niya tuloy ang static mula sa mga fingers nito.
"So tell me Alleli, ano ang nagpapasaya ng araw mo?" Alam niyang may ibang gagawin pa ito pero lihim niyang hiniling na humaba pa muna ang kanilang pag-uusap.
"Si Skyler," instant nitong bigkas na para bang lumutang ang diwa bigla sa alapaap.
Di na nito nakita ang pagtaas niya ng isang kilay.
"Malambing kasi siya..." anito.
Nagtanong ba ako kung bakit? Nakasumbakol na ang guwapo niyang mukha.
"...Pagkatapos lagi niya akong pinapatawa, tsaka..."
Pinindot na niya ang button ng kanyang wheelchair upang ipihit patalikod.
"Huy, Kel! Saan ka pupunta!" sigaw nito. Malayo na nang mapansin nitong wala na siya.
"Inaantok na ako. Nangalay na ako sa kauupo," walang gana niyang tugon. Kailangan ba talagang sumigla ang kanyang mukha sa tuwing binabanggit ang mokong na Skyler na iyon! Himutok niya. Pakiramdam niya puputok ang kanyang well defined chest sa tindi ng sama ng loob.
Sayang naman ang kanyang confidence at tikas ng katawan kahit nakaupo! Isang two year old shih tzu lang pala ang kanyang katapat.
BINABASA MO ANG
IT WAS ME!
RomanceLapitin ng mga babae si Kel Arkanghel dahil sa ma-appeal nitong itusra. Matatalim kung tumitig ang maaamo niyang mga mata. Mas malakas ang dating ng ngiti niya kaysa sa pana ni Cupido. HIs physique was also perfect. Kahit sinong superhero ay mai-ins...