IV. THE GENTLEMAN

22 1 1
                                    


SA PAGGISING ni Kel ay kakaibang excitement ang kanyang naramdaman. Parang nag-shift ng one hundred percent bigla ang kanyang isipan. Ang dating bugnutin na pasyente ay masidhing nagnais bigla na maging isang gentleman. Ang ganda naman kasi ng ihip ng hangin kagabi, nasa tabi lang ng higaan niya kasi ang kanyang magandang bantay.

Matapos siyang mapaliguan ng mga specially hired attendants ay nagmamadali niyang hinanap ang kanyang breakfast buddy, si Alleli. Pero di nagtagal ang kanyang high spirit dahil nalaman niyang umuwi ito ng bahay dahil nahawa sa kanya.

"Ba't hindi na lang siya dito nagpagaling?" Kunot ang noo niya habang nagtatanong sa kapatid.

"Ayaw daw niya dahil baka makahawa pa siya sa iba," paliwanag nito.

Dahil sa disappointment napasimangot siya.

"O anong nangyari sa iyo? Do you miss her?"

Napataas ang isang kilay niya habang nakangiwi. Sa kabila ng seryosong ekspresyon guwapo pa rin siya.

"Wala na ba akong karapatang magtanong kung nasaan ang aking attendant?"

"Kel, PT mo si Alleli hindi attendant, pero kung makautos ka sa kanya, wagas. Nariyan naman si Manang Lita at si Manang Letty."

"Bakit, nagsusumbong ba siya na pinapahirapan ko siya?" Defensive ang kanyang tono. Pero may kaunting takot naman sa boses niya dahil baka hindi na nga iyon bumalik.

"Wala siyang nirereklamo Kel, kahit ba parang alipin ang pakikitungo mo sa kanya."

Naningkit ang mga mata niya na halatangmay pagdududa sa sinasabi nito.

"May pandinig ako Kel at may bibig ang mga kasambahay natin." Sa narinig ay hindi na siya umimik pa. Ipinihit niya ang wheelchair pabalik sa kanyang kuwarto at doon na lang raw siya magbi-breakfast.

Habang nakatingin sa direksyon ng bintana ay hindi mawala ang huling sinabi ng kanyang kapatid.

"Mukhang sa unang pagkakataon, nakukursunadahan mo ang isang petite!"

"Alam mong Beauty Queens ang type ko Jules, not Bonsai Plants," mayabang niyang tugon bago tuluyanng naglaho. Alam niyang madalas niyang pintasan ang kanyang PT, pero ngayon lang kinurot ang kanyang puso dahil sa bagong bansag niya rito.

Bonsai, nagkakagusto na nga ba talaga ako sa iyo? Well, maybe I am attracted, pero hindi naman ito seryoso, depensa niya sa sarili.

Halos isang linggo siyang naghintay sa pagbabalik ng dalaga. Nang mapagod na siyang maghintay, saka naman ito biglang sumulpot.

ANO KAYA ang problema ni Sir Kel at para siyang baliw na pabago-bago ng mood? naguguluhan niyang tanong sa sarili habang ibinubumbon ang mahaba niyang buhok sa harap ng salamin. Nakasimangot ang mukha niya noong dumating ako. Tapos ngayong pangatlong araw ang bait-bait naman niya. Pero noong pinag-usapan namin si Skyler, bigla na namang nawala siya sa mood.

Si Skyler ang alaga niyang two year old shih-tzu.

"Alleli! Alleli!"

Mabilis siyang umalis sa harap ng salamin upang alamin kung ano ang kailangan ng kanyang master.

Himala, medyo nag-tone down na ang boses niya, isip niya habang tumatakbo. Ano bang nangyari noong wala ako? May anghel bang bumaba at bumisita sa kanya at nagkapalit sila ng katawan?

Kung ihahambing sa anghel e no need pang magpapalit ng katawan ni Kel. His body was fully built and very masculine, kahit pa sa isang taong laging naka-stuck sa wheelchair. Sa bagay, halos isa't-kalahating buwan lang naman magmula noong madisgrasya ito.

Iniisip pa lang niyang magkakaharap sila muli ng kanyang guwapong pasyente ay pinagpapawisan na ang mga kamay niya.

"Sir Kel?" aniya nang makaharap ito.

He displayed a very handsome smile.

Lumukso ang puso niya. Nag-double somersault. "Bakit," simple niyang tanong na kunwari ay di man lang apektado sa charms nito. Pero hirap na hirap naman siya in reality.

"Paki-ayos saglit itong shirt ko," mabait nitong pakiusap.

Kaduda-duda ang kabaitan sa boses nito, isip niya saka lumapit upang ayusin ang butones na nakalas sa button hole.

"Kumusta naman ang iyong umaga?"

Hindi niya inaasahan ang mahinahon nitong pakikipag-usap. Nakakapag-bagong buhay pala ang trangkaso? "Okay naman po," maikli niyang tugon.

Hindi magkandaugaga siya sa pagkilos paano, alam niyang kung aayusin niya ang shirt nito kailangan niyang yumuko at ilapit ang mukha niya sa leeg nito. Naglaro ang malisyoso niyang isipan.

My gosh, we would be intimate! welga ng kanyang isipan. Sira, anong intimate-intimate, ang OA mo ha! Sinimulan niyang ayusin ang shirt nito. Hirap siyang mag-concentrate, paano kitang-kita niya sa gilid ng kanyang mga mata na pinagmamasdan nito ang bawat detalye ng mukha niya. Nanlamig tuloy ang mga kamay niya. Hindi rin nakatulong ang minty breath nitong panay ang buga sa harapan niya.

His handsome face was just a few inches away from hers, ang his shapely lips...

"Bakit kasi laging buttoned down shirt ang isinusuot nila sa iyo," reklamo niya nang maramdaman niyang sobra na ang pag-aabnormal ng tibok ng kanyang puso.

"Paborito ko kasi, may problema ba?" Parang hinaplos ng baritono nitong boses ang pisngi niyang napakalapit. Nakaramdam siya ng kuryente bigla, at siya'y napaatras.

"Ayan ok na."

"Mamaya samahan mo akong maglakad sa may garden sa labas ng bahay namin." Iyon lang at umalis na ito.

"Ok."

Wala na ang guwapong binata pero amoy na amoy niya pa rin ang minty breath nitong parang dumikit na sa makinis na baba. Habang inaalala niya ang scene na kakalipas lang tumambol ng malakas ang puso niya.

Muntik na akong nahalikan!  Lihim siyang natawa dahil sa silliness ng kanyang isipan.

IT WAS ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon