"HIMALA, NAKAHANAP ka ng sahod na kasing laki ng kinikita ko?" bilib na wika ni Jessica, ang kapatid niyang nagtatrabaho bilang isang PT sa Japan. "Paano mo nakilala ang pasyenteng iyan, Alleli?"curious nitong tanong. Maikling explanation lang ang kanyang ibinigay dito. Paano tinatawag na siya ng kanyang master.
"Alleli, asaan ka ba?"
"Naku, nakasinghal na naman ang dragon," kinakabahan niyang bulong. "Ate, tatawagan kita mamaya okay. I have to go now." Ibinaba na niya ang cellphone pagkatapos saka pumasok sa loob ng bahay. Sayang ka Sir Kel, ubod ka nga nang guwapo, pero ang ugali mo...
Nabigla siya nang maisarado ang pinto. Paano, naroon sa sala ang binata, parang isang prinsipe na pinaupo sa isang wheelchair, at take note, naka-display pa nga ang perfect nitong mga abs at dibdib.
"A-akala ko nasa kuwarto ka pa," nauutal niyang tugon habang pilit na iniiwasang mapatitig sa kaakit-akit nitong dibdib na puno ng buhok. "B-ba't hindi ka binihisan ni Yaya Lita?"
"Sumakit bigla ang tiyan niya. Kanina ko pa siya inaantay na bumalik. Nilalamig na ako kaya ikaw ang hinanap ko." Ewan niya kung bakit iba lagi ang epekto ng baritono nitong boses.
Anong gusto niyang gawin ko, my gosh! Painitan ang katawan niya! Ang mga over rated PG conversations kasi ang madalas niyang marinig sa mga dati niyang mga pasyente, kaya kahit innosente siya, nagkakaroon na rin tuloy siya ng malisya. Nag-init bigla ang kanyang pisngi sa sobrang kaba or...excitement?
Ngayon lang kasi siya nakakita ng ganitong kaguwapong nilalang. He was bad for her health. Para kasing nagiging acidic ang sikmura niya sa tuwing mag-uusap sila. And take note, halos dalawang metro ang layo nila ngayon sa isa't-isa habang nag-uusap, pero ang appeal nito, tagos hanggang kaluluwa niya.
"Miss Villaflor, wala akong intension na halikan ka, so please stop blushing. Kailangang ko lang masuotan ng t-shirt bago ako mamatay sa lamig ng aircon dito sa loob ng bahay."
G-ganoon ba ako ka obvious! Isinara niya ang bibig niyang nakanganga. Nataranta siya lalo dahil sa amused nitong ngiti. Mabuti na lang at lumabas na ng banyo si Manang Lita.
Hay Manang Lita, maililibre talaga kita!
ANO BA talaga ang problema ng tao na ito! Siguro naman may rason ang kalangitan kung bakit ka pa binuhay! reklamo niya habang nabibingi sa katatawag nito ng pangalan niya. Padabog siyang lumapit sa kapreng nagkatawang prinsipe habang kumakain ito sa may mesa. Magkasabay dapat silang kumain pero paano naman siya gaganahan, puro pamimintas lang ang ginagawa nito pag magkaharap sila. At nauubusan na talaga siya ng pasensya. Pakiramdam nga niya hindi na siya tatagal pa ng isang linggo.
"Masyado kang pandak para mag-assist ng mga taong kasing tangkad ko! Mas mabilis pa ang pagong kung kumilos sa iyo! Hindi lahat ng mala-anghel ang itsura ay mala-anghel ang ugali!" Iilan lang iyon sa madalas nitong isinghal sa kanya. Kaya naman sa sobrang panggigigil ay sinagot niya ito kanina.
"Puwes, mas lalo namang impossibleng magkagusto ang isang anghel sa isang kapre!"
Kaso maling move iyon dahil siya ay na-trap.
"Miss Villaflor, for once in your life, puwede bang tumingin ka sa akin ng diretso. Tapos, pagmasdan mong mabuti ang bawat detalye ng aking mukha, saka mo sabihin sa akin na mukha nga akong kapre," hamon nito.
"Fine!" buong-loob niyang wika dito. Pinagmasdan niyang mabuti ang kabuuan nito. Ang makakapal nitong mga kilay, ang maganda nitong ilong, ang mga mata nitong parang nagbubuga ng apoy dahil sa lalim ng pagkakatitig sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang biglaang pagbabago ng tibok ng puso niya. Mukhang hindi yatang magandang idea itong ginawa ko! Ako ang matatalo nito! Kaya naman tinalikuran na lang niya ito at iniwan sa may mesa kanina. Ang nakakainis pa ay narinig niya itong humalakhak.
Malapit na siya sa may mesa ngayon nang bigla itong bumahing ng ilang beses.
Naku, baka nalamigan siya kahapon n'ung hindi siya nabihisan agad ni Manang Lita! Agad niya itong nilapitan at hinawakan ang leeg at noo. Natabunan ng pagkabalisa ang makinis niyang mukha. Pero hindi nagtagal ay nagbalik din ang temperature nito sa normal.
Kinabukasan ay maaga itong pinaliguan ng mga attendants nito. Nilapitan niya ang naiwan nitong wheelchair na automatic. Isang white rolling chair kasi ang ginagamit ng binata sa tuwing papaliguan ito ng matatandang male attendants nito. Kailangang dalawa dahil matangkad siya at malaki ang katawan. Nakakita na siya dati ng ganoong machine sa loob ng ospital na pinagtrabahuan niya ng halos dalawang tao. Sumilay ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi.
Tantiyado ko naman ang oras ng paglabas nila sa banyo, confident niyang bulong. Wala rin si Ma'am Jules dahil nasa isang business meeting. At nasa palengke sina Manang Letty at Manang Lita.
Sa isang iglap ay nakapatong na siya sa sasakyan.
"Hmmm, ito ba 'yung button na dapat pindu--" Di na niya natapos ang sasabihin dahil gumalaw ng mabilis ang wheelchair dahil sa button na kanyang pinindot. Napahiyaw siya mula sa hallway, sala hanggang sa kusina.
"Stop! Stop, please...Diyos ko po!" Hihinto lang pala ang wheelchair kapag nabitiwan niya ang "go" button. Sa wakas, huminto rin iyon. Hingal na hingal siya sa sobrang pagkataranta. Mabuti at wala siyang nabunggong mga mamahaling figurines sa may sala. Namalayan na lang niyang naka-puwesto siya sa tabi ng isang pinto.
Pakalma na ang kanyang paghinga ng bigla iyon bumukas. Lumabas ang maganda at basang bulto ni Kel. Nakatapis iyon at naka-upo pa rin sa white rolling bathroom chair. Pati rin ito ay nabigla sa kanya.
"Ba't ka nakasakay diyan!" atungal ng lalaking bagsak ang buhok na bahagyang tumatabon sa guwapo nitong mukha.
Kailangan ba talaga magkatabi pa kami ng puwesto! panic niya sabay tingala sa kisame. Napalunok siya habang sinisilip siya nito sa likuran ng buhok nitong magulo. Magulo ngunit sexy!
"Bingi ka ba ha!" atungal ng mala-leon na lalaking nakatitig sa bibiktimahin na dalaga.
Napalunok siya. Hiyang-hiya siya dahil pati ang dalawang attendants nitong medyo may edad na ay takang-taka sa napili niyang transportasyon. Magkatabi pa nga sila. Hindi rin siya kumportable dahil sa mumunting kuryente na kanyang nararamdaman dulot ng pagkakalapit ng katawan nitong mala-action figure ang dating.
Nakuha niya ring magsalita kahit ipit ang boses.
"S-sir Kel...k-karera po tayo..."
Isang malakas na bahing lang ang tinugon nito.
pls vote and do'nt forget to comment and share!
BINABASA MO ANG
IT WAS ME!
RomanceLapitin ng mga babae si Kel Arkanghel dahil sa ma-appeal nitong itusra. Matatalim kung tumitig ang maaamo niyang mga mata. Mas malakas ang dating ng ngiti niya kaysa sa pana ni Cupido. HIs physique was also perfect. Kahit sinong superhero ay mai-ins...