III. Trangkaso Blues

23 2 1
                                    

TULUYANG TRINANGKASO si Kel Arkanghel. Five days to be exact. Tahimik ang malaking antique na bahay, wala kasi siyang lakas na mambulyaw.

Pati si Ate Jules naistorbo ko sa kanyang business, muni-muni niya nang magmulat ng mga mata nang Biyernes ng madaling araw. Tahimik sa madilim niyang kuwarto, pero may aninag naman ng malaking buwan. Maganda-ganda na rin sa wakas ang kanyang pakiramdam.

Naalala niyang pumasok ito kagabi at nangamusta sa kanya. Dala nito ang mga resulta ng x-rays niya. May tsansa pa raw gumaling ang kanyang kamay, medyo matatagalan lang. Pagaling na rin ang kanyang mga paa. Dahil sa magandang balita, napalakas ang kanyang kalooban. Ang nabaldado niya kasing kaliwang kamay ang ginagamit niya sa pagpipinta.

Naudlot tuloy ang pagdalo niya sa isang business meeting. Isang araw pa naman ang layo ng venue. Nanghinayang tuloy siya ng sobra. I'm sorry dahil sa pagiging pabigat, Jules. Thanks for being such a supportive sister. Naisip niyang i-voice out iyon sa mga darating na araw.

Exporting textiles ang pinagkakaabalahan ng kapatid. It was something that she got from their mother's genes. Sa kabila ng kagaanan ng dibdib, hindi pa rin niya maitanggi na may kumukurot sa sulok ng kanyang puso. Hindi kasi niya naramdaman ang presensya ni Alleli nitong mga nakalipas na mga araw. Ma-pride naman siya para magtanong tungkol dito.

Tuluyan na kaya siyang nagalit sa akin kaya nag-quit na siya sa trabaho? tahimik niyang isip. Ang hindi niya alam panay ang pagpupunas nito ng katawan niya noong mga panahon na inaapoy siya ng lagnat. Sa tuwing gising siya wala naman si Alleli dahil nagpapahinga ito sa kabilang kuwarto o may ibang inaasikaso. Minsan din ay nagpapaalam ito upang bisitahin si Skyler, ang pinakamamahal nitong alaga na puting shih tzu na pinababantayan sa kapitbahay.

Babalik pa kaya siya? Di siya makapaniwala kung ba't naguguluhan ang kanyang damdamin sa wheelchair-napper na maganda. Masaya na dapat siya dahil wala na ang babaeng mukhang laging nakalutang sa langit. Sa tuwing mapapatitig kasi siya sa maamo nitong mukha, parang mandatory na mawala agad sa puso niya ang galit, paghihirap o kapighatian.

It was as if her face, her smile...carried an atmosphere of joy, hope and love along with it.

E hindi nga puwedeng ganoon dahil opposite sila ng personality. Naiirita tuloy siya.

No Kel, bright spirited ka naman dati, nagbago lang ang lahat nang maaksidente ka! pagtutuwid ng kanyang isipan. Oo nga naman, madalas nga niyang maging libangan dati ay ang pagpinta, mag-casino at manood ng horse racing, plus fantasizing about girls.

Ang problema, parang hirap na hirap siyang manatiling galit sa babaeng wala nang ginawa sa kanyang kasungitan kundi ang pakitunguhan siya ng may pang-unawa at habag. Plus, he had a hard time ignoring her enigmatic smile.

Nabahala siyang bigla.

May magagawa ka pa ba kung nag-quit na siya sa trabaho? Naihilamos niya ang sariling mukha gamit ang kanang kamay dahil sa sobrang guilt at disappointment. Why did you mind having an angel for a friend? Sumimangot ang mahuhugis niyang mga labi.

Bigla siyang may narinig na ungol sa may bandang kaliwa ng kanyang higaan. Bumilis bigla ang tibok ng puso niya. Impossibleng hindi niya makilala ang may-ari ng boses na iyon. Natataranta niyang pinindot ang "on" button ng lamp na nasa may kanang bahagi ng kanyang higaan. Nang sumindi ang ilaw, siya ay natigilan at halos hindi makalunok.

Nakasandal patagilid ang mukha ng babaeng kanina pa niya hinahanap, sa kanyang braso na may fracture. Medyo namamanhid pa rin kasi iyon kaya hindi niya naramdaman iyon. Sa may di kalayuan ay may alcohol, bimpo at maliit na planggana sa may mesa. Lumandas ang kanyang paningin sa pagod nitong mukha na nakatingin sa malayo. Parang may kumurot sa kanyang puso.

Makinis ang kutis nito at kaakit-akit tingnan ang mga talukap nitong pagod. At ang mga labi nitong pink-peach...

He suddenly felt an urge to touch her silky hair na medyo nagkalat sa kanyang braso. Ginawa nga niya, pero siya ay natigilan.  Gumalaw kasi itong bigla at nag-iba ng posisyon. Ngayon ay nakaharap na ito sa kanya pero tulog pa rin.

Di niya inaasahan ang pagbulong-bulong nito na tila ba isang batang nagsusumbong. Her pouty lips really looked so charming. Siguro nagsusumbong ka dahil hindi kita pinagbigyang makipagkarera noong isang araw. Kung nagising lang sana ang dalaga, makikita nito ang kakaibang twinkle sa kanyang mga mata.  Huli na ng mamalayan niyang bumibigat na pala ang paghinga niya. Napaisip tuloy siya ng malalim.  Ibang-iba si Alleli sa lahat ng babaeng nakilala niya. Napaka-inosente, cute at charming.

Masaya na ako't narito ka pa rin sa tabi ko.

Naku ha, mukhang tinamaan na siya ng todo sa kanyang cute na PT. Huminga siya ng malalim saka pinatay ang lamp. At sa unang pagkakataon, natulog siyang abot langit ang ngiti.

Babawi ako sa iyo, Alleli. Pangako, I will make you like me.   Tuluyan na siyang pumikit. 

Ang hindi niya alam panay lagi ang pananalangn ni Alleli sa kanya na maging mahinahon at magkaroon ng pag-asa.  Ang paboritong verse ng dalaga, Thessaloninas 5:16...huwag magsawa sa pananalangin...


IT WAS ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon