Flashback
Nagising ako ng hatinggabi dahil sa pagring ng phone ko. I picked it up ng hindi tinitignan nag screen. Masyado pa akong inaantok.
"Hello?" I sleepily ask.
"Hello sir. This is Mika from ML medical hospital. I am here to inform you na dinala ho dito ang anak niyo."
Kumunot ang noo ko sa narinig. Kalian pa ko nagkaanak? Dahan dahan naman akong umupo, wala na, nagising na ang diwa ko. "There must be a mistake, wala akong anak."
There was a few seconds of silence, pero rinig ko ang tunog ng papel sa kabilang linya. "Uhm sir tama ho ba kayo ho si Mr. Viceral? Timothy Aiden Viceral."
"Oo ako nga."
"Well nakalagay sa information nung bata na kayo ang ama niya. If you want to clarify the situation sir, mas mabuti ho na pumunta na lang kayo dito"
Hindi na ko nag-abalang mag-ayos. Kumuha ako ng dark blue hoodie. At agad ng nagdrive papunta don sa hospital. Nakasweat pants naman ako kaya walang problema dun.
There must be a mistake. Ever since I met K, I have never been with anyone. Wala na akong ibang inisip habang nagdadrive kung di kung sino ang batang yon.
Nakarating ako in a few minutes since wala na rin naman ng gaanong kotseng dumadaan. Dumiretso ako sa nurse' station. Hinarap ako ng nurse na tumawag sa akin, pero bago pa ako makapagsalita inunahan niya na ako.
"This way po." Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero sumunod na lang ako.
After a few turns sa corners tumigil kami sa tapat ng....nursery?
Tinignan ko yung nurse na nagtatanong. She smiled at tinuro niya yung baby sa may bandang kanan ko. I saw a baby sleeping peacefully, hindi ko sure kung babae ba o lalake pero since naka blue socks and mittens siya, I'm guessing na lalake siya.
Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko dun sa bata. Napangiti na lang ako sa nakita ko.
"What's wrong with him?" tanong ko sa nurse ng hindi man lang siya nililingon.
"He had a high fever nung dumating pero bumaba naman na po, pero kailangan pa din siyang mamonitor para sure na walang complications, delikado po kasi baka tumuloy sa kombulsyon. Nahihirapan din siyang huminga pero binigyan na siya ng gamot para umayos yung breathing niya. Other than that ayos naman na po."
"Gusto ko siyang itransfer sa private room at pakisabi na din sa head niyo I want a private nurse for him." Tumango ang nurse, pero bago siya makaalis ay may tinanong pa ko sa kanya. "How old is he?"
Tinignan niya nag records niya. "4 months going to five in a few days."
BINABASA MO ANG
Our Missing Piece(ViceRylle)
FanfictionYou both had a connection, but then she just disappeared like nothing happened. What to do?