Part 14

731 34 9
                                    

He looked at me for a good few seconds before he grinned.


"Not in this lifetime baby girl." He then leaned in and kissed me aggressively which I returned equally. I miss this. I miss him, so damn much.

.

.

.

We both woke up with the constant knocking on the door. 


"Istorbo naman to eh." Angal ni Vice na nagsumiksik nanaman sa leeg ko. 


Hindi ko naman mapigilang hindi matawa sa inaasal niya. "Huy bangon na! Tignan mo na kung ano yun!"


"Aalis din yan, wag mo na pansinin." 


Parang bata din to pagmaglambing eh. Napatigil na lang ako sa pag-isip ng magsalita yung kumakatok.


"Sir? Gising na po ba kayo? Kanina pa po kasi gaiyak si SJ."


With that heard, bumalikwas ng bangon si Vice. He instantly wore his boxers at pinasuot naman niya sakin ang shirt niya bago tumungo sa pinto.


Hindi niya yun completely binuksan, at sumilip lang siya. Natigilan naman ang babaeng kausap niya ng makitang nakaboxer lang ang amo niya.


"Si-Sir buti na lang gising na kayo. Gaiyak sa Sj eh. Hindi namin mapatahan."


Naiinis ako dahil sa reksyon ng babae. Eto namang lalaking to parang wala lang sa kanya na makita siya ng iba ng nakaboxer lang. Sesantihin ko kaya to? Kanina niya pa hinahagod ng tingin si Vice eh. 


Agad naman akong nagtungo sa pinto, hindi na ko nag-abalang magshort dahil malaki naman ang damit ni Vice at natatakpan anaman ang dapat na takpan.


"Bakit daw? May nangyari ba?" Mataray kong tanay sa kanya, kaya agad niyang ibinaba ang tingin mula kay Vice. Aba dapat lang kung gusto niya pang makakita.


"Mommy's gone daw po."


"Oh gosh! Sige na bumaba ka na, antayin mo na lang kami." Agad ko namang sinarado ang pintuan at hinanap ang damit  ko. Pero hindi ko alam kung saan tinapon ni Vice yun kanina.


"Wait kuhaan na lang kita ng short ko, okay naman yung damit mo, magshort ka lang baka makapatay pa ko ng empleyado dito pag makita ka nilang ganyan ang suot."


He handed me his boxer at agad ko namang sinuot yon. Muntikan pa kong matumba dahil hinapit niya ang bewang ko habang nagsusuot ako short. "You smell good. Wala pa man din sana akong balak na palabasin  ka ng kwarto."


Pinalo ko naman siya sa braso ng dahil sa sinabi niya. "Wait." I pushed him away just enough to see his face. "Kilala niya ako?"


"Of course! Meron pa nga siyang picture sa kwarto niya eh, hindi mo nakita?"


Umiling naman ako bilang sagot. 


Meron ba? Hindi ko napansin nung pumasok ako. Baka dahil sa masyado akong nakatuon kay SJ.


"Meron, sa bedside table niya. Nakita niya picture mo sa wallet ko, Tapos ayun kinuha niya. Umiiyak kapag kinukuha ko pabalik. Kaya pinaprintan ko siya ng mas malaking ganon para meron siya sa kwarto niya."


Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng saya at kilig dahil sa sinabi niya. Hindi niya ako pinagdamot na ipakilala sa bata. 


I leaned in and kissed him on the lips. "Thank you, sooo much." I smiled and kissed him again bago tumakbo palabas. Ramdam ko nanaman kasi yung 'kaibigan' niya kaya tinakasan ko na baka san pa mapunta eh.

-------------------------

Ano sa tingin niyo? Comments? Reactions?

Our Missing Piece(ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon