"So settled na ang movie mo, tapos na ang lahat pero isa na lang ang kulang"
Nasa office sila ngayon ng Star Cinema at katatapos lang nilang pag usapan ang movie nila na ipapalabas na last week of next month.
"Ano pa pong kulang?"
"Your leading man"
Nagpa audition na sila pero wala pa ding napipiling babagay sa isang Maine Mendoza kaya habang naghahanap pa sila ng kapartner nito sa movie napagdesisyonan muna ni Maine na mag shopping ng maisusuot para sa character niya sa movie.
Lumabas ito ng simple lang ang suot at nakablack cap para hindi siya masyadong mahalata ng mga fans.
11:00 pm at 24/7 Mall
Walang masyadong tao ngayon kaya madali lang siyang nakabili ng mga damit at accessories na gusto niya.
Ng papalabas na sana siya ng mall ay agad siyang bumalik dahil biglang dumami ang mga taong naglalakad sa kalye na marahil natapos na ang concert na malapit sa mall na ito kaya nag silabasan na ang mga taong nanonood.
Yumuko siya at mas binaba pa ang sumbrero niya para hindi siya mapansin ng mga taong nagpapasukan sa mall.
Dahil nga sa sobrang baba ng cap niya ay ang sahig ng dinadaanan na lang niya ang nakikita niya kaya habang taranta siyang naglalakad pabalik sa mall ay hindi niya namamalayang may tao pala sa harapan niya na mukhang hindi rin tumitingin sa harapan niya kaya nagkabunguan ang dalawa.
"Sorry" agad na sabi ng dalawa sa isa't isa.
Aalis na sana si Maine pero tinawag siya nito.
"Maine?"
Hindi tumingin si Maine at pinagpatuloy ang paglalakad niya ngunit tinawag ulit ito ng nakabunggo niya.
"Maine Mendoza!" Mas malakas na tawag niya habang hinahabol niya ito.
Ng naabutan na niya ito ay agad niyang hinawakan ang balikat nito para makasiguro ngang si Maine Mendoza ito.
Tumingin si Maine sa tumapik sa balikat niya at ngumiti ito ng pilit sabay sabing "Hello" at pinagpatuloy na naman ang paglalakad pero pinigilan ito ng lalaki.
"Wait Maine, wag ka diyan, mas maraming tao diyan, trust me may ibang way"
"I'm sorry, pero di kita kilala, tsaka nagmamadali ako, salamat na lang"
Then they heard a sound of flashing camera kaya sabay silang tumingin. IT WAS A WRONG MOVE.
"OMG, MAINE MENDOZA AND KEVIN OCAMPO AHHH!"
The girl shouted while pointing towards the two, kaya dumami lalo ang nakakita sa kanila at kumuha ng pictures nila.Nabigla ang dalawa dahil dumami ang tao sa paligid nila at puro flash ng camera ang nakikita nila ngunit natauhan siya ng hawakan ni Kevin ang kamay nito at hinila patakbo hanggang sa wala ng humahabol sa kanila at napadpad sila sa isang masikip at madilim na kalye.
Pareho silang humihinga ng malalim dahil sa pagod sa pagtakbo habang nakahawak ang dalawang kamay nila sa kanilang tuhod.
"Wew, that was close!"
"Oo nga eh! Nakakapagod pero ang saya!" Tumawa si Maine habang humihingal parin.
"After 2 years, It's nice to finally see you in person idol!" Kevin smiled to Maine.
"Idol ka dyan! Pero artista ka rin ba?"
"Yup, Nag start ako last year nong bigla kang nawala"
Tinignan lang ni Maine si Kevin with a blank expression in her face so he smirked at tinggal niya ang black cap na nasa ulo niya dahil pawisan na rin ito buti na lang naka white v neck shirt lang ito at black pants.
"Don't worry, I'm not a stalker, I'm just your fan since I'd watch your dubsmash videos"
"Naks, by the way thank you sa paghila at pagtakbo mo sakin kanina"
"Thank you lang? Wala bang libre man lang?" They both laughed.
"Paano kita ililibre eh baka mamaya nyan dadami na naman yung tao"
"Hindi ko naman sinabing ngayon eh"
"Eh kailan?"
"Pwede bukas? Or kahit kailan mo gusto basta ilibre mo ko"
"Talaga nga naman! Oo na sige na! Wag na nating problemahin yan, ang problemahin natin eh kung paano tayo makakabalik sa parking lot"
Tinaggal na rin ni Maine ang cap nito na dahilan ng pagbagsak at paglugay ng buhok niya.
"Ang ganda mo talaga" out of the blue biglang lumabas yun sa bibig ni Kevin kaya imbes na mahiya at bawiin ito ay ngumiti na lang si Kevin.
"Tss, wag ka nga!"
"Totoo naman eh, hindi mo lang kasi alam yun"
"Hay nako! Ano nga bang pangalan mo?"
"Ang swerte ko naman, isang Maine Mendoza ang nagtatanong ng pangalan ko"
"Wag na nga lang nga, ang corny mo eh!" Palokong sabi nito.
"Joke lang, I'm Kevin Ocampo, A star magic artist from abs cbn, 25 years old and a fan boy of Yaya dub, Maine Mendoza" he handed his hand for a shake hands.
"Nice to meet you Kevin Ocampo and I'm Maine Mendoza, a star cinema artist from Abs Cbn and APT, 24 years old and just call me meng or menggay" and she held his hands and they shake hands.
Tinawagan ni Maine ang driver nito na sunduin siya at ganun din si Kevin kaya they both separate a path after that exciting moment.
Meng is now on her bed laying while staring at the ceiling and talking to her handler through phone call.
"I think I found him"
BINABASA MO ANG
She's Yours
FanfictionA Maine and Alden short story. This is not a love story This is just an imagination Shallow minded is not allowed here Thank you