Jam's POV
Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko. Para akong kinilig na nanghihinayang na nahihiya na naaasar. Hindi ko alam ano ang dapat kong maging reaction sa mga nangyari.
"Jam! Hoy Jam! Ok ka lang ba?!" nakatayo lang ako at hindi maalis ang gulat na gulat kong ekspresyon. "Hoy Jam!!!!! Ano ba!!!!! Makakain mo na ako nyan eh! Laki na ng bibig mong nakanganga!" niyugyog niya ako at ikinakaway ang kanyang kamay para mahimasmasan ako.
"Eh kung ikaw kaya mawalan ng first kiss?! Akala mo ba madali yun?! Hind–" naputol ang sana ay sasabihin ko ng sumapaw nanaman siya.
"Ikaw?! Nawalan na ng first kiss?! Aba't lakas din loob ng lalaking gumawa sa iyo nyan ha! Galing nya mamili at sa iyo pa kinuha ang first kiss ng babae hahahhahahahah!!!" tumawa siya ng pagkalakaslakas.
"Ano?! Eh ikaw kaya itong hinablot ako at hinalikan mo ako!" hindi ba niya alam ang mga nangyari?
"Hoy Jam! Wag ka ngang ambisosya dyan! Unang-una sa lahat hindi tayo o walang nangyaring hindi maganda sa atin katulad ng nabanggit mo lang earlier at pangalawa, kanina ka pa kaya nakatulala dyan." aray!
Dahil sa sakit ng kanyang sinabi ay napa walkout ako at pumuntang cr at doon nag emote.
Humarap ako sa salamin at biniblame ang sarili sa aking kapangitan.
Parang nahurt talaga ako nun. I mean I'm used to be called ugly pero bakit ngayon lang ako nasaktan?
Tumulo bigla ang luha ko sa kanang mata ko. Hindi ko maintindihan kung bakit, umiiyak ba ako sa lungkot dahil sa ginawa ni Ash o masaya ako dahil hindi nga nakuha yung first kiss ko. Nabigla nalang ako at may nagsisigawan sa labas.
Biglang sumigaw ang babae na nasa tabi ko. Napamura naman ako sa tinig niyang nakakabasag eardrums... Pero, bigla nalang akong kinabahan sa mga nasabi niya.
"Aaaaaahhh!!!!! Si Art Shawn Harriette binubogbog sa labas friend!!!!" sigaw niya sa kanyang katabi pang babae.
Bakit ba ako kinakabahan ng ganito. I mean normal lang to na reaction dahil binubogbog si Ash pero para bang may pag-alalala sa loob ko.
Tumakbo ako palabas ng cr at naunahan yung dalawang babae na nagchichismisan kanina.
Parang nanginig ang tuhod ko nang makita ko si Ash na nakabulagta sa sahig. Nakita ko lang ang mga security guards na nakatingin lang kay Ash.
"Ash!!! Puta! Anong nangyari sa'yo? Sinong maygawa nito?! Tumayo ka dyan at pupunta tayo ng hospital!!" Hindi ko inakalang magagawa ko yun. Bigla nalang tumulo luha ko.
"Puta ka rin noh?! Kita mo naman duguan ako! Makakatayo pa ba ako nito?!" kahit na sinisigawan niya ako sa harap ng maraming tao ay hindi ako nagpatinag at binanewala ang hiya at patuloy sa pag-agos ang luha ko.
"Wala bang pwedeng tumulong sa inyo?! Sa dinamidami niyo hindi niyo lang ba siya tinulungan?!" sumigaw ako sa harap ng maraming tao habang umiiyak.
May biglang lumapit na guard sakin pero nagulat nalang ako at bigla siyang sinuntok ni Ash.
"Ano ka ba Ash?! Hindi mo ba naisip na tutulungan tayo dapat niyan?!" mas lalong nanginig ang buong katawan ko.
The next happened is that sinuntok ng guard si Ash at parang pinapatay sa bugbog. Nagsialisan ang mga tao at tumatakbo palayo sa amin.
"Run Jam! Run!" sigaw sa akin ni Ash habang walang tigil na binubogbog ng guard.
"No I'm not leaving you like that!" sigaw ko sa kanya hoping that he would understand.
Bigla nalang akong sinuntok ng isang guard na kanina pa nasa likoran ko. Hindi ko matiis yung sakit at napasigaw nalang. Hinablot ng isa pang guard ang buhok ko at sinampal sampal ako. Halos mamatay na ako sa sakit at piniling pinikit ang aking mga mata. Ang tanging naririnig ko lang ay ang pagsigaw ni Ash at matinding suntukan na nagaganap. Halos nakatulog na ako sa sobrang sakit.
Nagising ako sa sobrang sakit ng pisngi ko. Sinasampal sampal ako ni Ash at sumisigaw sa tenga ko. "Gising Jam! Nasa mall na tayo!!!!!!" mall?
Anong mall? Eh hindi ba't nagsuntukan sila?! Kinapakapa ko ang braso ni Ash at hinawak-hawakan ang mukha niya. Wala talaga eh. Walang bakas ng sugat, bakit?
"Bakit wala kang sugat? Di ba nagkikipag-away ka?" tanong ko sa kanya.
"Anong nakipag-santukan? Nasa sasakyan lang tayo. Nakakagulat nga sinasabi mo at inaasta mo nang natulog ka at nakipag bugbugan ka pa unan ko." Noooo.
"So ibig sabihin....." napalunok ako at intinuloy ang sasabihin ko "PANAGINIP LANG ANG LAHAT NG IYON?!"
YOU ARE READING
Locker
Novela JuvenilThis is my first story and I'm not expecting myself to be an author. Better check out my first story. This is about a 17 year old girl na hindi man lang pinapansin ng kanyang mga kaklase since elementary days niya, ni hindi nga siya tinatawag ng kan...