Chapter 3: Bukol

22 1 1
                                    

Jam's POV

Sa dinami-dami pa naman ng estudyante dito sa DBA bakit si Ash pa?! Kung minamalas nga naman.

Andito ako ngayon sa cafeteria ng school and as usual andito din ako nagbabasa ng libro mag-isa syempre walang tumatabi o kumakausap sa akin pwera nalang sa Ash nayun.

"Hoy Miss Stalker!" yung boses nayun, yun yung nagpapakulo ng buhok ko!

Imbis na sagutin o iitsapwera ko siya ay nanahimik nalang ako at nagpatuloy sa pagbabasa ng libro.

"Hoy! Panget bakit hindi ka namamansin? Hmmm..." nagtatakang tanong niya at parang nag-iisip ng kung ano. Tssss bahala na siya wala akong pake.

"Haha! Alam ko na!!" bwesit kung maka sigaw tong lalaking to akala mo nasa labas lang! Sakit kaya ng tenga ko.

Imbis na pansinin siya, tinignan ko lang siya ng masama tas bumalik nanaman sa pagbabasa.

"Siguro... Siguro...... May crush ka sa akin!" aba't ang taas ng confidence ng lalaking to ah! Akala mo naman siya ang pinakagwapo sa school tssss.

At dahil sa hindi na ako nakapagpigil ng tawa, tumawa ako ng pagkalakaslakas na nagdulot ng pagkaasar niya at umalis. "Bwahahahahhaahah!!!!!! Oy! Oy teka! Hahahah!!!"

Hindi man lang ako pinansin pffft! At dahil hindi niya ako pinansin hinila ko siya pabalik sa akin pero....

Imbis na magkaharap na kami ngayon, pareho kaming nakahiga sa sahig dahil sa malakas naming bungguan sa noo namin.

Pareho kaming nakahiga sa gitna ng hallway. Dahil sa lakas ng bungguan namin ay pareho rin kaming may bukol sa gitna ng noo namin.

Dahil sa sakit ay napaiyak nalang ako pero kinokontrol ko yung iyak ko yung dapat ako lang ang nakakadinig pero hindi eh narinig niya ang pag-iyak ko.

"Hoy tumigil ka nga diyan! Para lang sa konting bukol iiyak ka?! Tumayo ka nga diyan para kang bata!" sigaw niya sa akin.

Nako! Kung alam mo lang! Dahil sa aking pag-iyak ay nakaupo ako ngayon sa sahig na nakapatong ang ulo sa tuhod ko.

"A-*sob*-ang s-sakit*sob* ka-*sob*-ya!" paliwanag ko sa kanya pero hindi ko parin matigil ang iyak ko.

Nakapikit ako ngayon na umiiyak ng may umangat sa ulo ko. Nahihirapan na akong huminga... Botet! Nakalimotan ko! May hika nga pala ako. Nabigla nalang ako sa sumunod niyang ginawa ng pinahid niya ang luha ko't binuhat ako papuntang clinic. Sinigawan niya yung nurse at pinadali ito.

"Nurse! Dali! Bilisan niyo! Hinihika na siya! Bilis!!!!!" ay ganern? Bakit niya alam na may hika ako? Ang pagkakaalam ko ang may alam lang na may hika ako ay ang pamilya ko at ako.

Dahil sa lambot ng kama na hinihigaan ko ay hindi ko na namalayang nakatulog ako. Pagkagising ko, nasa bahay na ako? Paano nangyari yun? Hmmm baka pinatawag si papa sa nurse kaya hindi ko nalang gaanong inisip at matulog nalang ulit para ipahinga tong baga ko.

Pero bago pa ako nakatulog ulit, napahawak naman ako sa bukol ko pero ang sakit talaga eh! Tsss makakatikim talaga yang lalaking yan! Pero ang galing niya hah! Ang galing niyang manghula at magbuhat hahahah! Paano niya kaya ginawa yun? 'di bale na nga mag tha-thank you nalang ako sa kanya.





Author's note:
hi guys!!! Sobrang happy ako kasi may at least anim nang reads ang story ko hehe hindi ko po iniexpect yun haha. So please do invite your friends to read my story guys kasi kung walang reads talaga ngayon hindi ko talaga ito itutuloy pero thanks to you guys na kayo ang naging motivation ko para i continue tons story na ito. So please don't forget to vote and comment po. Salamat!

LockerWhere stories live. Discover now