Chapter 1: What a day!

23 1 2
                                    

Hoh! Malapit nanaman ang pasokan at makikita ko nanaman ang mga minamahal kong classmates at schoolmates! Opo kahit po mabait ako -ahem!- may pagka sarcastic, pilosopa at maypagka laki din po ang bunganga ko, matagal na po.

"Anak, di ba pupunta ka pa ng mall para bumili ng mga school supplies mo at ng iyong kapatid?"

"Uhhh yes ma, bakit?" tanong ko na may nagtatakang boses.

"Eh kung ganon madam bakit nandyan ka pa at nakatapis pa aber? Naghihintay nang papa mo sa labas kasi ihahatid kayo ng kapatid mo." sagot ni mama sakin na nakapamewang.

"Oo na sige sige bihis nako shooooo!!" taboy ko sa kanya, oh 'di ba't ginagawa ko lang aso si mama haha!

Pagkatapos nun ay agad namang lumabas si mama sa kwarto ko at nagbihis na rin ako. Pagkatapos ng 20 minutes naming biyahe papuntang mall gamit ang sasakyan ni papa ay agad akong pumunta sa paborito kong bookstore para bumili ng school supplies at syempre libro rin para naman may libangan din ako sa free time ko hindi ko kasi hilig ang sumali ng clubs dahil alam kong hindi rin ako matatanggap. Pagkatapos naming bumili ng school supplies ng kapatid ko ay pinakuha ko na ang kapatid ko at ang mga binili namin at pinahatid sa bahay at ako naman syempre dito pa sa mall, gusto ko kasing maglakad-lakad muna.

Sa 2 hrs and 36 minutes kong paglalakad may nadaanan akong ice cream shop at hindi nag dalawang isip na bumili ng ice cream. Pagkatapos kong bumili ng ice cream, may nadaanan din akong salon na may pagkalaki-laking salamin at hindi ko naman naiwasang mapatingin sa aking repleksyon.... At ikinagulat ko yun! Aba't manloloko rin 'tong salamin na 'to hah! Ang ganda ko kaya sa aming salamin tas pagdating dito ay bigla lang akong pumanget?! Asan ang hustisya dito?!

"Pfttt!! Manloloko kang salamin! Insecure ka lang sa'kin!" oh-oh nadala ako sa aking emosyon at napalakas ko ata ang pag sabi nun at narinig ng dumaang lalaki.

"Asa ka naman." ay nako! Kung wala lang tayo sa mall baka patayin kita 'dyan sa kinatatayuan mo!!

"E-excuse m-me?" ano ba 'yan nauutal pa ako tssss... First time ko kasing sumagot -_-

"Sabi ko-" agad ding naputol ang aming convo ng may asungot na dumating.

"Shawn! Kung saan-saan na kita hinanap at nandito ka lang pala!? Oh ano nakabili ka na ng school supplies?" tanong nung naka unipormeng body guard na lalaki.

"Yes. Yes. Please! Can't you wait for me outside?!" singhal niya sa lalaki, aba't walang modo to hah! Hindi man lang gumagalang sa mga mas nakakatanda pa sa kanya?!

Nakatayo lang ako dun at pinapanood ang kanilang mala teleseryeng sagotan.

"We need to go now sir." kalmadong sagot ng lalaki sa kanya.

He nodded his head in a sign of approvement at muling lumingon sa akin at sinabing "Oo nga pala sabi ko.... PANGET KA!" aba't makakatikim tong lalakeng to eh!

Papalapit na sana ako sa kanya para suntukin yung pagmumukha nya pero natapilok ako at pinagtitinginan ng mga taong dumadaan. I mentally face palm. WHAT A DAY! Ganda ng araw ko! Una napalakas ko ang pagkakasabi kong insecure ang salamin sa akin, pangalawa napahiya ako dahil sa lalaking to na sinabihan pa ako ng panget! Lunghiya -_- at pangatlo ay pagkatapilok ko sa harap ng lalaking nagsabing panget ako at higit sa lahat tinatawanan pa ako ng mga taong dumadaan.

"Hoy! Pagbabayara-" hindi ko na naituloy ang pagkakasabi ko nun ng napansin kong wala na siya at ang masaklap pa ay iniwan lang naman daw ba ako sa sahig?! At sinong klaseng lalaki ang hindi magpakagentleman sa nangyari sa akin?

Naku! Pagnakita ko ulit yang lalakeng yan! Talagang sasakalin ko siya hanggang mawalan ng hininga! Makauwi na nga't mag pe-prepare pa ako para sa pasukan bukas.

LockerWhere stories live. Discover now