Chapter 2: Ayoko!

17 1 1
                                    

Kriiiiiiiiiiiinggggg!!!!!!!!

"Tahimik!!!!!" tinapon ko ang alarm clock ko sa kabilang dulo ng kwarto ko.

"What was that Jam ba–?! At bakit ka pa nakahiga dyan?! Anong oras na't nag-aalmusal na ang kapatid mo at ang papa mo sa baba at handa nang umalis!" singhal sa akin ni mama.. Hayyyy ayan nanaman si mama, eh alas sai–

O.O nakita ko sa kabilang dulo ng kwarto ko ang orasan ko paksheyt! 7:00 na?! Parang isang minuto lang ako nakatulog ah! Pakin botet 7:30 magsa-start yung locker assignment eh!!! Lord! Tulong!

Agad ko namang kinuha ang towel ko at nagmadaling maligo at nagbihis. Pagkababa ko sa kusina, aba't wala na ang dalawang mag-ama? Iniwan ba naman ako? Nagmadali akong kumain at nagtaxi na papuntang school -_-

Sakto naman at pagkatapak ko sa loob ng gym kung saan ginanap ang aming locker assignment. Ang locker assignment ay ang proseso na kung saan inaassign kayo sa isang locker ng iyong kapartner at panatilihing maayos at malinos ito dahil kasama ito sa iyong grades.

Sinimulan na ng emcee ang pag assign ng mga locker at iniisa isang binanggit ang mga pangalan at pagkatapos ay nakaassign na locker sa'yo. Unang tinawag ang girls at pagkatapos ay ang boys.

"Kristal Jane Perez, F50"

"Gretchen Fortich, K43"

Sa tagal kong hinintay ang pangalan ko ay sa wakas at tinawag na din! "Jarette Ann Moris, C25" yes! The same locker parin nung 1st year pa ko.

Agad ko namang pinuntahan ang locker ko. Kakaiba kasi ang locker dito hi-tech na hi-tech kasi ita-type mo ang whole name mo at ipa-scan ang pointer finger mo at agad nitong isasave ang finger print kasama ang pangalan mo.

Pagkatapos kong ginawa yung procedure ay nag iwan ako ng note sa locker ko.

"Hi it's great to have you as my partner in this locker. Hope that magco-cooperate tayo sa isa't-isa. Oh and before I forgot please leave a note. Thank You!

-JAM"

Pagkatapos kong magbilin ng note, pumunta ako kaagad sa bulletin board at chineck ang section ko.

Jarette Ann Moris               2-A              Room 201 (2nd floor)

Aba't naging 2-A ako? Galing nag improve na nga ako haha! Pinuntahan ko kaagad ang room na nakaassign sa akin. Pagkatapak ko sa loob ng room ay bigla namang pumasok ang aming professor. Panira!!!! Gusto ko pa sanang matulog -_-

Umupo naman ako sa bakanteng upuan sa likod, right side so medyo nasa pinakagilid ako ng room. Agad kong inilapag ang mga bag ko sa upuan ko.

Nagulat nalang kami nang may pumasok na lalaki sa aming roon na naka headset at nakapamulsa sa kanyang reaped jeans. Pamilyar ang kanyang mukha, sa tingin ko nakita ko na siya sa– 

"Mall!" oh lupa lamunin mo na ako.

Lumingon silang lahat sa aking na halong pandididri at pagtayaka sa kanilang mga mukha.

"Yes miss? You said something?" Paksheyt napatayo ako kaba ko.

"Nothing Ma'am" sagot ko sa kanya na nanginginig ang boses.

Pagkaupo ko sa aking upuan, nagulat ako sa naging ka opposite side ko... S-si.. S-siya ng-nga y-yu-yun!

Lumipas ang ilang oras na nakaupo lamang. Sa wakas at naisipan ring mag dismiss ang prof. namin.

Pagkalabas ko ng room ay naisipan kong balikan ang locker ko. Pagkadating ko doon may nakita kaagad akong green na sticky note sa locker.

"Thank you sa welcome note mo. It's great to have you as a partner too!

-ASH"

Ash? sino to? Ashley? Ashara? Aha! Ashlyn! Tama! Babae hahhaha mabuti naman!

Magsusulat pa sana ako ng note ng may dumating na asungot! Si Shawn -_- yung nakaaway ko sa mall.

"Uh... Stalker ka ba?" aba! Ang sama ng ugali nito! Masyadong feeling!

"E-excuse m-me?!" sagot ko na nauutal pa.. Botet! Kung kailan kailangan mong maging matapang!

"Nandito ka kasi sa locker ko MISS S." ano? Ano yun?

"Ano?! Anong 'MISS S' ang sinasabi mo diyan? At tsaka locker ko– este NAMIN to ni Ashlyn" oh hah! Akala niya lang at talagang inemphasize ko pa ang 'namin' word.

"MISS S - MISS STALKER! At hindi sa inyo to! Sa AMIN kaya to ni Jamuel!" aba't uminsist talaga siya hah! Parang bata tong lokong to!

"Pikyo! Sa amin to ni Ash kaya ta–" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng bigla siyang sumapaw

"Sino?" tanong niya na may halong pagtataka.

"Si Ash. Ashlyn. Eto pa nga oh may note pa siyang idinikit dito sa locker at ganun din ako... Pero baka kinuha niy–" hindi ko nanaman natapos ang sasabihin ko ng bigla nanaman siyang sumapaw -_- hilig niya ring sumapaw noh? Hobbit niya siguro.

"Teka! Note ko to para kay Jam ah! Bakit na sa–" pinutol ko ang sinasabi niya. Ha! Akala niya hah! Hobbit ko rin kaya 'to.

"Ano sabi mo Jam? Eh nickname ko yun eh!" langya lang niya na banggitin ang nickname ko ng ganun na lang! May value kaya yun!

"Jam? Ikaw? Eh ano ba name mo at naging nickname mo yan?" yan ang stalker!

"Jarette Ann Moris. In short Jam. At ikaw? Bakit naging Ash ang Shawn mo?" akala niya hah?

"Art Shawn Harriette" totoo nga! Nakita ko yung ID nya. Sa school kasi namin pinapayagan kaming ilagay ang aming nickname sa ibaba ng aming pangalan.

So partners nga kami? Noooooo waaaaaay AYOKO!!!!

Author's note:
Hi readers! Don't forget to comment after you read or you can comment your predictions in this story. Sorry for the typos.

Magiging maayos ba ang patutunguhan ng kanilang samahan? Find out in my next update.

LockerWhere stories live. Discover now