chapter 5

4.2K 105 2
                                    

Nagising akong tila may mabigat na bagay na nakadagan sa akin. Medyo nahihirapan kasi akong makahinga.

Napailing na lang ako sa aking isip ng makita ko kung ano yung dahilan at nahihirapan ako,hindi pala ano kundi sino.

Dahan dahan kong tinagilid ang aking ulo paharap sa kanya. Kinagat ko ang aking labi ng mapagmasdan ko ang kanyang mukha.


After how many years ngayon ko lang ako naging ganito kalapit sa kanya. I must admit though it's hard na mas lalo siyang gumwapo. ,kitang kita sa mukha niya na nagmature siya and it really sucks to admit again but it suits him well. Pinagmasdan ko ang matangos niyang ilong. ,kinuyom ko ang aking kamay I suddenly had the urge to run my fingers on it then pinch it afterwards. ,like I used to do it back then.


But I have to restrain myself. ,hindi tama. ,hindi dapat. I should restrain myself on having intimacy again with him,it would only complicate things and I so fucking hate complications. ,masakit sa bangs kahit na wala naman akong bangs.


Nalipat ang tingin ko sa kanyang labi,gaya pa rin ng dati parang naka-lipstick dahil sa pagkapula. Kita ko ang paglunok niya ng laway at pag-igting ng kanyang perpektong panga.




Really now,Stephie? Saan galing yung perpektong panga? Bakit ba parang kanina mo pa siya pinupuri? Limot agad,Stephie? Nakayakap lang sa iyo,limot mo na agad na isa siya sa dahilan kung bakit pilit kang naging matigas sa lahat ng bagay?



Kung bakit ngayon wala ka ng pakialam sa nangyayari sa paligid mo maliban na lang sa trabaho mo?



Nanigas ako ng maramdaman kong gumalaw siya. Bumaba ang kanyang kamay sa bandang tiyan ko,naramdaman ko ang paghaplos niya ng banayad doon.


Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang paghikbi. This is so familiar,him touching my tummy while I am running my fingers on his nose. At hindi ko gusto ang nararamdaman ko.


Hindi ko gusto ang pakiramdam na labis labis ang pangungulila ko sa kanyang mga haplos kasi hindi dapat. ,hindi dapat!


Dahan dahan kong inalis ang kamay niyang nasa tiyan ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago dahan dahang bumangon.



Sumulyap ako sa kanya at napasinghap ako ng makita kong lumuluha siya pero nananatiling nakapikit ang kanyang mga mata. Tiningnan ko ang kamay niya na kanina ay nakahawak sa aking tiyan,mahigpit na itong nakakuyom ngayon.



Lumabas ako ng kwarto,he's awake I know.



Hindi ko maiwasang mapangiti ng makarating ako sa dalampasigan. Hinubad ko ang tsinelas na suot ko at naglakad lakad sa buhangin. Napangiti ako lalo ng maramdaman ko ang nakakakiliting buhangin sa aking talampakan. Hinawi ko ang aking buhok.



Kapag nakakakita talaga ako ng dagat napapakalma nito ang aking isipan. Para sa akin kasi ang lawak ng dagat ay nagpapatunay na sa buhay there are endless possibilities. Hindi porke nabigo ka,katapusan na. Whenever I feel sad I always go to the beach kasi ipinapaalala nito sa akin na malawak ang mundo,kung nabigo ako sa isang lugar hindi ibig sabihin nun na wala ng pag-asa.



Pero dumating din yung point na kahit anong tingin ko sa dagat hindi ko mahanap ang katahimikan,hindi ko madama yung kalma. Punong puno ng katanungan ang isip ko kung bakit ako?. ,bakit sabay sabay ang pagbigay sa akin ng pagsubok?


Niyakap ko ang aking sarili habang nakaupo sa buhangin. I am always alone. . ,and I know I am gonna stay that way.



Nakakatawang sa dami ng pinagdaanan ko walang ibang nakaalam nun kundi ang aking sarili. Hindi ko nagawang mag-share sa mga kaibigan ko dahil meron din silang kanya kanyang problema. And what's more funny eh halos pamilya namin ang problema namin. Si Ashley,may problema sa evil stepmother niya while Iana naman sa kanyang sariling ina na dinagdagan pa ng stepsister niya. Kaya nung mga panahong yun sarili ko lang ang naging karamay ko. Even my parents wala silang kaalam alam sa pinagdadaanan ko that time not that they don't care for me,alam kong mahal ako ng mga panahong yun may pinagdadaanan din ang kapatid ko na si Suzanne at ayaw ko ng dumagdag pa sa alalahanin nila.



Hanggang ngayon hindi ko alam kung maganda ba na sinolo ko ang lahat o mas mainam na may naging karamay ako.



"Masyado ng mainit sa balat ang init ng araw. ,halika na sa loob. ,hindi ko na kailangang lumingon kung sino ang nagsalita obvious naman na kami lang yatang dalawa ang nandito.



Walang imik akong tumayo at pinagpagan ang aking damit. Speaking of damit saan ako kukuha ng pamalit ko eh ito pa yung suot ko sa opisina.




"I have to go back na!. ,hindi lumilingon na sabi ko sa kanya.



I heard him sigh.



"No. ,maiksi niyang tugon.


Pumikit ako at pilit na pinakalma ang aking sarili.



Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya.




"Look! Hindi ko alam kung anong trip mo ngayon sa buhay pero sana huwag ka ng mandamay ng iba lalo na ako dahil bukod sa marami akong trabaho wala akong panahong makisakay sa kung anumang balak mo sa buhay mo. !.,gigil kong sinabi sa kanya.



Nagkibit balikat lang siya sa sinabi ko. Hindi siya umimik at nilampasan ako.



Sa inis ko binato ko siya ng tsinelas na hawak ko,sapul siya sa ulo!


"Aray! Why did you do that?. ,galit niyang tanong. Salubong na salubong ang kanyang mga makakapal na kilay habang hawak niya ang kanyang ulo na tinamaan ng tsinelas.



Pakialam ko naman sa galit niya.



"Kinakausap pa kita huwag mo akong tatalikuran. ,kung ayaw mo akong kausapin,sabihin mo na lang kung nasaan tayo at ng makauwi na ako. !!. ,singhal ko sa kanya.



Lumapit siya sa akin,napaatras naman ako. Ngumisi siya ng makita ang ginawa ko,muli siyang humakbang papunta sa akin at muli naman akong umatras. Hindi siya huminto sa paglapit sa akin hanggang sa maramdaman ko ang pagsandal ko sa isang puno ng niyog.



Napasinghap ako ng itukod niya ang kanyang mga kamay sa puno dahilan para makulong niya ako.


Titig na titig siya sa akin,umiwas naman ako ng tingin,nalulunod kasi ako sa mga titig niya at hindi ko kayang titigan siya ng matagal.



"Look at me,sweetie. ,this is the last time na sasabihin ko ito at makinig kang mabuti. ,you are not going home. ,unless you give me the chance to talk to you and be mine again. . ,nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.



Hindi pa nga ako nakaka-get over sa una niyang sinabi. Naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko. Dahil bahagyang nakaawang ang aking bibig agad niyang naipasok ang kanyang dila sa aking bibig.



I should be pushing him,right? Pero hindi ko makuhang gumalaw,sa halip napapikit ako sa ginagawa niya sa akin. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking leeg it's like he's urging me to kiss him back and so I did.




I freaking kiss him back with so much passion and longing like the way he's kissing me.



I am so doomed!

When the Good Girl Got Hurt(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon