chapter 1

7K 138 15
                                    

Si Chenchen at Tintin ay kambal,magkamukhang magkamukha sila kung 'di mo titignan ng mabuti ay 'di mo malalaman ang tanging isang bagay na pinagka iba nila. Kong titignan mo kasing mabuti ay may maliit na nunal sa itaas ng labi si Chen Chen,maliit na maliit lang naman kong 'di mo tititigang mabuti ay hindi mo mahahalata pati kanilang boses ay magkatulad na magkatulad. Lumaki silang close sa isa't isa,hindi nag lilihim sa isa't isa at sympre mahal na mahal nila ang isa't isa.

Disisais anyos pa lamang sila ngunit kong titignan ay dalagang dalaga na ang kambal. Sa ganoong edad marami narin silang manliligaw.

Isang araw habang nag uusap sila.

"Chen anong tingin mo kay Joseph?"tanong ni Tin sa kakambal.

"Okay naman siya"tugon ni Chen

"Bakit 'di mo pa sagutin?"

"Naririnig mo naman ang sabi sabi tungkol do'n sa lalaking 'yun diba?playboy daw siya meaning mahilig s'yang maglaro nang damdamin ng mga babae malay ko ba kong isa lang ako sa mga pinag lalaruan n'ya"mahabang litanya ni Chen sa kakambal.

"Mukhang seryoso naman siya eh"giit ni Tin

"Ayoko sa kanya,balak kuna nga s'yang busteden eh"

"Kawawa naman siya ilang buwan ka din n'yang niligawan diba"

"Pero 'di ko gusto 'yung mga naririnig kong tsismiss sa kanya"

"Hay 'bat ba kasi ang bilis mong maniwala sa mga tsismiss Chen"

"Ikaw ba Tin kumusta ang panliligaw sa'yo ni Mark?"

"Sinagot kuna siya"nakangiting tugon ni Tin sa kakambal.

"What!?"gulat namang sabi ni Chen

"Gusto ko s'ya 'bat patatagalin kupa?"

"Bukod sa 'di mo pa s'ya kilalang mabuti dahil dalawang buwan palang s'yang nanliligaw sa'yo hindi ka nakakasigurado baka saktan ka lang ng lalaking 'yun"mahabang litanya ni Chen sa kakambal. Simula kasi nang iniwan sila ng kanyang ama two years ago ay tumatak sa isipan ni Chen na hindi dapat mag tiwala sa mga lalaki,siya kasi ang higit na nasaktan sa kanilang magkapatid dahil mas malapit s'ya sa kanilang ama.

"Hindi gagawin sa'kin ni Mark 'yun. Mahal n'ya ako Chen,hindi n'ya ako kayang lokuhin"

"Siguraduhin mo lang Tin dahil sa oras na sinaktan at niloko ka ng lalaking 'yun sabihin mo sa kanya ako mismo ang makakalaban n'ya!"hindi itinago ni Chen ang galit sa kanyang boses.

Bukod sa nunal,iyon ang pinagka iba ng dalawang kambal. Si Chenchen ay iwas sa mga lalaki,hindi madaling mabola at magtiwala. Si Tintin naman ay madaling mahulog ang loob n'ya sa mga nanliligaw sa kanya,madali s'yang mapaniwala sa mga matatamis na salita. Matigas ang aura ng pagkatao ni Chen samantalang si Tin naman ay may malambot na pagkatao.

Paglipas nga ang dalawang linggo ay hindi nga nagkamali si Chen dahil umiiyak na sa kanya si Tin dahil niloko raw s'ya ni Mark!

May ibang nobya pa daw ito bukod sa kanya.

"Binalaan na kita diba Tin noong umpisa palang sabi ko hindi mo pa s'ya masyadong kilala. Ano ba iyong paulit ulit kong sinasabi sayo?lahat ng lalaki manloloko kagaya lang sila ni itay,hindi nila kayang makontento sa isa lang!"galit na galit na sabi ni Chen sa kakambal.

"Akala ko iba s'ya Chen"umiiyak namang sabi ni Tin. Isa pa ito sa mga pinagka iba ng kambal mababaw lang ang luha ni Tin.

"Huwag kang mag-alala Tin ako na ang bahalang gumanti sa himayupak na Mark na 'yun. Makikita n'ya ipaghihiganti kita!"pang aalo ni Chen sa kakambal.

"Huwag na hayaan mo na lang sila Chen"pigil ni Tin sa kakambal,natatakot kasi s'ya baka kong ano pang iskandalo ang gawin ni Chen,alam n'ya ang ugali nito.

"Okay"tumugon si Chen sa pakiusap ni Tin pero sa isip isip nito'y nag iisip na s'ya ng pweding gawin upang makaganti kay Mark. Hindi n'ya hahayaan na basta na lang nito saktan ang kakambal n'ya.

Kinabukasan

Pagdating na pagdating palang ni Chen sa eskwelahang pinapasukan nila ni Tin ay dumiretsyo s'ya agad sa building ng Education department. First year college silang dalawa ni Tin pero magkaiba ng kursong kinukuha. Si Tin ay pangarap na maging isang mahusay na teacher balang araw samantalang s'ya naman ay gusto n'yang maging mahusay na engineer balang araw.

Ilang minuto na rin n'yang hinahanap si Mark balak n'ya kasi itong kumprontahin dahil sa ginawa nito sa kakambal n'ya. Galit talaga siya lalo pa't 'di pumasok ngayon si Tin dahil mas pinili nitong magmokmok nalang sa bahay kaysa sa pumasok dahil sa panlolokong ginawa sa kanya ni Mark.

Hindi naman n'ya balak na todong makipag away kay Mark kokomprontahin n'ya lang ito dahil sa pananakit nito sa damdamin ni Tin at isa pa hindi lang naman ang pagkompronta kay Mark ang ipinunta n'ya rito,balak din n'yang sabihin sa mga kaibigan ni Tin na hindi makakapasok ang kakambal n'ya ngayon.

Sa paglinga linga n'ya sa paligid ay nakita n'ya ang mga kaibigan ni Tin,lalapitan na sana n'ya ang mga ito nang may humarang sa kanyang tatlong babae.

The Twins (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon