chapter 5

2.3K 93 6
                                    

"Mga walanghiya!"galit na bulaslas ni Chen at naglakad pasugod sa direksyon ni Jeremy at ng kasama nitong babae.

"Chen teka sandali lang sa'n ka pupunta!"habol sa kanya ni Tintin.

"Susugurin ang gago mong boyfriend"

"Chen 'wag dito ang daming tao,ako nalang kakausap sa kanya!"

Pero tuloy tuloy lang si Chenchen. Ayaw niyang papigil,binulag na s'ya ng kanyang galit.

Pagkalapit na pagkalapit n'ya kay Jeremy.

"Jeremy!"malakas na tawag n'ya sa lalaki.

Pagkarap ni Jeremy ay agad itong sinampal ni Chenchen!

Napatda naman ang lalaki at hindi agad nakapagreact dahil sa gulat sa ginawa ni Chenchen.

"Ang kapal naman ng mukha mong lalaki ka!"

"Tintin!?"maang na tanong ni Jeremy

"Hindi ako si Tintin ako ang kakambal n'ya. Ang kapal naman ng mukha mong mambabae at lokohin ang kambal ko"galit na bulyaw n'ya sa lalaki.

"At talagang dito pa sa mall mo dinala ang babae mo of all places sa public place pa talaga. Hindi mo man lang inisip si Tintin,ang kahihiyan n'ya pa'no kong may makakita sa inyo. Siya ang girlfriend mo pero ibang babae ang kasama mo!"galit at malakas pang bulyaw ulit ni Chenchen.

Dumarami narin ang mga taong nakapalibot sa kanila at nakikiusyoso.

Habang si Tintin naman ay hiyang hiya na sa iskandalong ginagawa ni Chenchen.

"Chenchen halika na tama na 'yan"paki usap n'ya sa kakambal.

"Hindi Tintin kinakaliwa kana ng boyfriend mo kailangan mo nang matauhan niloloko ka lang n'ya,ginagamit ka n'ya"ayaw papigil ni Chenchen.

Nang makahuma naman si Jeremy ay agad itong nagsalita.

"Wait....Tintin its not what you think. I can explain!"kausap ni Jeremy kay Tintin ngunit si Chenchen ang sumagot.

"Explain!at anong eexplain mo sa kambal ko?bibilugin mo na naman ang ulo n'ya. Sasabihin mo na s'ya lang ang mahal mo at wala kang babae. Ayan na nga oh huling huli kana namin ano pang ipapaliwanag mo!?"galit na namang bulyaw ni Chenchen.

"Pwedi ba!tama na,tama na"umiiyak na pakiusap ni Tintin at saka nag walkout.

Nang makaalis si Tintin ay galit na binalingan ni Chenchen si Jeremy.

"Layuan muna ang kakambal ko walang hiya kang lalaki ka!"

Tapos binalingan din ni Chen ang mga taong nakikiusyoso at nakapaligid sa kanila.

"Anong tinitingin tingin n'yo ha?mga usyosero magsitabi nga kayo tapos na ang drama"masungit na sigaw n'ya at dali daling umalis para sundan si Tintin.

Nang makita n'ya ang kakambal ay pasakay na ito sa taxi.

Hinabol n'ya ang kakambal ngunit nakaalis na ang taxing sinakyan nito.

Wala s'yang nagawa upang mag abang narin ng taxi para makauwi.

Ngunit kong mamalasin ka nga naman ay wala s'yang maparang taxi. Inabot s'ya ng kalahating oras bago nakasakay.

Pagdating n'ya ng bahay ay agad s'yang sinalubong ng kanilang ina.

"Chenchen anong nangyari bakit umiiyak si Tintin pagdating n'ya at bakit 'di kayo nagsabay umuwi. Nagaway ba kayo?"nababaghang tanong ng kanilang ina.

"Hindi 'ma nakita namin ang nobyo n'ya sa mall na may kasamang ibang babae"

"Anong ginawa n'yo?"tanong ulit nito.

"Sinugod ko 'ma. Tama naman 'yon eh"naiiritang sagot ni Chenchen.

"You did what?!ba't ikaw ang sumugod hindi naman ikaw ang kasintahan"

"Naman 'ma eh,kilala mo naman si Tin anghel 'yon eh sa tingin mo magagawa niyang sugurin 'yong boyfriend n'ya?hindi diba kaya ako na lang ang gumawa"

"Pero kahit na Chen mali parin ang ginawa mo. At sinugod mo s'ya kahit nasa mall kayo gumawa ka ng iskandlo sa harap ng maraming tao"giit ng kanyang ina at ipilit ipinauunawa sa kanya ang kanyang mali.

"Palibhasa kasi 'ma sa'yo nagmana 'yang anak mo. Noong iniwan tayo ni papa anong ginawa mo 'ma?wala diba hinayaan mo nalang sila ng babae n'ya. Kong ako sa'yo ma' pinakulong kuna sila"inis na wika ni Chen.

"Chenchen!"maang na bulaslas ng kanilang ina.

"Totoo naman ma' eh ayoko lang magaya sa inyo si Tintin"naiiyak nang bulaslas ni Chen

Napabuntong hininga na lang ang kanyang ina. "Halika nga rito"sabi ng kanyang ina at niyakap siya no'ng makalapit siya.

"Chen anak may mga bagay o tao sa buhay natin na kahit gaano man natin kagustong manatili sila sa tabi natin wala tayong magagawa kundi ang pakawalan sila kong gusto na nilang umalis. Kailangan nating isakpripisyo ang kasiyahan natin para sa kanila 'yon ang totoong pagmamahal. Iyong saamin ng ama nyo hinayaan ko s'ya kasi gusto ko s'yang sumaya. Sa tingin mo ba hindi ako lumaban,ginawa ko lahat ng makakaya ko para isalba ang relasyon namin. Pero sa isang labanan dapat alam natin kong kailan dapat pang lumaban at kong kailan dapat nang sumuko".mahabang pangaral ng kanyang ina.

"Mama"iyon lang ang nasambit ni Chen at lalo pang mapaiyak at humigpit ang yakap sa ina.

"Ngayon umakyat kana sa taas at katukin mo ang kakambal mo doon at mag sorry ka"utos ng kanyang ina.

"Opo 'ma sorry po"hinging paumanhin n'ya at nagpaalam na para puntahan ang kakambal.

The Twins (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon