chapter 8

2.2K 98 6
                                    

AFTER 2 YEARS

Makalipas nang humigit-kumulang na dalawang taon isa ng resperadong engineer si Chenchen.

Engineer Chenchen Laxamana.

Nagtratrabaho s'ya ngayon sa isang construction firm. Wala s'yang masabi sa kompanya dahil maayos naman itong magpasweldo.

Dalawang taon. Ang bilis talagang lumipas ng oras. Dalawang taon na rin n'yang hindi makikita at nakakausap si Tintin. Hindi na nagpatuloy pa sa pag aaral ang kanyang kakambal at mas pinili nalang nitong maging isang plain housewife.

Miss na miss na n'ya ang kanyang kakambal. Kailan kaya sila magkakaayos nito at magkakausap muli?.

Sa pagiisip ay 'di na namalayan ni Chenchen na mapaluha na pala s'ya, nangungulila talaga ito sa kakambal.

Hanggang sa tumunog ang telepono sa tabi n'ya.

"Hellow this is Engineer Chenchen Laxama from the Building Dreams. Good morning!how may I help you?"pagsagot n'ya sa tawag.

"Chenchen" mahinang sagot ng nasa linya. Isang babae at parang pamilyar sa kanya ang boses nito.

Nagulat s'ya ng mapagtanto kong sino ito.

"Tintin ikaw ba yan?"malakas na sagot n'ya

"Oo ako 'to, Chenchen tulongan mo'ko nasa ospital ako"sabi ng kanyang kakambal sa kabilang linya.

"Oh God! Tintin anong nangyari sa'yo? Saang ospital pupuntahan kita? Alam naba ito ni mama?"sunod sunod na tanong n'ya sa kakambal.

"Hindi pa alam ni mama 'wag mo munang sasabihin sa kanya"sabi ni Tintin at agad na sinabi sa kanya kong saang ospital naro'n ito.

Nagmadali naman siyang gumayak para puntahan ang kakambal.

Pagdating n'ya sa ospital ay agad n'yang hinanap ang kwarto kong nasaan ang kakambal.

"Oh God Tintin what happen to you?"sabi ni Chenchen pagkapasok n'ya at nakita n'ya ang kakambal.

Umiiyak namang nakatingin si Tintin sa kanya. Puro galos at pasa ang kanyang kakambal. May mga bandage din ito sa ulo at iba pang parte ng katawan. Pansin din n'yang pumayat ito at parang nangangayayat pa. Sa habag n'ya sa kapatid ay bigla nalang n'ya itong sinugod ng yakap.

Pareho silang nagpupunas ng luhang magkapatid ng maghiwalay na sila mula sa madamdaming pagyayakapan nila.

"I miss you so much"umiiyak na sabi ni Chenchen sa kakambal.

"I miss you too....sorry...sorry for everything"umiiyak ding sabi ni Tintin.

"Let's just forget everything. Nasaan naba ang asawa mo bakit walang nagbabantay sayo rito?"

Napatingin naman sa kanya si Tintin at humagulgol na naman ito ng iyak.

"Hey!bakit?.....calm down I'm here okay"pangaalo ni Chenchen sa kakambal.

"Patay na si Fred"sabi ni Tintin sa kakambal nang mahimasmasan ito.

"Huh!? Ba't hindi sa'kin sinabi ni mama?"gulat na sabi ni Chenchen.

"Ayokong ipasabi"

"Bakit!?"

"Ayoko lang na makita mo ako na sobrang hina ko. Noong mga panahon na 'yon akala ko hindi ko na kaya binalak kong magpakamatay. Pakiramdam ko wala ng saysay ang buhay ko pag wala si Fred"umiiyak na namang sabi ni Tintin.

"Hush...stop crying"pang aalo naman ni Chenchen sa kakambal habang hinahaplos haplos nito ng mahina ang likod ng kakambal.

"Chenchen help me"sabi ni Tintin habang nakatingin sa kakambal.

"Anong maitutulong ko sayo sabihin mo?"

"Chenchen pakiramdam ko kasi hindi nag suicide si Fred eh"

"Oh God!are you trying to say na pinatay si Fred?"nanlalaki ang mga mata at napatakip sa bibig na turan ni Chenchen.

"Oo at ito...itong nangyaring aksidenting 'to pakiramdam ko hindi ito aksidenti pakiramdam ko sinadya nila ito!"takot na sabi Tintin.

"God!sino sa tingin mo ang may kagagawan nito Tintin?"

"Lahat sila na nasa bahay. Pinamana kasi lahat ng daddy ni Fred sa kanya lahat ng ari-arian nila eh kaya lahat sila galit sa asawa ko. Iyong madrasta n'ya na si tita Maris,'yong anak ni tita Maris na si kuya Bong,'yong tito ni Fred na si tito Luis,si Ava na anak ni tito Luis. Lahat sila may interes sa yaman na ipinamana sa asawa ko. I think one of them killed my husband and plan this accident"paliwanag ni Tintin kay Chenchen.

"Ganoon kadilikado ang buhay mo do'n?"

"Oo. Tulungan mo ako Chen alam kong matutulungan mo ako"nakikiusap na sabi ni Tintin.

"Anong maitutulong ko sa'yo?"

"Gusto kong ikaw muna ang umuwi sa bahay namin at magpanggap kang ako. Gusto kong alamin mo lahat kong sino ang pumatay sa asawa ko. Please Chenchen gusto kong mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Fred. Alam kong matalino ka at matapang"mahabang sabi ni Tintin.

"But- - - -"

"Please"nagmamakaawang sabi ni Tintin.

"Okay...okay"pagpayag ni Chenchen.

"Thank you"nakangiting sabi ni Tintin.

Now that Chenchen saw the smile of Tintin somehow she feel that her decission was right. She miss her twin sister and she want to make it up to her.


The Twins (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon