Chapter 21

1.9K 69 3
                                    

Iyong pakiramdam na umaga na at ramdam mo sa sarili mong gising kana pero ayaw mong imulat ang iyong mga mata dahil natatakot kang harapin ang magulong mundo. Iyon mismo ang pakiramdam ni Chen. Nasa kama lang siya at nakapikit pero gising siya. Hindi gumagalaw,ayaw mag-isip.

Nasa ganoon parin siyang sitwasyon ng biglang magring ang kanyang phone.

Si Perry tumatawag.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

Naalala na naman niya ang halik na namagitan sa kanilang dalawa. Just the thought of him makes her heartbeat fast but at the same time it brought so much pain in her heart. Tuwing naaalala niya kong paano humingi ng tawad ang binata ng dahil sa namagitang halik sa kanila pakiramdam niya nadudurog ang puso niya. Tuluyan na ngang nahulog ang loob niya sa binata.

Nag-aalangan man ay sinagot niya rin ang tawag nito.

"Hello"ani Perry sa kabilang linya. Ilang segundo na ay hindi parin siya nagsasalita. Na miss niya ang boses ng binata. Ilang linggo rin silang hindi nakapag-usap at talagang nangulila siya sa boses nito.

"H-Hi"aniya at nautal pa siya

"May ginagawa kaba?nakakaabala ba ako?"tanong nito

"Hindi! Hindi okay lang may kailangan kaba?"

"Wala naman namiss kita"anito at nahimigan niya na sensiro ito sa sinasabi nito.

Natigilan siya at hindi niya alam kong ano ang itutugon niya.

Ilang segundo ang lumipas pero hindi parin niya alam kong ano ang sasabihin dito.

"Hello?andiyan kapa ba?"

"Oo"pakiramdam niya ay isa siyang highschool student na ngayon lang kinausap ng crush niya at nahihiya siya.

"Uhmn gusto sana kitang imbitahan bukas?"anito

"Saan?"ayaw man niyang aminin ay kinikilig siya at nag-eexpect siya pero natatakot siya na baka masaktan lang siya. So much expectation can hurt.

"Dito sa bahay ko birthday ko kasi"masiglang sabi nito.

"Ah haha kailan ba iyan?"hindi niya alam kong bakit bigla siyang nalungkot siguro may inaasahan lang siyang iba.

"Bukas na sana makadalo ka"

"Segi susubukan ko"

"Susunduin nalang kita diyan sa inyo"

"Huwag na"tanggi niya

"Susunduin kita"pangungulit nito

"Pero- - -" pinutol nito ang sinasabi niya

"Wala ng pero pero basta susunduin kita"anito at ibinaba na nito ang phone.

Napapabuntong hininga nalang si Chen at napatingin sa hawak niyang cellphone.

Sa totoo lang nag-aalangan siya kong pupunta siya o hindi. Since alam naman na niya ang dahilan ng pagkamatay ng asawa ng kanyang kakambal uuwi na siya at babalik sa dati niyang buhay. Iyong dating buhay niya na tamik at wala siyang ginawa kundi paghusayan lang ang kanyang trabaho.

Magsimula ulit at kalimutan ang lahat. Kalimutan ang kanyang nararamdaman kay Perry pati narin mismo ang binata ay kakalimutan na niya. Ibabaon niya sa limot ang lahat at mabubuhay ng normal.

Sa kabilang banda gusto niyang pumunta para makita ang binata. Gusto niyang pagbigyan ang sarili kahit sa huling pagkakataon. Marahil kasi kapag bumalik na siya sa totoo niyang pagkatao ay hindi na niya ulit ito makita.

'Hay segi na nga pupunta ako' sa isip ni Chen 'total ito naman na ang huli' napagdisesyonan niya

Bumangon na siya at nag-ayos ng kanyang sarili para bumaba. Naabutan ni Chen si Ava sa sala at nagbabasa ito ng libro.

"Oh bakit nandito ka wala ka bang pasok?"tanong niya dito

"Meron po pero hindi ako pumasok"anito at itiniklop ang librong binabasa

"Bakit?"tanong ni Chen at naupo narin sa tabi nito.

"Masakit ang puso ko"anito at itinuro pa ang tapat ng dibdib nito na ikinagulat ni Chen at kalaunan ay bumalatay ang matinding pag-aalala sa kanyang mukha.

"Oh bakit nagbabasa ka lang diyan!halika sasamahan kita sa ospital"aligagang sabi ni Chen

"Ate Tin hindi naman iyon ang ibig kong sabihin eh"nakangusong sabi nito

"Eh ano pala?"

"Broken hearted ako. Hindi ako crush ng crush ko"anito at nakanguso parin

Napangiwi siya. Ano daw? Hindi ito crush ng crush nito. Naalala tuloy niya si Perry. Kong si Ava ay hindi crush ng crush nito siya naman hindi siya gusto ng gusto niya.

"Okay lang iyan marami pa namang ibang lalaki diyan"aniya at pabirong tinapik ang balikat nito.

"Siya lang ang gusto ko eh"anitong nakasimangot at mukhang apektadong-apektado talaga.

"Alam mo bata kapa naman eh marami pang mangyayari sayo. Marami kapang makikilala. Marami kapang pagdadaanang pagsubok sa buhay. Kong ngayon palang ay hinahayaan mo ang sarili mong malugmok dahil sa isang lalaki paano mo pa kaya haharapin ang mga mas mabibigat na pagsubok?"pangangaral ni Chen dito

"Ate Tin ikaw ba nasubukan mo na iyong pakiramdam na hindi ka gusto ng crush mo?"tanong nito

'Ngayon palang kong sakili'sagot ni Chen pero sa kanyang utak lang. "Oo naman pero hindi ko naman masyadong dinamdam ang mga iyon"sagot nalang niya.

"Ate tingin mo ba makakamove on pa ako?"anito at mukhang iiyak na

"Hahaha naku kang bata ka sympre naman marami pang lalaki diyan at bata kapa what made you think na hindi kana makakamove-on?" Napapailing na sabi ni Chen

"Kasi naman ehh..."anito at tuluyan nang umiyak

"Halika nga dito"ani Chen at niyakap ito at hinaplos ang likod upang tumahan"mamimiss kita"ani Chen

"Ha? Anong sabi mo ate?"tanong nito

"Wala. Ang sabi ko iyakin ka"aniya. Kapag umalis na siya isa si Ava sa mga mamimiss niya.

A/N: credits ulit sa picture na ginamit ko😊

The Twins (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon