Part Four

25 1 0
                                    

I wake up past 8 in the evening. Pupungay-pungay pa ako nang tumayo at pumasok ako sa kusina.

"Good evening Amara." Bati sa akin ni lee.

I smiled at him.

"Good evening girl." Masayang Bati rin sa akin ni Michelle.

"Good evening. Kanina ka pa ba girl?"

Naabutan ko silang nagpi-prepare ng dinner. Si Lee ang nasa harap nang stove at nagluluto.

"After nang klase sumunod din ako sa inyo." Sagot naman nya habang nag-aayos nang mga kubyertos sa mesa.

"Bat di mo ako ginising?"

"Masarap ang tulog mo kaya hindi na kita ginising."

"Come sit Amara. Lets eat."

Inilapag ni Lee ang adobong manok na niluto niya.

Inihila pa nya ako nang bangko.

"Salamat." Kiming wika ko.

"Kamusta na ang pakiramdam mo girl?"

"Medyo mabuti-buti na. Thank you nga pala Lee. Naka-relax ako kahit papanu since nakatulog ako nang mahimbing."

"Wala yun. Mabuti pa kumain ka nang marami since kaunti lang ang kinain mo kanina."

Sya na ang naglagay nang kanin at ulam sa plato ko.

After our dinner tumambay muna kami sa veranza habang umiinom nang kape. Si Micth naman nasa banyo maliligo daw.

Napagkasunduan naming dito narin kaming dalawa magpalipas nang gabi sa condo ni Lee.

Niyakap ko ang sarili ko. Nakapang-uniporme pa ako dahil unexpected na di ako uuwi nang bahay.

"Are you cold?" Tanong sa akin ni Lee.

"Ahm. Medyo..." ☺️

Since mahangin sa labas at makulimlim ang kalangitan.

"Here, use this." Ibinalabal nya sa akin ang jacket nya. "Baka ka mahamugan at bumalik na naman ang lagnat mo."

"Thanks..."

"May tumawag ba sa cellphone ko kanina?" Tanong ko. Himala kasing hindi natext at tumawag si Rafa sa akin.

"EAM called." Di nakatingin na sabi nya.

"Ha?"

"He was just checking on you."

"A...anung sabi nya? Dapat ginising mo ako." 😖 Baka galit na yun sa kin ngayon.

"I did. Ginising kita. And so I told him to call you when you're awake."

"W...wait lang ha."

Papasok na ako sa loob pero bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

"Bakit?"

Seryoso ang mukha nya.

"B...bakit Lee?" Ulit ko nang hindi parin sya nagsasalita.

"Gusto mo ba talaga sya?"

"H...ha?"

"Hooh! Ang lamig!"

Lumabas nang veranza si Mitch.

Biglang binitiwan ni Lee ang kamay ko.

"Hindi ba gumagana yung heater mo? Ang lamig ng tubig!"

"I forgot to fix it."

"Anu ba naman yan, may condo nga sira naman ang heater. Magsha-shower ka narin ba girl?"

"Uhmm. Mamaya na siguro girl. Tatawag muna ako sa bahay."

My Love, My Kiss, My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon