"Hoy!"
"Ay!" 😫 Napalundag pa ako sa gulat ng bigla akong tinapik sa balikat ni Michelle. 😣
"Anu ba girl!" Saway ko dito na natawa pa sa reaksyon ko. Muntikan ko na kasing matapon ang hawak ko na cellphone.
"Nakatingin ka na naman dyan sa cellphone mo. Kulang na lang pakasalan mo yang cellphone mo sa kaka-check mo oras-oras minu-minuto."
Hindi ko na lang sya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa kong pag-type sa ire-reply ko sa KANYA.
Naramdaman kong tumabi sa akin si Michelle at pasimple itong sumisilip sa tina-type ko.
"Sinu ba talaga yan si E.A.M? Lage ka na lang natataranta kapag katext mo sya. Wala ka man lang nakukwento sa akin tungkol sa pagkatao nya."
"Ah Basta....!" 😝
"Anung basta? Napaka-private naman ng sagot mo kung ganun. Wala ka na ba talagang tiwala sa akin?"
😪 Napa-buntong hininga na lang ako sa sinabi nya.
Ang hirap talagang mag-lihim sa kaibigan mo. Pero ganun naman di ba? Hindi naman sa lahat ng pagkakataon sasabihin mo sa kaibigan mo ang lahat ng sekreto mo? Pati nga sa pamilya mo kailangan mo din maglihim kahit na kadugo mo na nga sila. Talagang may mga bagay na hindi na dapat sinasabi sa iba at kailangang itago mo na lang sa sarili mo yung iba.
"Anu ka ba naman girl, hindi naman sa wala akong tiwala sayo kaya hindi ko masabi sayo kung sinu si EAM.... Alam mo kasi its complicated..." Napapakamot na lang ako sa ulo ko. 😣
"E keylan mo nga sasabihin sa akin? Nung 1st year pa tayo katext mo na yan sya pero ngayong ga-graduate na tayo hindi mo parin sakin nasasabi."
"Malapit na..." 😌
"Sinabi mo rin sakin yan last year eh... Aba, mag-4th-anniversay na yata kayo nyan pero hindi ko parin sya nakikilala." Reklamo nito.
"Totoo, malapit na... Sasabihin na nya- sasabihin ko na sa lahat kung sinu sya. Kaya girl, huwag ka nang magtampo." Hinila ko pa ang kamay nya tsak nagpa-cute-cute ako para maawa sya. 😚
"Oo na nga. Humanda sa akin yang EAM na yan kung sinu mang kumag na yan ang nagbabawal sayo na sabihin kung sinu sya."
Hindi na lang ako umimik para wala na itong masabi. 😝
Sabagay hindi ko din naman masisisi si Michelle kung curious na curious ito kung sinu si EAM dahil kahit amoy nito ay hindi ko sinabi sa kanya.
Nag vibrate na naman yung cp ko kaya I check kung sinu ang nag text. Madalang lang naman kasi SYA mag reply sa mga text ko. 😍
[From: 0918112345
This is my new number. PS. Delete my old. EAM][REPLY to EAM:
😤 Na naman? Lage ka na lang nagpapalit ng number. May nangyari na naman ba?] sinunod ko agad ang sinabi nito. I save his new and delete his old number. 😜
"Ay teyka, maiba tayo..." Parang may halong pagka-excited na sabi ni Michelle na tumawag sa pansin ko.
"Si Rafa at si Ruca mag-on na daw?"
"Talaga?" Gulat na sabi ko.
"Oo... Sila nga halos laman ng showbiz balita ngayon. Ang Nakakaloka e ayaw i-confirm ni Rafa kung totoong sila na nga."
"Ahh... Baka naman haka-haka lang yan?"
"Hindi ah! Si Ruca pa nga ang nagsabi sa press conference nito. Shock nga ang madla sa sinabi nya. Nag trending nga sila sa twitter ngayon dahil sa post nya hashtag invisiblelovers."
BINABASA MO ANG
My Love, My Kiss, My Heart
RomanceLove is complicated. Love is unpredictable. Love is nothing but a Fairy Tale. Amara's POV "Nothing lasts forever, but our memories I will keep it forever in my grave." NOTE: THIS STORY CONTAINS SOME IMAGES. I HUMBLY CREDITED THIS TO THE SPECIFIC MA...