Part Two

126 3 0
                                    

"The nurse is not around."

"Yeah. Lunch Break pa kasi."

Naupo muna ako sa stretcher. Parang drain na drain na talaga yung lakas ko kanina pa kaya wala na akong lakas na gumalaw. 😪

"Ill try to find you a medicine."

Nakahanap naman sya nang bioflu kaya yun na lang muna ang ininom ko.

"I also found a towel, Ill wet this for a moment you should lay and rest. Ako na ang magbabantay sayo habang wala pa ang nurse."

"Thank you..."

"Not a problem. Since I cause you too much trouble."

Inalalayan nya akong mahiga bago sya pumasok sa banyo para basain yung towel. Nilapat nya ang basang towel sa noo ko.

"Are you cold?"

"Medyo..."

Nilagyan nya ako nang kumot pagkatapos ay pinababaan nya ang temperature nang aircon.

"Okay lang ba sayong matulog ako? Pakisabi na lang sa nurse na gisingin ako kapag kailangan nya na akong kunan nang test. Isa pa nga pala, baka may pumasok dito na babae at hanapin ako, kaibigan ko sya. Pakisabi narin na hindi na ako makakapasok sa next subject."

"Yeah. Sure..."

"Thank you." ☺️

Napikit na ako since kanina pa ako inaantok at di ko na kayang pigilan pa ito dala narin siguro nang epekto sa gamot na ininum ko.

Alam ko namang walang gagawing masama sa akin si Lee. Ewan ko ba pero palagay na yung loob ko sa kanya na para bang matagal ko na syang kakilala. At ganun nga ay nakatulog na ako.

Michelle's POV

Pagkatapos kong bumili nang biscuit at juice para kay Amara ay sumunod narin ako agad sa infirmary.

Nasa second floor pa lang ako nang building pero may nakasalubong na naman akong mga babaeng nagmamadaling pumanaog nang hagdan galing sa third floor. Nagtitili ang mga ito na para bang may nakita na naman silang artista.

"Andyan kaya si Rafa?" Tanong ko sa sarili ko.

Pagkababa nila ay umakyat narin ako papunta nang third floor dun kasi ang infirmary na malapit sa building namin.

May nakasalubong akong dalawang babae pababa pa lang. Mukhang kasamahan nung naunang mga fan girls.

"May nakita ka bang lalaki na bumaba?"

"Lalaki? Si Rafa?"

"Hindi. Si Kim Lee."

"Ha?" 😅

"Nakita namin sya dito kanina pumasok pa nga sya sa classroom namin."

"W...wala akong nakita, pero yung mga kasama nyo pababa sila kaya malamang nasa ground floor na siguro yung hinahanap nyo."

"Ganun ba! Sige salamat!"

Sinundan ko sila nang tingin. Napa-iling-iling na lang ako. Mga babae nga naman oo, anu bang meron sa mga artista? Tsaka si Kim Lee? Imposible namang maabot pa yun dito eh nasa Maynila yung lalaki na yun. Nagi-imagine na naman sila, porket may nakitang guwapo at kahawig lang nang tao nagdidilihiryo na. Di na sila nakuntento sa isang Rafa dinagdagan pa.

"Haaay.... Ayaw ko talaga sa showbiz." 😝

Bigla kong naalala wala nga pala ang nurse dahil lunch break. Nag-aalala ako kay Amara baka hindi pa 'yun nakainom nang gamot. Napakamasakitin pa naman nun.

My Love, My Kiss, My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon