FEU: Paasa Agad?

218 1 1
                                    

PAASA AGAD?

"People these days, ang bilis-bilis i-claim sa mga sarili nila na PINAASA sila ng hindi man lang inaasess ang sitwasyon. Kulang na lang magpatayo ng sariling dambana at magpa-ribbon cutting dahil sila daw yung sinaktan, niloko at pinaglaruan ang feelings.

Kapag na-fall agad at hindi naibalik yung lebel ng emosyong inilaan mo sa kanya, pinaasa na agad? Hindi ba pwedeng wala ka lang proper-training sa kung paano ihandle ng tama ang baluktot mong nararamdaman?

Pero teka lang muna ha. Bago mo sabihing PINAASA ka in all-caps,

1.  Itanong mo muna mula sa kaibuturan ng ‘yong puso, “Binigyan ka nga ba ng motibo o namisinterpret mo?”  “Pinaasa ka nga ba o nag-assume ka lang talaga?” Magsolve ka ng maraming Math problems magdamag para malaman mo kung kelan dapat at hindi dapat mag-assume.

2. Siguraduhin mo munang well-updated siya sa totoong nararamdaman mo bago mo ipagsigawan sa buong mundo na pinaasa ka nga. Hindi yung wala siyang kaalam-alam sa feelings mo pero damang-dama mo yung pagiging “self-proclaimed-pinaasa”.

3.  Know the difference between ‘sadyang mabait lang’ and ‘sadyang pa-sweet lang’. Alamin mo yung paraan ng pakikitungo niya sa iba sa kung paano ka niya itrato para hindi ka agad nagfifeeling-special.

4. Hindi porket komportable ka sa mga bagay na pinapakita niya, hahayaan mo na lang na mahulog ka ng basta-basta. PILLS.

5. Hindi lahat ng tao mag-aadjust sa kakitiran ng nararamdaman mo. Ikaw ang responsable sa kung paano mo iinterpret ang mga bagay-bagay.

6. Wag mong gamitin ang pagiging ‘hopeless romantic’ mo para mas lalo maging ‘hopeless romantic’ ang isang sitwasyon.

7. Kung sa simula pa lang may ‘feelings’ ka na para sa kanya, subconsciously, kahit anong gawin niya, malalagyan mo ng ibang kahulugan ang mga bagay na wala naman talagang kahulugan.

8. Wag kang masyadong impulsive. Kape-kape din kahit 3-in-1. Hindi lahat ng minamahal mo, mamahalin ka.  

Hindi kasalanan ng kahit sino kung bakit marupok yung damdamin mo. Ikaw ang may pananagutan sa bawat ugat na nakakonekta jan sa puso mo kaya wala kang karapatang isisi sa iba kung ano ang nararamdaman mo ngayon. Kung may nagawa man siya sa’yo para magkaganyan ka, majority pa rin nun ay kagagawan mo dahil hinayaan mo.

Minsan kase hindi naman talaga tayo pinapaasa. ‘Mas ginugusto lang talaga nating umasa.’ Kase mas gusto natin na merong konting sakit. Mas gusto natin na may sinisisi bukod sa sarili natin. Dahil dun natin mas nararamdaman na mas nagmamahal tayo. "

From Nagpaasa point of view
2012
Other

©FEU Secret Files
(Facebook Page)

FEU SECRET FILESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon