FEU: Reminiscing Andrew

160 2 0
                                    

Reminiscing Andrew

"Gelo, sige na. Paki-sabi nalang sa mommy ko na mahal na mahal ko siya."

Huling salita ng bestfriend ko bago siya mawala ng tuluyan. Walong taon na rin ang nakakalipas simula nang sagipin niya ako sa pagkakalunod. Walong taon narin simula nang huli kong narinig ang boses niya.

He sacrificed his life just to save me from drowning, eight years ago. We were grade 6 and we had a swimming school field trip.

Habang nasa bus, pareho pa kaming masaya at nag te-take ng pictures gamit ang kodak camera niya. He loves to take pictures. Pangarap niyang maging photographer. From grade 2 to grade 6, mag bestfriend na kami. Ganon din yung family namin.

And then when we arrived at the venue naghubad na agad kami at naligo sa dagat.

Our teacher warned us not to go to the deep part pero napaka tigas ng ulo ko. Hindi ako nakinig. Pumunta parin ako dun kahit pinipigilan na ako ni Andrew, yung bestfriend ko.

Hanggang sa nakita niyang nalulunod na 'ko. Nobody at the venue seen me drowning aside from him.

I saw him screaming for help at nag pa-panic na siya. Nakita niyang wala siyang mahingan ng tulong kaya siya ang lumangoy para sagipin ako.

He did his best para maiahon ako at madala sa shallow part ng dagat habang siya inaanod na palayo. Binalak ko siyang balikan pero pinigilan niya ako. Hindi ko siya nasagip. Wala akong nagawa. Iyak lang ako ng iyak habang tinitignan siyang kinakain ng dagat hanggang sa mawala.

And his last words was "Gelo, sige na. Paki-sabi nalang kay mommy na mahal na mahal ko siya."

He chose to die for me.

Kahit eight years na ang nakakalipas, siya parin ang nag iisang bestfriend ko. And he's still alive in my mind and in my heart.

Dinadalaw ko siya sa puntod niya every 10th of the month. Dala dala yung kodak camera niya na laman ang mga pictures namin bago siya mawala.

Angelo
2010
IAS
FEU Manila

©FEU Secret Files
(Facebook Page)

FEU SECRET FILESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon