Pangako

625 47 22
                                    

May mga pangakong natutupad. May mga pangako din namang napapako. Pero ang tanging tanong ko lang, saan nga ba napupunta ang mga nasirang pangako?

Bata palang ako, kaibigan ko na siya. Gwapo siya, kaya hindi ko maitatanggi na nagkagusto ako sa kanya. At para sa'kin, isa ako sa pinakamaswerteng babae dahil siya ang bestfriend ko.

Bawat mga pangyayari sa buhay niya ay alam ko. Lagi niyang sinasabi sa'kin na gusto niyang maging isang sikat na artista. Siyempre, bilang bestfriend ay sinusuportahan ko siya.

Maraming panahon ang lumipas, kapwa kaming dalawa ay labing-pito na. Bumuntong hininga ako at pumunta sa kanyang kinaroroonan.

"Bes, may ibibigay sana ako sa'yo."

Inabot ko ang isang imbitasyon. Lumawak ang ngisi sa mukha niya nang mabasa niya ang nilalaman no'n.

"Wow naman! Sige, asahan mo'ko dito bes."

"Bes?" tanong ko sa kanya. Paulit-ulit na akong nag ensayo sa bahay para lamang masabi ko ito ng maayos sa kanyang harapan.

"Bakit?"

"Gusto sana kitang imbitahan. Ikaw sana 'yong last dance ko?"

Sa wakas, nasabi ko na din. Ang dapat ko na lang hintayin ay ang magiging sagot niya.

"Ha? Teka, pag-iisipan ko," aniya na may halong pang-aasar. Hinampas ko naman siya sa braso niya.

"Tyrone Lautren! Seryoso ako ha!" pahayag ko sa pangalan niya. Ayaw niya kasing binabanggit ang name niya. Masyado daw baduy.

E ang cute kaya ng Tyrone!

"Hoy, Heila Herrera! Magtigil ka nga dyan!"

Nagpout na lang ako. Buset na pangalan yan, Heila? More like Hawla. Kainis!

"So ano na nga? Payag ka na?"

"Oo naman, bestfriend kita e."

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Matutuwa kasi pumayag siya bilang last dance ko. At malulungkot dahil bestfriend lang ang turing niya sa'kin.

Isang bestfriend lang.

---

Dumaan ang mga araw at dumating na ang pinakahihintay ko. Ang aking debut. Excited lang kasi akong makasayaw siya.

Una akong sinayaw ni papa. Sumunod ang mga kuya at pinsan ko. Ang ilan sa mga kaibigan kong lalaki. At ang pinakahuli, ang bestfriend ko.

Binigyan niya ako ng rose. Napangiti naman ako nang kindatan niya ako. 'Yan tuloy, mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

"Ang ganda mo pala kapag naayusan."

Napahampas ulit ako sa braso niya. Pakshet, kapag ako kinilig baka 'di ko mapigilan ang sarili kong halikan siya.

"Nambola ka pa!"

"Bes, ang mga gwapo 'di marunong magsinungaling."

Natapos ang buong gabi na may malawak na ngiti sa labi ko. Akala ko 'yon na ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Pero nagkakamali ako. Nakilala niya kasi ang pinsan kong galing Amerika.

Kumirot ang puso ko lalo na't bakas sa mukha ni Tyrone na interesado siya kay Francine.

Lumapit siya ng bahagya sa'kin pagkatapos makausap ang pinsan kong si Francine.

"Bes! 'Di mo naman sinabi na may maganda ka palang pinsan."

"Anong gagawin ko?"

Pink's Tales (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon