Yugto

51 6 0
                                    

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Mapait akong ngumiti habang pinagmamasdan ang litrato nilang dalawa— 'yong sinabi niya sa'kin dati na kaibigan niya lang naman daw. Ang funny lang dahil kinain niya lahat ng sinabi niya. Going eight years na nga sila e, hahaha.

Ang dami na nilang napuntahan na lugar. Hindi ko alam kung nanadya ba siya o hindi, kasi halos lahat ng lugar na 'yon— 'yon 'yong mga gusto kong puntahan. Ang goals nilang tignan habang magkahawak ang kamay nila sa Tagaytay, Intramuros, Vigan, Baguio at Laguna na nakapost pa parehas sa instagram nila.

Hindi naman ma-social media si Ivan dati, pero ngayon kung maging proud siya sa girlfriend niya ngayon.. daig pa ang nanalo sa lotto— bagay na kailanman, hindi niya nagawa sa'kin.

Gagi, ano naman kasing laban ko do'n? Tangina, kababata niya 'yon e. Kilala na 'yong magulang both sides, bagay na bagay talaga. Kumbaga, nakuha na 'yong tiwala e. Kaya kapag sa'kin noon, laging hindi pwede. Pero kapag kay Irish, pwedeng pwede.

Gano'n pala 'yon 'no? Hindi mo mapipilit ang isang tao na magbago para sa'yo. I'm always hoping kasi na kaya niya pang magbago, kasi naiintindihan ko na ako ang first niya. Medyo weird kasi ang personality ni Ivan. Hindi siya nag iinvest sa mga nonsense topics, matalino and may pagka-introvert. Feeling ko, hindi nagbeblend ang personalities namin dahil ako ang kabaliktaran niya. Ako lang naman 'yong Thea na medyo tatanga-tanga, lahat ng bagay gusto pag-usapan dahil madaldal, at extrovert.

Pero ngayon? Base sa nakikita ko sa ig stories ni Irish? Ibang iba na si Ivan ngayon. Ang saya saya nila tignan dalawa. 'Yong ngiti at tawa niyang 'yon, hindi ko pa kailanman nakita no'ng ako ang kasama niya. Tapos, parang ang natural lang ng kilos niya. Ang sweet niya pa nga kay Irish, parang hindi siya 'yong Ivan na nakilala ko noon.

It's horrible seeing someone who treated you like shit, treat someone else good. Like, you were capable of it all along but you chose not to do it with me.

Aaminin ko, inggit na inggit ako kay Irish. Inggit na inggit ako kung pa'no siya tinatrato ngayon ni Ivan. Inggit na inggit ako kasi dapat ako 'yon e, kaso wala. Hindi ako 'yong mahal e. Hindi ako 'yong pinili.

"Doc Ramos, may isa pa palang nakasched po sa inyo ngayong araw." Hingal na habol sa'kin ng nurse. Nginitian ko na lamang ito. "Pakisabi, hintayin lang muna ako. May kukunin lang ako saglit."

Bumalik lang ako sa office ko para kuhanin ang aking labcoat. Nagtali ako ng buhok at itinabi ko na din ang phone ko. Pagkapasok ko, nakita ko ang isang pamilyar na babae na nagdadalang tao. Pinipigil ko na lamang na 'wag maiyak, kaya panay ang kagat ko sa aking ibabang labi.

"Thea?! Ikaw na ba 'yan? Hala kamusta ka!" Nagulat ako sa pagyakap niya sa'kin na parang walang nangyari noon. Na parang hindi niya inagaw sa'kin si Ivan.

"Ayos lang ako. Congrats pala sa inyo ni Ivan, magkakababy na kayo." May kung anu-ano pa siyang kinukwento sa kanila ni Ivan na hindi ko naman tinanong. Hindi ko nalang pinansin at ginawa ko nalang ang trabaho ko sa kanya.

Pagkatapos ko siyang maresetahan ng vitamins, agad na akong umalis dahil nasasaktan ako na makita siya.

Magiging tatay na pala si Ivan.

---

Nilunod ko nalang ang sarili ko sa pagtatrabaho. Iniwasan ko na din ang pagtingin sa social media, dahil panigurado masasaktan lang ako sa makikita ko. Akala ko, 'yon na ang huling engkwentro ko kay Irish. Ang mas malala ngayon? Si Ivan pa ang nakita ko.

Dapat mag iiba ako ng way na dadaanan, break time ko ngayon at bibili sana ng makakain. Pero mukhang mamaya nalang, biglang nawalan ako ng gana.

"Thea!" Hindi ko alam kung titigil ba ako sa paglalakad, pero tangina? Anong ginawa ko? Bakit ako huminto? Bakit ko pa siya nilingon?

It's been eight years, at ngayon ko lang ulit siya nakita ng personal.

"Oh, Ivan. Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko maiwasang titigan siya. Ang bilis ng tibok ng puso ko, bakit ba gano'n? Bakit ba ang hirap hirap niyang kalimutan? Bakit ba siya pa din ang mahal ko hanggang ngayon?

"Ah si Irish kasi, ka-buwanan niya ngayon."

"Ah." Maikling tugon ko. Kinakabahan ako kaya tinuon ko na lamang sa paligid ang atensyon ko.

"Ano.. Thea, sorry nga pala." Automatic naman akong napatingin kay Ivan. Nakayuko lang ito ngayon, nahihiya na tignan ako. "Ha?"

"Sa lahat ng nagawa ko sa'yo, sorry. I didn't mean to hurt you."

Hindi ko alam kung anong reaksyon ang gagawin ko kaya tinapik ko nalang siya. "Okay na 'yon ano ka ba, ang tagal na no'n e. Alagaan mo si Irish at ang baby mo! Kailan ba kasal ha? Invited ba ako, char!"

Kusa namang napangiti si Ivan at tumingin sa'kin. May inabot siyang wedding invitation nila. "Around february ko siya balak pakasalan. Siyempre invited ka, naging parte ka ng buhay ko e. Atsaka, kung ano man ako ngayon? Dahil sa'yo 'yon Thea."

'Wag kang iiyak Thea, pigilan mo!

"A-Ahh, sige. Una na pala ako, baka hinahanap na ako." Kinuha ko nalang agad 'yong invitation at agad na tumalikod. May sinabi ba siya, pero hindi ko na narinig dahil abala ang puso ko na masaktan dahil sa nalaman.

Pagkadating ko sa office, sinarhan ko na agad ang pinto at do'n napahagulgol ng iyak. "I build a man for someone else.."

Basang basa ng luha ang invitation na hawak ko ngayon. "Thea, move on na. Ikakasal na siya, masaya na siya. Ikaw nalang 'yong hanggang ngayon, wasak pa din.."

Para akong tanga habang kinakausap ang sarili ko. Naalala ko lang 'yong sinabi niya. Mas lalo lang akong naiyak.

".. naging parte ka ng buhay ko e. Atsaka, kung ano man ako ngayon? Dahil sa'yo 'yon Thea."

Parte. Bahagi. Yugto.

'Yan lang ako sa buhay ni Ivan. At kailanman, hindi ako ang magiging wakas niya.

Pink's Tales (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon