Silong

161 22 3
                                    

Pakiramdam ko, ano mang oras ay hihimatayin ako. Buwan na ng Mayo kaya inaasahan na mainit talaga ang klima ngayon. Kakatapos lang ng klase namin, pero dahil nalalapit na ang Intrams, wala tuloy akong kasabay pauwi dahil lahat sila ay may kanya-kanyang practice sa mga sasalihan nila.

Wala e, kasalanan ko din naman. Napagpasyahan ko kasi na 'wag nalang sumali. Ayoko ng masyadong hassle ngayong sem. Mas gusto ko tutukan 'yong pag-aaral ko, lalo na sa basic calculus na talagang nagpapahirap sa buhay ko.

Traffic kung sasakay pa ako ng jeep, kaya naglakad nalang ako. Wala akong payong na dala dahil nakalimutan ko dahil sa pagmamadali kanina. Buti nalang, may dala akong portfolio para naman kahit konti ay maibsan ang init.

Habang naglalakad, nagulat nalang ako nang may biglang sumabay sa'kin sa paglalakad. May hawak siyang payong at nakatingin pa ng diretso sa'kin.

"Silong na." Nakangiting pahayag niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil sa gulat. Sino ba naman ang mag-aakala na may mag-aalok na sumilong ako?

The last time I checked myself, wala namang nagbago sa'kin. Panget pa din naman ako.

Tatanggi na sana ako sa kanya nang biglang siya na 'yong kusang tumabi sa'kin at pinayungan ako.

"Bakit?" Bakit niya ako pinayungan?

Sa pangalawang pagkakataon, ngumiti na naman siya sa'kin. Pagkatapos ay hindi na kami nagpansinan pa. Tinitigan ko siya ng mabuti. Ang tangkad niyang lalaki, hanggang balikat niya nga lang yata ako. Moreno din siya, pero bagay naman sa kanya. Bukod pa do'n, matangos din ang ilong niya at mabango pa!

Ano kayang pumasok sa isip nito at pinayungan ako? Hindi naman kasi ako 'yong tipo ng babae na kapansin-pansin. Walang maganda sa physical features ko dahil para sa'kin, lahat 'yon panget. Panget ako, sobrang panget. Kaya bakit ang isang gwapong lalaking kagaya niya ay sasabayan ako sa paglalakad?

"Ahm, sige dito na lang. Salamat nga pala ha," sabi ko.

"Saktong sakto, 'yan din 'yong sasakyan ko." Woah. Taga Paliparan din pala siya?

"Kilala ba kita?" biglang tanong ko nalang. Wala e, sobrang ginugulo niya 'yong isip ko.

"Hindi mo na ba ako natatandaan?" tanong niya. Nag-isip ako ng mabuti, pero kahit anong gawin kong pag-iisip ay hindi ko siya maalala.

"Hindi e. Ano bang pangalan mo?"

"Hindi na mahalaga ang pangalan ko. Isa pa, hindi naman na ulit magtatagpo ang landas nating dalawa e."

"Kung sabagay. Pero kung sakaling magtagpo ulit tayo, sasabihin mo na ang pangalan mo?"

"Oo naman, Liezel."

---

Ngayon ang Intrams namin. Kanina pa akong ngalay na ngalay dito sa kinauupuan ko. Halos lahat kasi ng kaklase ko, natanggap sa try outs e. Hays, bigla tuloy akong nagsisi. Boring na boring na ako dito, wala man lang akong ganap. Take note, one week ang Intrams namin! So, one week din akong magtitiis na manood.

Sino kaya siya? Ano kayang pangalan niya?

Ewan ko pero bigla nalang 'yan pumasok sa isip ko. Halos isang linggo na din ang nakalipas simula no'ng pagkikita namin. Sa saglit na minuto na nakausap ko siya, sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

Sinubukan ko siyang hanapin sa facebook, nagbabaka sakaling nasa friend list ko siya. Pero niisa sa mga account, wala 'yong mukha niya do'n.

Iniisip ko ng mabuti kung talaga bang nagkita na kami. Inaamin ko, medyo pamilyar siya sa'kin. Pero hindi ko matandaan kung saan o kailan ba kami nagkakilala.

Pink's Tales (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon