Malamig ang simoy ng hangin sa labas. Nagkalat ang mga bata sa lansangan. Bawat sulok ng mga kanto ay maririnig mo ang kalembang ng tambourine. Napangiti na lamang ako, nalalapit na naman kasi ang pasko.
"Felly, bilisan mo na! Baka mahuli tayo sa simbang gabi!" rinig kong tawag ni Ethan sa'kin.
Agad naman akong nag-ayos ng sarili at lumabas na sa kwarto ko. Nakita ko naman sa sala ang bestfriend ko na matiyagang naghihintay sa'kin.
"Heto na nga ako 'di ba? Ang aga pa naman e," reklamo ko. Ewan ko ba kasi diyan kay Ethan at laging excited magsimba.
Bigla siyang lumapit sa'kin at inakbayan ako. Napa-pout naman ako dahil sa ginawa niya. Ang bigat ng kamay niya tapos ipapatong pa sa balikat ko!
Ang liit ko na nga e!
"Ikaw talaga ang tamad mo, kahit kailan. Kapag nagtampo sa'yo ang Diyos, sige ka," pananakot niya naman sa'kin. 'Di nalang ako nagsalita at nagpaalam nalang kina Mama at Papa.
Bata pa lang kami ni Ethan, kami na talaga ang magkakampi sa lahat ng bagay. 'Yong para bang partner in crime ko siya lagi sa lahat ng kalokohan? Lagi kaming nanti-trip at kung anu-ano pang mga kabalastugan.
Pero ewan ko ba sa kanya at bigla nalang siya nagbago. Masyado na siyang seryoso sa buhay. Napansin ko din na ma-limit na siyang magsimba.
"Hoy, nasa simbahan tayo Felly. Tigilan mo 'yang pagse-cellphone mo," pagsesermon niya sa'kin. Wala naman akong nagawa kung hindi ilagay na lamang ito pabalik sa bulsa ko.
"Opo, tatay," ang tanging nasabi ko na lamang sa kanya. Hindi naman na siya nagsalita pagkatapos kong sabihin 'yon. Napatitig tuloy ako sa kanya.
Nakayuko siya at nakapikit. Mukha siyang nananalangin. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Siya lang naman talaga ang nagpaparamdam nito sa'kin e. Hindi din naman ako magtitiis na magsimba kung hindi dahil sa kanya.
I love my bestfriend so much.
Sino ba naman ang babaeng hindi magkakagusto sa kanya? Gwapo, matangos ang ilong, matangkad, mabait at talagang napakalambing niya pa. Kaya ma-swerte talaga ako at bestfriend ko siya.
---
"Saan mo gustong kumain?" tanong sa'kin ni Ethan pagkalabas pa lang namin sa simbahan.
"Para namang may bukas na fastfood chain nang ganitong oras," pambabara ko sa kanya. Agad niya namang ginulo ang buhok ko.
"Sinabi ko bang sa fastfood tayo kakain? Hindi tayo kakain do'n baliw," natatawa niyang sambit. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Nakalimutan kong kuripot nga pala ang bestfriend ko.
"Ayon! Tara, do'n nalang tayo kumain," wika niya at agad na hinila ang kamay ko. Hindi ko namang maiwasan na mamula dahil sa ginawa niya. Okay, aaminin kong kinilig naman talaga ako dahil do'n.
Aling Imelda's Bulalohan.
Napataas naman ako ng kanan kong kilay sa pinagdalhan niya sa'kin. Ano? Dito kami kakain? Sa bulalohan talaga?
"Baka madumi ang pagkain dito," bulong ko kay Ethan. Inakbayan niya naman ako.
"Masarap dito Felly, magtiwala ka lang sa'kin."
Hindi nalang ako nagreklamo at umupo na. Kay Ethan lang naman ako tumitiklop pagdating sa mga ganyang bagay. Siya lang naman kasi ang tanging nagpapalambot sa malalaki kong sungay. Medyo may pagka-pilya din kasi ako.
"Heto na po ang order niyo, Ma'am at Sir! Naku, baka kayo ang magkatuluyan niyan!" kinikilig na sabi ng tindera. Porket magkasabay lang na kumain, kami na agad ang magkakatuluyan?
BINABASA MO ANG
Pink's Tales (COMPLETED)
NouvellesShort stories. Love. Sufferings. Pain. Life changing.