Direksyon

122 10 1
                                    

Importante ba na ang isang tao, magkaroon ng pangarap?

'Yan ang isa sa mga tinanong mo sa akin noon. Siyempre, ang sinagot ko sa'yo malamang ay oo. Tama naman kasi 'di ba? Importante ang mangarap para alam mo ang direksyon na tatahakin mo.

Pero bakit no'ng pinangarap kita, kung saan-saan ako dinala ng emosyon ko?

Sabi ng puso ko, umasa ako sa mga salita at mga kinikilos mo. Hindi ko namamalayan, unti-unti na akong pumunta sa direksyon na kung saan.. itinaas mo ako ng sobra. 'Yong tipong akala ko, mamahalin mo na din ako. Ang taas ng lipad ko e, akala ko sasaluhin mo ako.

Pero hindi pala.

Nasaktan ako ng husto. Sinaktan ako ng sarili kong pag-asa. Nadurog ako, dinurog mo ako. Inayos kita, pero hindi ko namamalayan.. unti-unti ko na din palang sinisira ang sarili ko. Alam ko naman e, na ang desperada ng dating. Akala ko lang kasi 'pag umamin ako, parehas tayo ng nararamdaman.

Pero hindi pala.

Ginawa ko ang lahat para iwasan ka. Pinuno ko ng pagmamahal ang sarili na nagawa kong kalimutan habang minamahal ka. Unti-unti ko na rin namang natatanggap na hindi mo talaga ako magugustuhan. Kaya binaling ko ang atensyon ko sa iba. Akala ko nga, hindi na kita makakalimutan e.

Pero kaya pala.

Maraming salamat sa alaala. Hindi man naging tayo, pero nagkaroon ka ng malaking parte sa mundo ko. Hindi ako magiging ako kung hindi dahil sa mga payo mo. Masaya ako para sa inyo, sana ay magtagal kayo.

At sa babaeng mahal ng mahal ko, ingatan mo sana siya. Pagpasensyahan mo 'yan kung minsan, moody siya. Kapag wala 'yan sa trip, kulitin mo lang hanggang matawa siya. Paborito niya pala 'yong Japchae na tinitinda diyan, comfort food niya 'yan 'pag stress na siya sa pag-aaral e. 'Wag mo din kalimutan na pagsabihan siya na 'wag niyang papabayaan ang sarili niya, masipag kasi 'yan masyado mag-aral e. At sana din pala, 'wag mo siyang iiwan.

Please, 'wag mo siyang sasaktan.

Dahil sa lahat ng pwede niyang tahakin, ikaw ang direksyon na pinili niya. Sa pagitan ng timog at hilaga kung sa'n naroroon ako, kung sa'n saksi ang panahon ng kalungkutan at kasiyahan..

Ikaw ang napili niya. Ikaw na silangan at kanluran na kahit kailan, hindi magiging ako.

Pink's Tales (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon