𝚝𝚠𝚘

77 1 0
                                    

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅

"Anong pang enroll? Ulul, nakakilala ka lang ng eabab na taga UST pumapangarap kang mag aral ulit." si Dos, may ari nitong bilyaran kung saan ako madalas tumatambay kapag wala akong pasok sa trabaho. 

"Gago pre, hindi. Taga Espanya lang pero hindi sa UST nag aaral." paliwanag ni Gabo, hindi ko siya masyadong ka-close at kay Dos ko lang naman siya nakilala. Mayaman, siyempre kaibigan ni Dos, pero patapon din ang buhay. Hindi ko alam kung saan o anong dahilan pero naririnig-rinig ko lang ay dahil daw sa babae. 

Ang sabi ni Papa noon, mamili ako ng mga kaibigan. Iyong mga kaibigang mag aangat sa akin at hindi ako dadalhin sa masama. Dahil naniniwala raw siya na nagsisimula sa mga kaibigan ang daang susunod kong tatahakin. 

Hindi naman. 

Sila Dos, nakilala ko noong first year college. Kung bakit hindi high school, ay dahil wala naman talaga akong kaibigan noong Elementary at High school. Bata pa lang galit na ako sa mundo. Kapag may kumakaibigan sa akin pakiramdam ko gagaguhin lang din nila ako. 

Madalas naman ganon. 

Kaibigan ang turing sa akin ngayon, pero hindi mo na alam kinabukasan. Iniisip ko rin na baka may mali sa akin at kung bakit wala akong kaibigan noon. At kung mayroon ay buti na lang at napagtanto nila.  

Sa maagang edad ay naniwala na ako agad na hindi ko kailangan ng kaibigan, at ang kailangan ko lang ay ang sarili ko. 

Nakilala ko si Dos dahil parehas kami ng supplier. Parehas din kaming ilang beses na nahuhuling naninigarilyo sa may likod ng high school building. Hindi ako pala-kaibigan, pero si Dos kahit yata saan kami mapadpad marami siyang kilala. 

Marami kaming pagkapapareha. Bukod sa parehas magulo ang buhay namin, parehas na kaming inabandona. 

Ang pinagkaiba lang, may iniwan sa kaniya, sa akin ultimo singkong duling, wala. 

Tamang benta lang. Minsan, ng tinapay, minsan naman sinusuksok sa tinapay... para lang kumita. 

Wala eh, nahihiya naman akong mamalimos tapos hindi naman sa pagkain gagamitin. 

"

Hindi ka pa siguro nakakahanap ng taong sasagip sa'yo? 

Tanong ko noon, lagi. 

Siguro nga? Kaya hindi ako 

o2.

Love and Keep.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon