Chapter Four.

46 1 0
                                    

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅

Gabi, naisipan kong magpahangin sandali. Maibsan man lang ang takot. Nitong mga gabi, hindi ako nakakatulog ng maayos, ewan ko kung dahil ba yon sa may tama ako o dahil lang pagod ako.

Pero alin doon sa dalawa mukhang wala naman doon ang rason.

Tuwing ala una nagigising ako dahil sa isang masamang panaginip, may halimaw daw nasa ilalim ng bahay na pinagtataguan ko. Ang bahay na 'yon ay nasa matayog na puno, at ang may ari ay ang Lola ko, nanay ni Papa.

Ang sabi niya sa akin, bumaba daw ako harapin ang halimaw, patayin at huwag mag tago. Pero sobrang takot ko, naroon lang ako sa bahay niya, umiiyak. Nag iisip ng pwedeng gawin para magising.

Ang huli kong naalala ay yung may hawak na baril si Lola, paulit ulit na pinuputok yon sa halimaw. "Huwag ka matakot, nandito ako. Bumaba ka na." Pero pag baba ko, sinalubong ako ng malaking anino, halimaw na pala ang katapat ko.

Hanggang sa nagising ako na naliligo sa sariling pawis.

Nag ikot ikot ako, kung saan saan nakarating. Huminto ako sa isang convenience store, malapit sa may day care school di kalayuan sa amin.

Bumili ako ng siopao, tapos tubig. At nang babayaran ko na, parang di ako makalapit sa counter.

Anong ginagawa niya dyan? Akala ko mayaman siya bakit nandito siya? Bago ba siya dito? O baka naman nandito na siya hindi ko lang natetyempuhan?

Unti unti akong lumapit, kami lang ang tao dahil nga hatinggabi na, nakasilay naman ang ngiti niya ng iabot ko ang pinamili.

"Musta?" Pabati niya.

Tinanguan ko lang siya, nag lapag ng isang daan, sinuklian ako saka ako umalis at naupo kaharap ang walang katao taong kalsada sa labas.

Ilang minuto akong hindi mapakali, kasi pakiramdam ko ay lalapitan niya ako at hindi naman ako nagkamali.

"Gabi na, bakit nasa labas ka pa ng ganitong oras?"

Pinailaw ko ang cellphone na wala namang ginagawa kundi ang manahimik lang sa bulsa ko.

"Salamat nga pala sa pagpapahiram mo ng motor." tumango ulit ako, kahit naman di ko ginusto.

"Di na kita nabayaran, eto nalang saka ito, kung gutom ka pa pwede mo naman kainin."

Tiningnan ko ang mga pagkaing nilapag niya sa lamesa sa harap ko.

Sumilay ang ngiti niya, para din makita ko na may dimples pala siya, di ganoon kalalim di rin naman ganoon kababaw, sakto lang para sa mukha niyang

Sobrang pangit pala niya pag sa malapitan.

Napaubo ako.

Naupo siya sa tabi ko. Nilingon ko ulit siya.

"Jiro."

Sabay abot ng palad.

"Jaeda."

"Pareho tayong J." parang ulol na nakangiti saakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love and Keep.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon