Part 2 - Immersion

9 0 0
                                        

Andito na kami sa probinsya para sa immersion.. Maayos naman ang salubong ng community samin may kaunting salo salo.. Syempre pakilala sa mga kagawad at mga pamipamilya.. Mga 2 weeks din kami dito.. Sapat na siguro para matapos namin yung research..

Sa bahay nila Aling Rina kami makikituloy habang nandun kami.. Si Aling Rina tsaka yung panganay nyang anak na si Junjun lang ang nakatira sa bahay.. 25 na si Junjun wala pang pamilya.. Biyuda na si Aling Rina..

Sinimulan kong chikahin si Aling Rina habang sila James at Eric tinulungang mangahoy si Junjun.. Si Pau at Cindy naman nagikot ikot muna sa paligid..

"Iha, pasensya na kayo dito sa kubo namin haa.. Medyo di natapos ehh.. Kinapos kasi sa pampagawa.." sabi ni Aling Rina 

"Ayos lang po.. Hehe.. Sino po yung batang babae dun sa family picture nyo?" 

"Ahh sya.. Bunso ko.. Kaso namatay na sya ehh.." 

"Ahh.. Pasensya na po.. Condolence.." nabigla naman ako. 

"Ayos lang iyon iha, matagal na din naman syang nawala.. Bata pa sya ng kunin samin..Siguro kung buhay pa sya sa ngayon kasing edad mo na sya.." sabi nya pa.. 

"Ganun po ba? Wag nyo pong mamasamain.. Ano po bang kinamatay nya?" tanong ko pa.. 

"Pinatay sya.. Nakita syang duguan walang buhay dun sa Acacia.." 

Kapag sineswerte ka nga naman ohh.. Kusang lumalapit yung topic namin..  

"Nahanap na po ba ang pumatay?" 

"Hindi.. Hanggang ngayon hindi pa.. Wala pa ding hustisya ang pagkamatay ng anak ko.." mangiyak ngiyak sya habang nagkikwento.. 

"Naku pasensya na po kayo kung mausisa ako.." 

"Ayos lang iha.. Mas mabuti ng ako mag kwento kesa naman sa iba nyo pa marinig.." 

Nangiti na lang ako.. Tumayo si Aling Rina para pumutang kusina..

Lumabas naman ako at hinanap sila Pau at Cindy para maikwento mga natuklasan ko.. Tuwang tuwa naman sila dahil mapapadali ang pag kuha namin ng details para sa research..

Naghanda ang lahat para sa hapunan.. Pagkatapos ng hapunan ay nag aya ng matulog sila Pau.. Samantalang yung mga lalake ehh sumubok pang makipag inuman ng tuba kay Junjun..

"Good night mga iha.." sabi ni Aling Rina samin.. 

"Salamat po.. Good night din.." sagot naman namin.

Pinahiram samin ni Aling Rina yung kwarto ni Junjun..

"Kristina."

Nagising ako dahil sa narinig kong boses.. Madaling araw na pala.. Tingin ko sa phone ko..

"Kristina."

Ayan na naman.. Sino ba yun? Tulog na tulog naman yung dalawa sa tabi ko..

"Tulungan mo ko."

Bumangon na ko para hanapin yung boses.. Lumabas ako ng kwarto.. Tulog na pala sila James..

"Kristina."

Humahagulgol na yung boses.. Umiiyak sya..

Sinundan ko yung boses..

Hanggang nasa may bakuran na ko..

"Kristinaaaaaaaaaa!!!"

Sumisigaw sya.. Napakalakas na parang nasa tapat ng tenga ko lang sya..

Lumingon ako kung san nang gagaling yung sigaw.. At dun..

Malayo man pero na aaninag ko sya.. Batang naka dress ng yellow..

"Tulungan mo kooooooo!!!"

Biglang nasa harapan ko na sya..

"KRISTINA TULUNGAN MO KOOOOOOOO!!!!!!!!!!"

Niyuyugyog ako ng bata.. Punong puno ng dugo ang mukha nya..

"HIHIHIMWAHAHAHAHAHAHAHA!!"

Tumatawa sya.. Habang nakatingin sakin ang mga mata nyang nanlilisik..

Hindi ako makagalaw.. Gusto kong sumigaw pero parang walang lumalabas na boses..

Hanggang sa naramdaman kong napaupo na lang ako sa lupa.. Nakyuko..

"MAGBABAYAD KA KRISTINA.. MAGBABAYAD KA!!!!"

Yun yung mga salitang huling narinig ko.. Pag angat ko ng ulo ko wala na sya..

Naramdaman kong may umakay sakin.. Nagulat ako kaya napasigaw

"Bitawan mo ko!" 

"Babe relax.. Si James to.."

Niyakap ko sya.. Napaiyak ako..

"Shhh.. Ano ba nangyare? Bat andito ka sa labas?" 

"Onga Tin bat andito ka.. Hinanap ka namin.." sabi ni Pau..

Andun din pala si Aling Rina may hawak na gasera..

"Iha ano bang nangyari?" tanong nya..

Kinuwento ko sa kanila.. Pero sabi lang nila baka nananaginip lang ako.. May isang napansin lang ako kay Aling Rina habang kinukwento ko ang nangyari.. Parang nagiba ang reaction nya.. Namutla at parang nanlisik ang tingin nya sakin ng saglit..

"Bakit po Aling Rina?" usisa ko.. 

"Wala iha.. Siguro ay nabigla lang ako sa kwento mo.. Mabuti pa at magsipag balik na kayo sa mga kwarto nyo.."

"Tama.. Magpahinga na tayo ulit.. Pasensya na po sa istorbo.." sabi ni James kay Aling Rina..

"Babe natatakot ako.." sabi ko kay James 

"Samahan na lang kita gusto mo?" alok nya..

Pumayag naman sila Pau na tabihan ako ni James..

Nakatulog na sila pero ako hindi pa din.. Naalala ko pa din yung nangyari..

At gumugulo pa din sakin yung tingin ni Aling Rina.. Ibang iba.. Nakakatakot din.. Parang..

YUNG MATA NUNG BATANG NAKADILAW!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dun Sa AcaciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon