FlashBack

30 1 2
                                    

Julliane's P.O.V

Hindi ko alam kung anong gagawin ko pagkatapos ko silang makitang dalawa na masaya. Bawat hakbang ng paa ko ay parang bumibigat lalo ang nararamdaman ko. Lalong nagbabadya ang mga mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Pagkauwi ni Lianne ay agad na lamang niyang tinungo ang kwarto niya. Hindi man lng naghapunan noong gabing iyon dahil sa nararamdaman niya.

Napasapo na lang siya sa kanyang noo at sinabing "Baka naman friendly gestures lang yun, Baka nadala lang ako ng selos, Baka namaling akala lang ako.
  

(Kinabukasan)

Naglalakad ako sa hallway ng aming school ng matanaw ako ng mga ibang mga estudyante. Marahan nila akong pinasadahan ng mga tingin nila. Kumikilatis ang kanilang mga mata. Ano pa nga bang pinagbago? Palagi, madalas, araw-araw, oras-oras nilang pinapamukha sa akin na "PANGIT AKO"

"May itataas pa ba yang medyas mo?"

"May mas kakapal pa ba diyan sa dork eyeglasses mo?"

"Dun ka nga, ang pangit mo! Nadidiri, naiirita ako pag nakikita kita. Hindi namin alam kung bakit ka pinatulan ni Tristan! Siguro ginayuma mo siya you wicked witch!

Ang kanilang mga linyang palaging sinasabi sa akin, na tumatak sa aking isipan na kahit kailan hindi ko makakalimutan.
Marahil maraming naiinis sa akin kung bakit ako ang girlfriend ni Tristan. Oo alam ko pangit ako, pero sapat na bang basehan ang physical appearance?

Hanggang sa natanaw ko na si Tristan at unti-unti akong lumapit sa kanya.

Kayo ba ni Carina yung nakita ko kahapon? tanong ko sa kanya.

Hindi,maaga akong umuwi kahapon Babe, masakit katawan ko eh. sabi niya.

Sana inamin na niya alam ko naman na siya yon eh. Hindi na niya kailangan magkaila. Lumipas ang isang oras na walang nagsasalita samin, vacant kasi namin at may sari-sarili kaming mundo.

"Alam mo aminin mo na alam ko naman na eh, na kasama mo si Carina kahapon, na siya yung talagang mahal mo at hindi ako! Umamin kana Tristan!" Nasabi ko na rin yung matagal ko ng kinimkim na bumabagabag sa isip ko.

"Oo siya na! Siya yung kasama ko kahapon at sa tuwing hindi ako nakakasipot sa mga date na pinaplano mo! Siya yung taong mahal ko at hindi ikaw! Oh ano?! Alam mo na? Makikipagbreak ka? Parang kawalan ka naman! Ang pangit mo dude! How can I love you?! Hahaha. Dream on Girl"

Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon, hindi ko alam pero parang ulan na nagsisi-unahang bumuhos ang mga luha ko. Ang tanga-tanga ko para magtanga-tangahan sa kaniya! Ang tanga ko kasi hinayaan ko yung siyang lokohin ako! Sabagay sino ba naman ang magpapakaLOYAL sa akin eh PANGIT nga ako.

Loving you UnconditionallyWhere stories live. Discover now