"Julie Anne! Matagal ka pa ba?" sigaw ni Lala mula sa baba.
"Coming!"
It's 5:53 in the morning, nakakatamad kaya gumalaw. Ang usapan kasi 4:30am. Alam ko namang ako nalang hinihintay nila eh, sisihin niyo si Elmo ang landi eh.
I'm wearing a maroon halter crop top and black knee-ripped jeans.
Kinuha ko na ang mga gamit ko, at lumabas ng kwarto, pababa na ko ng hagdan ng bigla-biglang sumulpot si Elmo. Halos mapatalon ako sa gulat, at napahawak pa saaking dibdib.
"Holy fuck." tinignan ko siya ng masama.
"Good morning." nakangiting pang-asar na sabi ni Elmo.
"Tss, don't fuck with me Elmo. I woke up 5 in the morning." mataray na sabi ko. Peste, sira na agad araw ko.
"Need help? Dami mong dala ah." puna niya.
Binitawan ko ang mga dala ko at di na sumagot. Nauna na akong lumabas at naabutan ko sila Lala na nagyoyosi sa tabi ng van na sasakyan namin.
"Good morning Jules!" bati ni Lala.
"Morning." ngiti ko sakanila.
"Oh, dude? Daming dala ah? Di na babalik?" sabi ni Vince kay Elmo.
"Hindi akin 'to gago, kay Julie 'to. We all know girls and I'm sure doble dala ni Gerlin."
"Azar ka talaga Moe, iwan ka namin dyan eh. Tara na nga guys." sabi ni Gerlin.
"Ja, masyado mong pinapahirapan si Elmo. Hahaha" sabi ni Kerby at tinulungan si Elmo para ayusin ang mga gamit sa loob ng van.
"I insisted, bro." ani Elmo.
Si Kerby ang magd-drive, sa tabi niya si Gerlin. Nasa huling seat naman si Bait at Richmond na tulog na tulog, sa harap nila sina Lala at Vince na walang tigil sa pagkain. Di na talaga mapaghihiwalay 'tong mga ito eh.
Pumwesto na ako sa likod nila Kerby at tumabi naman sakin si Elmo. Taas kilay kong tinignan siya, nananadya ba siya?
"What do you think you're doing here?"
"Hey, ang aga-aga ba't ang sungit mo? You have no choice, you're stuck with me." he winked at me, inayos niya rin ang suot niyang salamin at beanie.
I rolled my eyes at nilibang ang sarili ko saaking phone at binasa ang mga messages.
Jennica:
Hey, good morning. Nakaalis na kayo? Call me once you read this, Jase misses you. You take care, Jaja. 😊
Napangiti at napailing ako sa message ni Ate. Ew ang sweet. Hahaha. At gaya ng sabi niya, tinawagan ko naman agad siya, mga 5 minuto bago niya sinagot ang tawag ko.
"Hey, sorry di ko narinig phone ko. Nakaalis na kayo?"
"Haha it's alright. Yep, on our way already. So, asan si Jase?"
"He's reading. Alam mo namang ayaw netong naiistorbo kapag nagbabasa." ani ate.
"Hi ate Jenn!" sigaw ni Gerlin.
"Ate Jenn, ba't di ka sumama?" sigaw naman ni Lala.
"Ingaaay!" inaantok na sabi ni Bait at yumakap pa kay Richmond.
"Hello to you, two" Natatawang bati ni ate kay Gerlin at Lala.
"Mommy, is that Tita Ninang? Is she coming home already?" rinig kong sabi ni Jase sa kabilang linya.
"Why don't you ask her, baby?" sagot ni ate kay Jase. "Jaja, kausapin ka ni Jase."
"Hello? Tita Ninang?" excited na sabi ni Jase.
