5

557 28 4
                                    

"Lola Ma, matulog ka na. Hatid na kita sa kwarto, kami na bahala dito." aya ko kay Lola. Kanina niya pa kasi ako inaasar kay Elmo, since we got here.

Nagpahanda din kasi si Lola ng konting salo-salo para sa pagdating namin. Andito kami sa may gazeboo ng bahay ni Lola. 10 na kami nakarating dito, medyo naligaw pa kasi kami eh.

"Sigurado ka, hija? Nakikipagkwentuhan pa ko sa mga kaibigan at dito sa boyfriend mo." sabi ni Lola Gemma at pinisil ang pisngi ni Elmo. Natawa naman sila sa ginawa ni Lola.

"Naman Lola eeh!" I sighed. "Di ko nga yan boyfriend!"

"Biro lang apo. Haha" ngiti niya at tumayo. "Oh sya mga apo, matutulog na muna ang Lola ah? Sana nagustuhan niyo ang mga hinanda namin at sana mag enjoy kayo dito. Kung may kailangan kayo, wag mahiyang magsabi."

"Salamat Lola. Bukas ulit!" sabi ni Bait.

"Tuloy natin kwentuhan bukas, Lola ah?" sabi naman ni Vince.

"Pahinga ka na po." sabi ni Gerlin.

"Lola Ma, daming drama eh!" sabi ko habang nagkakamot ng ulo, kanina pa kasi ako napapayosi haha charot! Late na kasi masyado, bawal pa namang magpuyat tong si Lola. Pinagbigyan ko lang kasi namiss niya daw kami eh.

"Good night, Lola." pahabol na sabi ni Elmo.

"Sipsip." I murmured as I rolled my eyes. At dahil sa ginawa ko, nahampas ako ni Lola sa braso. "Aray." nakanguso kong sabi.

"Lakas talaga, Moses! Haha." asar pa nila Lala.

"Maraming salamat, Lola Gemma!" sabay sabay nilang sabi at yumakap kay Lola.

"Good night mga apo, hinay hinay sa alak ah." ani Lola at kumaway sakanila.

Pumasok na kami sa loob ng bahay, malaki talaga ang bahay na ito. Pagmamayari pa ito ng Lolo ni Lolo. Kaya alagang alaga ito ni Lola at ayaw niyang umalis dito. Namatay si Lolo Bruce bago pa man ako ipanganak kaya di ko na siya nakilala, naiingit ako sa mga kwento ni Jennica tungkol sakanya, dahil mukhang masaya nga itong kasama. Kasama ni Lola dito ang Auntie Flor ko, na kapatid ni Daddy. Meron siyang nag-iisang anak na si Libby, 7 years old, gaya ni ate Jennica iniwan rin siya ng asawa niya. Meron din siyang katulong sa pag-alaga kay Lola, ang Yaya namin noon na si Nanay Lucy at ang anak nitong si Mac na kababata ko.

"Did you have fun, Lola Ma?" nakangiti kong tanong kay Lola habang paakyat kami sa hagdan.

"Of course, apo." sabi niya na may ngiti sa labi.

Pagdating namin sa kwarto ay naabutan namin si Nanay Lucy na nag-aayos ng kama ni Lola. Malaki ang kwarto ni Lola, mas malaki pa sa condo namin sa Manila.

"Nanay Lucy, salamat. Matulog ka na po. I'll take it from here." sabi ko at niyakap ni Nanay Lucy.

"Namiss kita, bebe girl. Ang laki mo na." naiiyak niyang sabi.

"Nanay Lucy talaga, napakaiyakin. Haha" natatawa ako at hinigpitan ang yakap kay Nanay. "Asan po pala si Mac?"

"Bukas pa uwi nun bebe girl eh." ani Nanay Lucy at bumitiw sa yakap namin upang tulungan si Lola sa paghiga nito.

"Alam niya po bang nandito ako?" umupo ako sa kama ni Lola at hinawakan ang kamay ni Lola.

"Ay oo, hija. Tuwang-tuwa nga eh. Kaya lang bukas pa siya makakauwi dito, dami daw trabaho eh."

Napailing at napangiti na lamang ako. "Sige po, salamat po Nanay. Matulog ka na rin. Ako na po bahala kay Lola."

"Salamat Lucinda." ani Lola habang humihikab.

Not A Bad ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon