Chapter 20

217 17 4
                                    

Lucky's POV

3 pm na at nandito ako ngayon sa kwarto ko kakatapos ko lang kausapin si Daffy ng napansin ng mata ko na may tao sa garden nila Ac kaya binuksan ko yung bintana ng kwarto ko kasi parang nag uusap sila


Boses ni Ac at ni Brace?



Ano bang meron sa kanilang dalawa?Lagi ko nalang nakikita yung Brace na yun sa bahay nila Ac tsaka kagabi nakita ko din siyang kasayaw si Ac
Tss -.- as if I care but Ano nga bang meron sa dalawang yun?


"Hindi ko alam" Huh? Anong hindi niya alam? Teka umiiyak ba siya


"Paanong hindi mo alam? Ac naman ang tagal kong hinihintay ang sagot mo tapos eto lang ang sasabihin mo? Hindi ko alam ? Ac  ipapangako ko sayo hindi kita sasaktan tulad ng ginawa sayo ng walangya mong bestfriend"Sasaktan? Ano ba yun nagaaway ba sila? Bakit galit si Brace at sumisigaw? Si Ac ang bestfriend ko bakit umiiyak? At what? Anong hindi sasaktan ang sinasabi niya at nadamay pa ako aber?



"Ano ba! Wala siyang kinalaman dito! Hindi niya alam toh kaya can you shut up!" Anong hindi ko alam? Bakit parang ako ang pinag uusapan nila?



"Ac alam mo naman na ayokong nasasaktan ka ng ganyan. Wag kang magpaka tanga sa lalaking yun madami pa namang iba diyan"Magpakatanga? Kanino?


Tahimik lang akong nakikinig dito para malaman ko ang pinag uusapan nila


"Alam mo bang hirap na hirap na ko sa nararamdaman ko? Ang sakit sakit na habang nakikita ko silang masaya eto ako sobrang nasasaktan" Sila? Sinong sila?

Hindi ko na kinaya ang nakikita at naririnig ko kaya lumabas na ko hindi ako nakita ni Ac kasi  nakatungo na siya at umiiyak na naman



Ano bang ginawa ng lalaking yun sa kanya at ganyan nalang umiyak ang bestfriend ko? Walangya siya lagot siya sakin
Walang pwedeng magpaiyak sa kanya ng ganyan ako nga hindi ko siya pinapaiyak at sinisigawan siya pa kaya na kaschoolmate lang namin


"Sinong nagsabi sayong pwede mong paiyakin ang bestfriend ko?" sabay suntok kay Brace


"Hindi mo ba alam? Na kaya siya nasasaktan ay dahi-"booogshhh suntok ulit













































"Walang pwedeng mag paiyak sa kanya" suntok ko ulit


"At sino? Sino ang pwedeng magpaiyak sa kanya. Ikaw? E loko ka pala e" sabay bawi niya ng suntok


Nagsuntukan lang kami ng nag suntukan ni Brace at ang tanging naririnig ko lang ay ang mga iyak at hikbing ginagawa ni Ac kaya mas lalo akong nagalit kay Brace


"Tama naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa" sigaw niya sabay punta sa may gitna namin ni Brace 


Dahil dun napatigil kami at bigla nalang siyang nahimatay sakin siya bumagsak buti nalang nasalo ko agad at dali dali akong ipinasok sa loob si Ac sigaw ako ng sigaw tinatawag ko ang lahat ng tao sa bahay nila at unang bumungad sa akin si Tita


"Anong nangyari sa Baby namin?" tanong nito ng makita si Ac na buhat buhat ko in Bridal style


"Nahimatay po kasi siya sa Garden" sabi ko nalang ayoko ng sabihin yung away thingy para hindi na mas lalo silang mag alala


"Dalhin mo siya sa kwarto niya tatawag lang ako ng doktor" sabi nito


"Sige po"halatang halata sa kanya ang pag aalala sa anak kita kasi sa mata niya e
Si Brace? Hindi ko alam kung nasan na siya baka umalis na o nasa baba baka tinatanong siya ni Tito sa nangyari
Kanina kasi nakabuntot siya sakib nung pumasok kami sa loob ng bahay
.


Forever Love(Lucky Aces)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon