Chapter 36

99 9 2
                                    

Andree's Pov

Nandito pa din ako sa may dagat ng biglang---

Do you remember when
I said I'll always be there?
Since we were ten baby

Ringtone ko. Si mommy tumatawag

"Yes Ma?"

"Anak?" medyo umiiyak siya

"Ma, anong nangyari bakit ka umiiyak?"

"Anak si Jem. Dinala siya sa Hospital"

"W-what? Ano daw pong  nangyari?"

"Inatake daw ng sakit niya" sabi niya habang umiiyak pa din

Hindi ko alam. Pero hindi ko magawang makasagot sa sinabi ni Mommy

"A-anak andyan ka pa ba? Pumunta ka nalang sa ******** Hospital dun namin siya dinala"

"S-sige po Ma"

Pagkatapos ng tawag hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi. Dahil sigurado akong mapapagalitan ako ni Mommy kapag nagkataong nalaman niya na ako ang may kasalanan kung bakit siya nagkaganoon. Sana hindi malala ang nangyari sa kanya.

Pero mas ginusto kung pumunta para malaman ang kalagayan niya. Pagkarating ko ay dumiretso agad ako sa pinaka front desk

"Excuse me Miss"

"Yes Mam?"

"Uhm. May I know kung may Jem ba na pasyenteng dinala dito? Yung kadadating lang?"

"Wait po Mam I'll just check"

"Pakibilisan lang please"

"Mam sa Room 315 po Third floor"

"Thank you"

Nagmadali akong sumakay ng elevator at pinindot sa third floor. Pagkabukas ay lumabas agad ako at dumiretso na sa room 315. Nakita ko sa may hallway ang Mommy niya at sila Mommy. Pagkakita ko sa kanila hindi ako makatingin kay Lucky. Nang biglang lumabas ang Doktor.

"Excuse me. Sino po ang parents ng pasyente?"

"Ako po Dok. Kamusta na po ang anak ko?"Si Tita Jen

"Pwede po ba kayong makausap. Private po sana"

"Sige po Dok"

"In my office please. This way"

Pagkaalis nila may lumabas naman na nurse.

"Uhm. Pwede na pong pumasok sa loob para mabisita ang pasyente"

Pumasok na agad sila Tita Angelica at Lucky. Samantala ako nagpaiwan na muna sa labas ng kwarto. Ayoko siyang makita. Sana hindi malala ang nangyari sa kanya. Siya kasi e! Pinilit niya kong kausapin yan tuloy!

"Anak? Pumasok ka daw sa loob"

"S-sige po Ma"

Forever Love(Lucky Aces)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon