Chapter 35

115 10 0
                                    

Lucky's Pov

Tatlong araw na ang nakalipas na nandito kami sa Batangas hindi niya pa din ako pinapansin pero nakakatuwa pa rin na nakakasama ko si Ac ngayon kahit na tingin ko may galit o ano pa siyang nararamdaman

Di ko rin siya masisisi kasi madalas atakihin si Jem ng sakit niya kaya hindi ko siya maiwan iwan.

Si Ac naman masyadong selosa,nagtampo agad.Hapon na kaya malakas na ang hangin.

Andito ako sa may tabing dagat nakaupo sa may buhangin. Kagabi nakita ko si Ac dito sa may pangpang. Sumisigaw sigaw siya.


Flashback

May celebration kami dahil may bago daw paparating na blessing ng biglang nakita ko si Ac na umalis at dito siya dinala ng paa niya sa may tabing-dagat.

"Aaarggghhh! Nakakainis ka na! Bwisit ka! Bwisit!" sigaw niya sa may dagat

"Hindi kana nakakatuwa!"

"Bwisit ka sa buhay ko!"

"Sana hindi na lang kita nakilala!"

"S-sana hindi ka na lang umalis" sigaw niya pa

"Edi sana.. Hindi ako nasasaktan ng ganito!"

"Letsee ka Lucky!"

"Akala ko ba ako lang?"

"Ako lang yung bestfriend mo"

"Ako yung partner in crime mo?"

"Pero bakit nawala nalang bigla"

"Dahil lang sa biglaang pag alis mo nawala na ang lahat sa atin"

"Sana hindi ka nalang umalis"

"Sana hindi mo ko pinagpalit sa Jem na yun"

"Edi sana tayo ang magkasama ngayon"

"Tayo ang masaya"

"Tayo ang- Aaarggh! Ayoko na! Gulong-gulo nako!"

Tumigil siya sa kakasigaw pagkalipas ng ilang minuto.
Hindi ko alam kung magiging masaya ba ko o maiinis.
Kasi pati ako naguguluhan.
Sa pag iisip ko.
Dun ko lang narealize na mahal din niya ko.

Kaya gagawa ako ng paraan para maibalik ang aming dating samahan. Gusto ko sabihin na gusto ko din siya at ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat.
Ang dahilan kung bakit hindi ko malayuan si Jem.

Nagulat nalang ako ng makita ko si Ac sa may kabilang side ng dagat.
Nag-iisa at umiiyak? Bakit kaya?

Andree's Pov

Andito ako ngayon sa may dagat. Nag-iisa at umiiyak. Know why?
Still missing someone.
Di ko na kasi makaya.
Sobrang nasasaktan na'ko.

Forever Love(Lucky Aces)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon