Cedrick Cavin's POV
(After 4 months)
It's been 4 months nung nagpropose ako kay Maeli. At ngayon plinaplano na namin yung kasal. 6 months from now yung kasal namin. At buti na lang sa 4 months na after ng proposal ko hindi kami nag-aaway or nagkakalabuan. Syempre GOOD BOY na ata ako ^__^ haha.
Andito ako ngayon sa kwarto ko. May inaayos lang akong mga papeles kasi part na din ako ng company ngayon. Naaawa na ako kay Ate Anica e. Tsk. Habang inaayos ko yung mga documents biglang mag kumatok.
*tok tok tok*
"Pasok! Bukas yan." Tugon ko. Pagkasabi ko nun biglang pumasok si Ate.
"Ikaw pala yan Ate. Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya pero ang lungkot ng mukha niya. May nangyare kaya?"Gusto ka makausap ni Papa. Pinapatawag ka niya sa office niya ngayon."
"Ah. O sige. pero bakit ang lungkot mo Ate? May problema ba?" tanong ko sa kanya pero sa halip na sagutin niya yung tanong ko iba ang sinabi niya.
" I'm sorry, Cedrick. Wala akong nagawa. Hindi kita natulungan." Sabi niya.
"Ha? anong pinagsasasabi mo jan Ate?" Taka kong tanong sa kanya.
"Malalaman mo din mamaya, Cedrick. Sige na punta ka na sa office ni Papa." sabi niya tapos umalis na siya. Ako naman umalis na din at sumunod sa kanya. Alam ko kasing sa office din ni papa ang diretso niya e.
(*Office of Mr.Kim*)Pagkapasok na pagkapasok ko sa office ni Papa ramdam na ramdam ko ang aura nila. Ang lungkot ng mga mukha nila at parang ang laki talaga ng problema.
"Maupo ka Calvin. May pag uusapan tayo." Utos ni papa. At naupo naman agad ako.
"Ano po bang pag uusapan natin? Saka may problema po ba? Bakit po ganyan ang mga mukha niyo nila Ate? Ang lulungkot niyo. Ano po ba talagang problema?""Tungkol 'to sa inyo ni Mary. I'm sorry anak pero hindi mo na pwedeng pakasalan ni Mary." seryosong sabi ni papa sa akin.
at sa gulat ko napasigaw ako bigla.
"WHAT?! SERIOUSLY?!""Oo anak. Sorry pero kailangan mo ng iurong ang kasal niyo. Alang alang sayo at sa pamilya natin pati na rin sa lahat ng mga tao sa paligid niyo dalawa."
"pero dad. Ano po ba talagang dahilan? Sabihin niyo sakin! Alam niyo naman na mahal na mahal ko si Mary."
"Si Sophie." Tanging naisagot ni Papa. Pagkarinig na pagkarinig ko nun Nag-iba yung timpla ng mood ko. sobra akong nagalit. at sa galit ko umalis na ako kahit na hindi ko pa alam kung bakit siya ang dahilan. Sa ngayon gusto kong makita at makasama si Maeli.(Mary's POV)
Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit. Tsk.
"Mary!!" Rinig kong tawag ni Kuya.
"Po?!"
"Lika muna dito sa baba. Kakain na."
"Sige Kuya." Sagot ko at bumaba na ako saka siya tinabihan sa pagkain.Pero kinakabahan talaga ako. para kasing may masamang mangyayare.
"may problema ba?" biglang tanong ni Kuya.
"wala naman kuya.""Kilala kita Mary Elizabeth. May gumagambala sayo. Ano ba yun? Pwede mo naman sabihin sakin yun e."
"Kasi Kuya bigla akong kinabahan e. Tsk. Di ko alam kung bakit." Pagkasabing pagkasabi ko nun biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"Wag mo na lang pansinin, Mary. Baka gutom lang yan. Wala naman sigurong masamang mangyayari."
"siguro nga Kuya. Tsk" sagot ko tapos kumain na kami. at sa kalagitnaan ng pagkain namin may biglang nagdoorbell. tatayo na sana si Kuya pero inunahan ko na siya.
"Ako na kuya. Kumain ka na lang dyan."
"Sige." Pagkasabi niya nun tumayo na ako at nagdiretso sa labas ng nakapayong at pagbukas na pagbukas ko ng gate bumungad sakin si Calvin na basang basa sa ulan.
Ang lungkot ng mga mata niya tapos basang basa pa siya ng ulan at wala siyang dalang payong. pagkabukas ko ng gate niyakap niya agad ako.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya habang niyayakap ko na din siya pero di na siya sumagot at bigla na siyang nawalan ng malay. Agad naman agad akong sumigaw at tinawag si Kuya. Inaapoy na din kasi ng lagnat si Calvin.Ano kayang nangyari? Bakit napasugod siya dito? At bakit ang lungkot niya? Ano kayang problema? Sana maging okay lang siya.
To be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/662564-288-k150638.jpg)
BINABASA MO ANG
She taught me the real meaning of LOVE (COMPLETED OLD Version) *not going to be edited anymore* Revised Version is She taught me..Version 2.0
Romance**** This story will not be edited anymore, sa kadahilanang nagpost na lang ako ng panibagong version nito which is the revised version. Kaya hindi ko na ito ieedit pa. Pakibasa nalang po ng announcement ko sa last chapter nito. Yun lamang po marami...