Case 82: Undercover for Her

4K 59 8
                                    

Case 82: Undercover for Her

Skyler’s POV

St. Laurent Hospital. 0334 HR.

Halos isang oras na kaming lahat nakaabang sa tapat ng Operating Room ng ospital. Nasa tabi ng pintuan si Chief Francis. Katabi ko si Charlie at Kenneth. Nakatayo sa corridors si Liam.

At nakaabang sa tapat ng pintuan ay si Rima…

Nagkamalay siya kani-kanina lang matapos niyang mahimatay. Nakakainis nga eh, naabutan ko si Liam na buhat si Rima. That should be me, not him. Ako ang dapat nagbubuhat kay Rima, nagba-back up sa kanya pero eto, olats na nga ang bagal pa.

Pero hinayaan ko nalang, uunahin ko pa bang magmaktol dahil naunahan ako ng pesteng hipon na toh? Syempre professional ako. Agad naming dinala sa ambulance si Rima habang ang duguang si Harvey Dela Vega at sinugod agad sa ospital at hanggang ngayon ay inooperahan parin.

Narinig namin ang malalim na buntong-hininga ni Rima. Yung damit niya, punong-puno ng dugo. Kahit yung pisngi niya. Tuliro siya at hindi mapakali. Lahat kami walang alam kung bakit ganito siya mag-alala sa Tito Harvey niya.

She’s even uttering prayers for him until now.

“R-Rima…” naglakas loob tawagin ni Chief ang attention ni Rima. Agad napalingon si Rima sa kanya.

“B-Bakit?!” basag ang kanyang boses at parang iiyak siya.

“N-Na—Nandito kami Rima. You don’t need to suffer all by yourself. Look, kumpleto tayong buong Team. Diba?” Chief said trying his best to say it with optimism.

“Chief…” she started crying, sabay pa kaming tatlo nila Kenneth na napatayo ng marinig namin siyang humikbi. “I—I can’t stand another death… because of me. Ayoko na.” yumakap si Rima kay Chief at humagulgol doon. Lahat kami nagtataka.

Bastos lang naman siguro ang dating kung tatanungin namin na bat niya kailangan malungkot eh diba sila naman ni Ovan ang may pakana nito? >__>

“Everything’s gonna be okay Rima. Shhhh.” pag-alo ni Chief sa kanya. Nakarinig kami ng footsteps at lumabas doon ang isa sa mga doctor.

“Kayo ba ang kasama ni Mr. Dela Vega?” tanong nito, hindi siya nakascrub gaya ng mga nasa loob at nag-oopera. Tumango kaming lahat at lumapit sa kanya.

“Yes. Kami nga…” Chief replied.

“I’m Tristan Isidro, one of the resident cardiologist dito. I’m sorry pero Mr. Dela Vega—“

“NO!” sigaw ni Rima as she breaks down and cry. “Doktor kayo! DO EVERYTHING TO SAVE MY TITO!!!” pagmamakaawa nito. Agad siyang inalalayan ni Liam.

“I’m sorry. He lost so much blood, at natamaan din ang puso niya. We did everything Miss. We’re very sorry.” lumayo saglit si Chief para makausap ng masinsinan ang doctor.

(A/N: NA DADDY NI TREX. YESSSS. CAMEO. LOL.)

“I can’t see her like this Sky.” Charlie said while looking at Rima crying on the floor. Her sobs echoed through the corridors and it sent shivers inside of me. Death is Rima’s weakness. Nagkakaganito siya dahil namatay ang Tito niya.

“Noooooo! He should live!!! Tito! Noooooo!!!” hampas hampas nito ang sahig habang nakalat parin ang dugo mula sa kamay niya. It leave traces of blood on the floor. Naghalo na ang mga luha niya at dugo mula sa pagpunas niya ng mukha gamit ang kamay niya.

I can’t stand it anymore.

Lumapit ako sa kanilang dalawa ni Liam at hinablot ang kamay ni Rima. Pugto ang mga mata niya at halos manlaki ang mata ng makita ako sa harap niya.

SPY * SPYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon