Case 44: The Dark Side of Charlie

4.7K 58 8
                                    

Case 44: The Dark Side of Charlie

Charlie’s POV

Barrameda’s Residence. 0543 HR.

“Young Master, bat po kayo nandito?” sinalubong ako ni Yaya Anna sa loob ng bahay.

“Yaya naman, bahay ko kaya toh. Malamang naman na nandito ako diba.” =_=

“Ikaw talagang bata ka.” Sabay hawak sa tenga ko at inikot lang naman yun.

“Accccckkkkk! >_< Ouccchh!” sabi ko.

“Bat ka nandito, hindi ba ang sabi ng Daddy mo, pumunta ka dun sa bagong bukas niyang restawran! Bat ka na naman nandito?? Maglalaro ka na naman ng PSP buong araw! Ni hindi mo pa nga ginagawa ang mga homework mooooo!” >_<

“WAAAAAA. Yaya! Opo! Pupunta na pooooo!” tsaka niya lang binitawan ang tenga ko.

“Alis na dali!” utos nito saken. Grabe, ako kaya ang amo niya. DUHHHH. =_=

“Galing na po ako dun.” Sabi ko ng mahina sa kanya.

“Ano? Eh bat ka nandito?!!”

“Pinauwi ako ni Papa. Mag suit daw ako.” =_=

FLASHBACK~~

“Go home and fix yourself! I invited you for a grand opening of a five star restaurant and you come here in your uniform na parang amoy lapis na elementary student? When will you start growing up??! Go home and where something formal! YOU ARE SUCH A DISGRACE!!!!!!”

End of FLASHBACK~~

:(

Naalala ko yung sinabi ni Papa saken sa resto. Walang nakakita o nakarinig, pero ang sakit talaga niyang magsalita. Ikinakahiya niya ako sa mga business partners niya. At ni minsan ay hindi niya man lang ako tinatanong tungkol sa school.

Lagi nalang siyang busy sa trabaho.

“Maghahanda na ako ng suit mo. Maligo ka na muna Young Master.” Naramdaman ko ang malambot na paghaplos ni Yaya Anna sa likod ko.

SPY * SPYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon