Case 12: Campus Fair Cupid

6.1K 83 3
                                    

Dedicate ko sa BFF ko dito. Though gusto ko pa ng madaming ka-BFF para masaya. You know. XD Halabyu best! >_<

-CC

P.S. Tinulungan ako ni RPL na tapusin toh. Selemet. :*

Case 12: Campus Fair Cupid

SKYLER’S POV

Hi. Andito kami sa rooftop, kasi nga uso toh sa mga fiction stories. At astig ang school mo pag may rooftop, kasi kahit sa Japan/Manga/Anime, may ganyan. =_=

Tumawag kasi si Charlie kasi daw may surprise siya samin. Tsk. Parang chicks talaga.

“Oy. Pre!” dumating na si Kenneth, na blooming. Alam niyo naman na siguro kung bakit diba? I mean, ginawa pa nga akong kontrabida ng mga authors nung nakaraang update kasi binanggit ko pa daw si Louise. Eh nasa script yun eh. =_=

“Galing kang Gilmore College?” tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya, “Busy nga dun eh.” Dagdag niya pa.

“Halata nga, ni hindi ka na daw uma-attend ng practice sa Varsity eh. Umayos ka nga, lagot ka sa Coach niyo sige ka!”

Natawa lang siya sa sinasabi ko, “Ano ka ba! Mas importante si Carleen dun.” Tignan mo tong isang toh, in love talaga.

“Bahala ka na nga lang dyan.” Tinalikuran ko na siya.

“Ikaw ba?”

“Huh?” anong tanong yun?

“Wala bang importante sayo ngayon?” anyare dito at kung ano-anong kabaduyan ang lumalabas sa bibig?

“Si Miss Amy, malamang?”

“Hahahaha! Asa!” tinawanan pa ako. May saltik ata toh sa ulo eh.

“Hoy!” binato ko siya ng libro ko. “ Ano bang tinatawa-tawa mo dyan?”

“Wala. Wala.” Tumahimik na siya at humiga sa sahig.

Halos dalawang linggo na kaming walang operation dahil nga sa may inaasikaso tong si Chief Francis. Tengga mode, madalas, tambay ako kina Miss Amy. Minsan naman sa apartment lang.

SPY * SPYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon