BONUS CHAPTER

78 5 0
                                    

Patrick’s Point of View

“Andito kami ni Fatima sa Starbucks. Sunduin mo na siya. Lasing na lasing na itong girlfriend mo.” Sherry said on the phone.

“Sige papunta na ako.”

“Saan ba kayo nanggaling at ganiyan yan?”

“Sa isang house party nga.”

“At hinayaan mo naman siyang mag-inom ng mag-inom?”

“Ayaw niyang magpa-awat eh. Inaya pa ako dun sa club after. May problema ba kayo at ganito siya?”

“Wala, wala. Sige, iu-uwi ko na siya. Ikaw?”

“Babalik pa ako doon kila Jenna. I-text mo na lang ako kapag naka-uwi na kayo.”

Binuhat ko si Fatima papunta ng kotse. Kasalanan ko ito kaya siya nagpakalasing ngayon. Tsk.

Flashback…

“What the hell do you think you’re doing?!” Sh*t. Andito si Fatima sa club. Sinampal niya ako sabay tumakbo siya papuntang kotse niya.

“Malapit na tayo i-engage Patrick pero you still have the guts to flirt!” Galit na sabi sa akin ni Fatima.

“Nagkakamali ka Fatima. Siya ang unang humalik sa akin. Maniwala ka please.” Tinangka kong lumapit sa kanya at hawakan siya.

“F*ck off! You’re way too easy to get! To be seduced! In the first place sana hindi na lang kita pinayagan pumunta dito! B*llsh*t! I trusted you Pat! I never thought you’d do this to me!” Sabay tumulo yung luha sa mga mata niya.

Hindi ko siya napigilan at nagdrive na siya pa-alis.

End of flashback…

Ilang araw rin kaming hindi nagkita. Nag-alala ako sa kanya noong gabing iyon. Hindi ko naman magawang tanungin kung kamusta na ba siya kay Sherry kasi hindi ko gusto na malaman rin niya ang problema namin. Nakakahiya ako. Buti at ako ang tinawagan ni Sherry para sumundo sa kanya.

In-uwi ko siya dito sa condo ko, namin. Lived-in partners na kami at engagement na namin next month. Matagal na ang relationship namin pero ngayon lang kami nagkaproblema ng ganito. Ang g*go ko kasi, t*ng*na! Pinunasan ko ang mukha niya at pinalitan ng damit saka inihiga sa kama. Na-miss ko siya ng ilang araw. Mahal na mahal kita Fatima. Sana mapatawad mo na ako…

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

HELLO HELLO HELLO..!! HIHIHI. 

dahil naka 100+ reads na ang aming story eto na po ang BONUS CHAPTER!! :)

MARAMING SALAMAT SA PAGSUBAYBAY!!!

COMMENT AND VOTES NAMAN DYAN!  hahaha

GODBLESS US ALL! :)

xoxo, MieRiAnne LEE

Date: October 24, 2013

4:18 PM

This Type of Guy- SLOW UPDATE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon