Ken's POV
Sinilip ko si Jenna sa kwarto kung gising na ba siya. Nakita ko nagtetext siya.
"Gising ka na pala. Bumangon ka na dyan. Kakain na tayo." Sabi ko. Hindi siya sumagot. Mukang groggy pa pero sumunod naman siya sa akin.
Andito na kami sa breakfast counter. Ipinagluto ko siya ng pancakes at ginawan ko naman yung sarili ko ng chicken sandwich. Nagtimpla rin ako ng kape para sa aming dalawa.
"Aga mo naman nagising." Bigla siyang nagsalita at humigop ng kape.
"May trabaho ako eh." Sagot ko na lang tapos kinagat ko yung chicken sandwich. Wala naman talaga akong pasok ngayon. Hehehe. Gusto ko lang talaga gumising ng maaga para mapaghanda ko siya ng almusal ;) Aba! Ngayon ko lang kaya siya in-uwi dito sa condo ko!
"Talaga, saan?"
"Doon sa tinatayong kumpanya ng business partner ni dad. Kinuha nila ako as engineer." Sagot ko.
"Cool! We know each other for quite long pero hindi ko alam na engineer ka pala." Na-amazed siya.
"Kasi hindi ka naman nagtanong Jenna." Sabi ko tapos humigop ako ng kape. Totoo naman kasi. Ang tagal na namin magkaibigan pero ako lang sa aming dalawa ang may alam ng ganito, ganyan..
"Sorry naman." Sabi niya. Nawala yung saya sa tono ng pananalita niya. Mabilis pala ito makaramdam eh. Hahahaha!
"Eh ikaw ang aga mo rin nagising?" Tanong ko naman sa kanya.
"I have to text Jessie na male-late ako." Sagot niya. Ini-english na naman ako nito.
"Pero ikaw boss doon di ba?" Tanong ko. Sabi ko sa inyo eh. Marami akong alam!.. sa kanya! Hahaha!
"Uhm, dami mong tanong kain na lang tayo please." Tamad talaga nito. Tapos kinurot na naman yung pisngi ko. Parang nasa bucket list niya na tuwing magkikita kami, sasaktan niya ko. Tss.
"Ge. Hugasan mo iyang kinainan mo ha?"
"Kfine." Tignan mo 'to, pikon agad.
"Biro lang. Iwan mo na lang doon pagkatapos mo. Ako na pong maghuhugas." Sabi ko na lang. Nauna na rin siyang umakyat.
Mabilis ako nakatapos maghugas kaya umakyat ako agad sa kwarto. Nasa banyo pa rin siya. Mga babae talaga, matagal kumilos. Pa-chicks lagi! Hahaha! Kaya naupo muna ako sa sofa at pumikit.
"Ginamit ko na pala yung extra toothbrush mo ha." Napadilat ako bigla. Hay sa wakas. Lumabas na rin siya.
"Sige lang. Iwan mo na lang diyan para kung matutulog ka ulit dito, may magagamit ka." Sabi ko sabay pasok ng banyo.
Mabilis rin ako nakatapos maligo. Hindi naman kami tulad ng mga babae. Hehehe. Tsaka kahit hindi naman ako maligo ng mabuting mabuti basta maayos, mabango pa rin ako! Hehehe. At gwapo ;) Pagkalabas ko ng banyo, si Jenna nakatulala sa bintana..
"Hooooy! Iniisip mo nanaman ako." Panggugulat ko sa kanya.
"Not even close." Pikon na naman. Tss.
Nakatapis nga lang pala ako. Hindi bale, hindi naman ako mamanyakin nito kahit kamanyak manyak pa itong katawan ko. Hahahaha! "Halika ka nga dito. Ipili mo na lang ako ng susuotin ko nang hindi ka nakatulala dyan." Tapos hinila ko siya papasok ng walk-in closet.
"Ikaw na lang." Napakatipid sumagot. May PMS na naman siya. Tss.
"Ikaw na nga lang. Oh ito. Ipili mo na ako." Pilit ko tas binuksan ko yung kabinet.
"Oh ito na lang." Inabot niya sa akin yung damit at lumabas para makapagbihis ako. Huwag! Dito ka lang! Hahahaha! Biro lang.
Pagkabihis ko, lumabas ako ng closet. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Type ako nito. Hahahaha! Hindi siya nagsalita kaya nagsalita ako..
BINABASA MO ANG
This Type of Guy- SLOW UPDATE-
General Fiction"All guys are the same." Yeah because you keep going for the same type of guy over and over again... expecting for different results. Well, This Type of Guy, I mean MY TYPE OF GUY is unlike those guys ;) -J