Chapter 7

58 3 0
                                    

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko kay Ken.

“Kakain ng brownies. Saan na?” Sagot niya.

“Eh di ba may pasok ka?

“Biro lang iyon. Wala talaga akong pasok ngayon. Hehehe.” Sabay smile. Kasama dimples.

“Eh paano ba iyan ipina-ubos ko na sa kanila iyong brownies.”

“Eh di gumawa tayo ng bago!”

“Anong tayo ka jan?! Tinatamad na nga ako eh!”

“Oo! Sasama ako sa kitchen.”

“Wag na. Wag ka na kumain!” Tapos umirap ako.

“Pagkatapos kita pakainin sa bahay kanina! Gumising pa ako ng maaga.” Pangongonsensya niya sa akin.

“Oh ito, iluluwa ko na!” Tapos umarte akong naduduwal.

“Kadiri ka! Kababae mong tao! Tara na nga!” Tapos hinatak niya ako pero napigilan ko siya.

“Teka lang! Magpalit ka muna ng sapatos!” Sabay inabot ko sa kanya yung nakita kong slip-on. Nagpalit siya tapos lumabas na kami ng office.

“Mag-apron ka na lang ha. Huwag ka na mag-uniform. Feeling mo.” Inabot ko sa kanya yung apron pagkapasok namin sa kitchen.

“Yes boss!” Tapos ipinatong niya yung binigay ko.

“Oh maghugas ka muna ng kamay doon.” Sabay turo sa sink. “Sunod ka na lang sa akin sa SR.” Dagdag ko.

“Miss, ano yung SR?” Tanong niya kay Trish pagkahugas niya ng kamay.

“Supply Room. Doon pagliko sa right.” Si Pattie iyong sumagot. Mukang crush niya si Ken. Landi.

“Uh sige salamat.” Kinindatan siya ni Ken.

“Tagal mo. Kumuha ka ng tray diyan.” Sabay turo ko kung saan ito nakalagay.

“Eh ba’t kaya hindi mo kinuha habang naghuhugas ako ng kamay kanina.” Pabalang niyang sagot sa akin.

“Aba! Ikaw may gusto nito. Sige balik na ako sa office. Bye!” Nagtangka ako magwalk-out pero pinigilan niya ako.

“Ito naman. Nagbibiro lang ako eh.” Sabay inakbayan niya ako at kinurot iyong pisngi ko.

“Aray naman! Huwag mo nga akong makurot-kurot!”

“PMS?!” Pangbubwisit niya sa akin.

“Che! Ilapit mo iyang tray. Ilalagay ko na mga ingredients.” Pagkatapos, lumabas na kami ng SR.

Ako pa rin ang nagbake. Hindi ko siya tinuruan kung paano. Inutus-utusan ko lang siya mag-abot abot ng mga ingredients sa akin.

After naming magbake, bumalik na kami sa office at doon na lang kumain.

“Oh masaya ka na? Sarap ‘no!” Pagmamalaki ko.

“Hmm. Sakto lang!” Sabi niya habang ngumunguya.

“Sus! Halata namang sarap na sarap ka sa gawa ko! Galing ko talaga!”

“Ge. Gawa ka pa ulit. Hintayin kita dito.”

“Asa ka!” Binato ko siya ng crumpled paper.

“Ano ba yan Jenna!” Natamaan ko kasi siya sa ulo pero binato ko pa ulit siya.

“Ah ganon!” Tumayo siya at lumabas ng office.

After a couple of minutes, bumalik siya. Sinalubong siya ng mga lumilipad na crumpled paper galing sa akin. Papalapit siya pero hinahayaan niya lang akong mamato.

“Oh ito!” Nilagyan niya ng whip cream iyong muka ko.

“What the f--!” Inagaw ko sa kanya yung bote ng whip cream at nilagyan rin siya sa muka.

“Akin na yan!” Kinuha niya sa akin yung whip cream at itinaas niya yung kamay niya para hindi ko ma-abot.

Habang nakataas yung dalawa niyang kamay, nilagyan niya ng whip cream yung left hand niya. Alam ko na ang balak nito kaya lumayo ako sa kanya. Nilapag niya yung bote ng whip cream sa table.

“Oh Jenna. Bakit ka lumalayo sa akin?” Pinahid niya yung kamay niya na mayroong whip cream doon sa kabila para pareho nang meron.

“Subukan mo akong lagyan! Tignan mo nga itsura ko oh!” Paano ba naman, mata at butas ng ilong ko na lang yung walang whip cream sa mukha ko.

“Ahh.. ano naman sa tingin mo yung pinag-gagagawa mo sa akin?” Sabay turo sa mukha niya. Nilagyan ko kasi yung kilay at paligid ng labi niya hanggang leeg ng whip cream.

“Hehehe. Sorry poooo!” Pa-cute kong sabi habang papa-atras ako sa kanya.

“Halika dito.” Nag-open arms siya.

“ISA!!” Sabi ko. Napigilan ko siya pero ang lakas niya kaya nayakap niya padin ako at dinikit yung mukha niya na may whip cream sa leeg ko. Itong chef’s uniform na suot ko, puro whip cream na. Pati buhok ko meron na rin.

“Ang dungis ko na!” Binitawan niya ako.

“Hahahahahahahaha!” Tawang tawa siya sa akin.

Hinubad ko yung uniform ko na puro whip cream sa harap niya habang pinagtatawanan niya ako.

“Dyan ka lang! Ako mauuna!” Sabi ko sabay pasok sa loob ng CR.

“Teka! Wag mo isara!” Pinigilan niya yung pag-sara ng pintuan at pumasok.

Tinanggal niya yung t-shirt niya…

“Hoy! What do you think you’re doing?!” Sigaw ko. Jusmiyo! Aatakihin ata ako sa puso!

_________________

Sweet noh? HAHA. Ewan. Active ata yung teenage hormones ng author nung ginagawa niya yan eh. Pati yung "sorry pooooo ni Chichay", ginaya. HAHA. COMMENT? SUGGESTION? Votes please. Hihi.Last UD for tonight. God Bless sa inyo. :) Ingat always.

xoxo, Mieriannelee ❤

Date: October 25, 2013

11:43PM

This Type of Guy- SLOW UPDATE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon