Sa loob ng CR…
“Maghihilamos din! Ano pa nga ba? Ikaw lang ba madungis?” Pilosopong sagot sa akin ni Ken kaya kinurot ko yung tagiliran niya. Napa-bent siya sa sakit. Hahaha!
“Sabi ko ako mauuna di ba?!” Pinagalitan ko siya.
“May problema ba kung sabay tayo?” Sabi niya tapos hinatak niya yung dalawa kong braso para malapit ako sa kanya.
“Ito na nga eh. Ako na maghihilamos sayo tutal ako naman nagdungis sayo.” Dagdag niya tapos binuksan niya yung faucet at binasa yung muka at leeg ko.
“Hehe. Ako na.” Ako na nagsabon at nagbanlaw. Pati buhok ko binanlawan ko na rin. Nakatitig lang siya sa akin hanggang sa matapos ako.
“Halika. Ibaba mo yang muka mo. Tangkad mo eh, nang mahilamusan kita.” Utos ko sa kanya at sumunod naman siya.
“Trip mo kasi ‘no?” Sabi ko habang binabasa yung muka niya.
“Hehehe. Eh pano bato ka nang bato sakin ng papel.” Sagot niya habang sinasabunan ko naman yung muka niya.
“Ako pa nga.” Sabi ko nang matapos ko siya hilamusan at inabot ko yung twalya.
“Baba ulit.” Utos ko. Ang tangkad naman kasi niya. Kaharap ko kasi yung chest muscles niya kung hindi siya bababa.
“Magdamit ka na ha.” Sabi ko habang pinupunasan ko yung muka niya. Tumango lang siya.
“Akin na yang twalya. Pinunasan mo ako pero hindi mo pa napupunasan yang sarili mo.” Sabay kuha sa akin nung twalya at ako naman ang pinunasan niya.
“Thank you ha?... Thank you sa pagdungis mo sakin.” Sabi ko. I gave him my sarcastic smile.
“Akala ko pa naman papasalamatan mo ako dahil na-alala kong punasan yang muka mo. Tss.” Sabi niya. Matampuhin much.
“Hehehe. Nagugutom na ko. Lunch na tayo.” Suggest ko.
“Tara! Kain tayo sa labas!” Basta pagkain ang bilis nitong lalaking 'to eh. Hashtag: Medyo PG. Hahaha!
“Lalabas pa tayo. Tignan mo tong suot ko, nakasando lang ako. Padeliver na lang tayo.” Reklamo ko.
“Arte mo naman! Hindi naman tayo sa fine dining kakain. May extra shirt ako sa kotse. Tara na!” Tapos hinatak niya ko palabas ng office pero pinigilan ko siya, as usual.
"No." Nagtaray ako.
"Pleaaaase!" Sabi niya. Ngayon lang ito nagpa-cute sa akin ng ganito. Parang aso. Kaya pumayag na lang rin ako.
"Tara." Sabi niya tapos hinawakan yung kamay ko habang bubuksan yung pinto palabas ng office. Thank God hindi niya na ako hinatak.
“Jenna! San kayo pupunta?” Tanong ni Jessie.
“Magla-lunch lang kami. Hiramin ko muna siya ha?” Sabi ni Ken sabay kindat kay Jessie.
“Oh ito. Ipatong mo dyan sa sando mo.” Inabot niya sa akin yung shirt niya sabay start ng kotse. Sinuot ko naman yung binigay niya.
“San ba tayo kakain?” Tanong ko.
“Ikaw, san mo ba gusto?” Nagtanong din siya sa akin.
BINABASA MO ANG
This Type of Guy- SLOW UPDATE-
Художественная проза"All guys are the same." Yeah because you keep going for the same type of guy over and over again... expecting for different results. Well, This Type of Guy, I mean MY TYPE OF GUY is unlike those guys ;) -J