Napayakap ako nang humampas ang hangin, hindi dahil sa lamig, kung hindi sa yelo na nakapalibot sa aking puso.
"Wala na akong maramdaman o kinatatakutan."
'Tila lahat ng tapang ay nasa'kin na.
Nakita ko ang lalaking naging dahilan ng aking katapangan.
Takot ako na sumuway sa aking magulang, pero para sa kaniya nagawa ko.
Pinagpalit ko ang paglangoy sa karagatan para makalakad, ang bundot para sa pares ng paa, ang tubig para sa hangin na kakailanganin.
Papunta na ako sa kaniya pero bigla na lamang may babaeng umeksena.
Napalunok ako, nang makaramdam muli ng takot.
Akala ko... matapang na ako?
BINABASA MO ANG
Wild Card Round
ФэнтезиLITERARY OUTBREAK: FIGHT OR DIE ONE SHOT WRITING CONTEST (SEASON 2) Wild Card Round