Drabble #2: Sundo Sa Liwanag Ng Aking Totoong Buhay

108 6 7
                                    

Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi matakot sa tuwing naaalala ko ang sinabi sa akin ni itay bago siya namayapa. Sa pagtuntong ko raw sa edad na dese-otso, kukunin daw ako ng aking inay. Hindi ko mawari kung bakit 'yon sinabi sa akin ni itay. Sa pagkakaalam ko kasi, matagal nang patay si inay.

Hindi ako makatulog, minamatyagan ko ang aking paligid. Ngunit wala naman akong napapansing kakaiba, dapatwat mamayang alas-dose ng gabi, 'yon na ang nakatakdang oras sabi ng itay.

"Sumama ka sa akin, anak." May narinig akong boses. Kasabay no'n ang pagbulwak ng nakakasilaw na liwanag.

Wild Card RoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon