Chapter 1

4.3K 89 26
                                    

Psyche P.O.V

"Teka Nena,Saan ba tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko kay Janelle matapos ko kasing ikwento ang mga sunod sunod na nangyaring aksidente sa akin nitong mga nakaraang linggo e, kaagad nya akong hinila palabas ng Jollibee.

"Pupunta tayo kay Master Bah." Sagot nito at patuloy pa rin sa paghila sa akin patungo sa kanyang kotse. "Sino si Master Bah? Bakit tayo pupunta doon? Paano 'tong motor ko?" sunod sunod kong tanong.

Napadaing pa nga ako ng mauntog ako, bigla nya na lang kasi akong pilit na pinasok sa loob ng kotse nya na may design na pikachu.

"Si Master Bah ay kilalang sa larangan ng Suan ming

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Si Master Bah ay kilalang sa larangan ng Suan ming." Sagot nito habang binubuhay ang makina ng sasakyan nya.

"Anong suan ming?" muling tanong ko saka kinagatan ang cheese burger na inorder namin sa jollibee.

"Isa yung uri ng Chinese fortune telling Nena."

"Bakit kailangan kong magpahula?"

"Dahil matutulungan ka ni Mastet Ba para mawala ang mga bad lucks mo sa buhay. Naku Nena nabasa ko pa naman sa horoscope mo na hindi magiging swerte ang taon na ito para sa'yo." Napailing na lang ako sa sagot nito palibhasa may lahing chinese kaya mahilig sa hula hula at mga pampaswerte.

"Hindi na okay lang yun normal naman talaga sa akin ang maaksidente di natin kailangan nan." Pagtutol ko dito. Umatake na naman kasi ang kapraningan nito.

"Normal ka dyan, normal pa ba yung ilang beses kang muntik masagasaan ng sasakyan? Kamuntikang mahulugan ng hallow blocks o kahoy o yero sa ulo? Muntik ka na ring mahulog sa hagdanan at masaksak. Tapos habang nagda-drive ka bigla na lang pumutok yung gulong mo pati na rin yung break ng motor mo nasira rin. May normal bang ganun? Kailangan mo ng pampaswerte para mataboy yang mga badlucks." Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Janelle. Dapat talaga ay hindi ko muna ikwenento ang mga nangyari sa akin nitong mga nakalipas na tatlong buwan.

Kagagaling lang nito sa China upang dalawin ang mommy nya kaya paniguradong may jetlag pa ito tapos ngayon ay pupunta pa kami sa Master Ba.

Makalipas ang halos dalawang oras ay nakarating din kami sa lugar na kinaroroonan ni Master Bah. Nang maipark ni Janelle ang sasakyan malapit sa puno ay kaagad kaming bumaba.

Nilibot ko ng tinggin ang buong paligid napakaluntian nito kaya napakaaliwalas ng simoy ng hangin. Sa di kalayuan ay may natanaw kaming parang temple ang sabi ni Janelle ay yun daw ang tanggapan ni Master Bah.

Nang makapasok kami sa loob ng parang temple ay kaagad na may sumalubong sa aming tatlong babae. Isang mataba,mapayat at katamtaman.

"Hmp Nena meet the tatlong bibe." Kaagad na pabaling ang tinggin ko kay Janelle sa sinabi nya.

"Tatlong Bibe kanta yun di ba?" pabulong kong tanong kay Janelle, ngumiti lang sya sa akin at bumulong din.

"Nena, parepareho talagang Bibe yung name nilang tatlong kaya binansagan silang tatlong bibe." Paliwanag nito at muling humarap sa tatlong bibe este sa tatlong babae na parehong mga Bibe ang mga pangalan.

Started with a love potion 2 (Special chapter)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon