Chapter 3

1.9K 61 6
                                    

Psyche. P.O.V

Kasalukuyan kong kasama si Baby Achi sa Sy mall para bumili ng mga sangkap para sa aking birthday surprise kay Eros mamaya kaya nga hindi ako pumasok ngayong araw sa opisina ni Eros.

"Mommy P. Let's go ." Hila sa akin ni Bay Achi kung saan may mga nagkukumpulan. Hinila pa ako ni Baby Achi hanggang sa mapunta kami sa unahan kung saan may mga bata nakasuot ng iba't- ibang damit pantrabaho.

"I want to be a doctor someday Mommy P." Anito at tinuro ang batang nakasuot ng pang-doktor. Napangiti naman ako sa sinabi nito.

Iginala ko ang buong tingging sa stage hanggang sa mapansin ko ang batang nakasuot ng business attire dahil doon ay naalala ko si Eros. Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakapagpaalam kay Eros na a-absent ako ngayon kanina kasi tatawagan ko na sana ito ng biglang dumating si Annika bitbitbit si Baby Achilles nakisuyo ito na alagaan ko muna dahil mag-aapply daw ito ng trabaho kaya ayun sa sobrang pakawili ko kay Achilles ay nakalimutan kong tawagan si Eros.

Nagmamadali 'kong binunot ang cellphone ko mula sa bulsa para tawagan si Eros. Hinila ko rin paalis si Baby Achi buti na lang at hindi naman ito nagreklamo pa .

Makailang ring lamang ay sinagot na ni Eros ang tawag. Kaagad kong sinabi sa kanya ang ang pag-absent ko nung una ay tumutol pa ito kaya dinahilan ko na lang si Nena at kaagad na pinatay ang tawag ng hindi nagpapaalam baka mabisto lang ni Eros ang surprise ko sa kanya.

Sa totoo lang ay nakaramdam ako ng guilt para kay Nena kaya napagpasyahan kong tawagan ito ngunit out of coverage naman ito.

Napalingon ako kay Baby Achi at gayon na lang ang gulat ko sa nakita.

"Waaah anak ng patola!" bulalas kong ng makitang iba na ang lalaking ka-holding hands ko.

"Saan mo ba gustong magdate tayo?" tanong nito at kumindat pa sa akin kaya kaagad kong binitawan ang kamay nito at lumayo dito.

"Sino ka? Na saan ang pamangkin ko?" tanong ko dito at nagpalinga linga sa buong paligid. Anak ng patola! asadong asado ako na hawak hawak ko ng mabuti ang pamangkin ko tapos pagtingin ko may unano na akong hawak na kalook-alike ni Mura kaya pala parang gumaspang bigla ang kamay ni Baby Achi

"Aba malay ko bigla mo na nga lang akong hinila. Type mo ko 'no?" nakangising sagot nito na nagpangiwi sa akin.

"Pasensya na po mali pala ang nahila ko kanina." Paliwanag ko dito at dali daling nag-paalam para hanapin si Baby achi. Anak ng patola! Napakatanga ko naman sa pagmamadali ko na tawagan si Eros ay ibang tao na pala ang nahila ko.

"Ate nakita nyo ba itong batang 'to?" tanong ko sa nakasalubong ko at pinakita ang picture ni Baby Achi ngunit umiling lang ito.

Bumalik din ako sa lugar kung saan ko naiwan si Baby Achi subalit wala ng tao doon mukhaang tapos na ang programa. Nagtanong tanong pa ako sa mga taong nakasalubong ko subalit wala mang lang sa kanila ang nakapansin o nakasalubong ito. Pinagpatuloy ko ang paghahanap hanggang sa mapadako ang tingin ko sa isang toy store.

"Baby Achi!" sigaw ko at kaagad na tumakbo palapit sa kanya. Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak. Akala ko ay tuluyan ko ng naiwala si Baby Achi.

"Mommy P stops crying." Ani nito at pinunasan ang mga luha ko.

"Sorry Baby akala ko ikaw yung hawak hawak ko kanina." Paghingi ko ng tawag dito at niyakap ito.

"It's okay Mommy P by the way I met new friend." Ani nito at kumalas ng yakap sa akin. Napaangat ako ng tingin ng maramdamang may nakatayo sa likod ni Baby A kaya tumayo ako.

"Mommy P he's my new friend. His name is Apollo ." Pakilala ni Baby Achilles dito, Pinagmasdan ko ang mukha nito at hindi mo maipapagkailang foreigner ito dahil sa kulay ng mata nito na Blue- grey at sobrang napakatangkad din nito.

"You shouldn't let your son slip away." Pagalit nito sa akin. Tila na putol naman ang dila ko dahil sa sinabi nito. Tama naman kasi ito hindi ko dapat hinayaan mawalay sa tabi ko si Baby Achi.

"Mommy P, He bought me a medical toy kit." Napabaling ako kay Baby A ngayon ko lang napansin na maya hawak hawak itong plastic.

"Ah Thank you Sir for this." Pasasalamat ko dito ngunit inirapan lang ako nito at muling bumaling kay Baby A. Yumuko pa ito para lang maabot ang bata at nagpaalam na aalis na.

"He's a doctor Mommy P. I want to be like him when I grow up." Ani ni Baby A nang makaalis yung lalaki.

"Of course Baby you're going to be a doctor someday." Pagsasang-ayon ko dito. Wag nga lang sanang maging masungit ito paglaki.

"His name really suit to him, to his profession. Did you know that in Greek mythology Apollo is the God of music, poetry, art, oracles, archery, plague, medicine, sun, light and knowledge." Napakamot na lang ako sa sinabi ni Baby A mukhang absent yata ako ng tinuro yan sa school.

Hinila ko na ito palabas ng toy store para kaagad na makapunta kami sa copndo ni Eros.

-------

"Mommy P where's Daddy E na ba? Napatigil ako sa pag-aayos ng pagkain sa mesa sa tanong ni Baby Achi kaya lumapit ako dito.

"He's going home na." Sagot ko dito at hinaplos ang buhok nito. Hindi ko mapigilangmapatitig sa mukha nito lalong lalong na sa mga mata nito. Magkaiba kasi angkulay ng kabilaang mata nito. Ang kanan ay kulay blue habang ang kaliwa namanay hazel sabi ni Eros Heterochromia Iridis daw ang tawag dito. Sa tinging ko nga'y amerikano o kaya italiano ang tunay nitong ama. Napakaeng eng ko talaga noon para akalaing anak ni Eros si Baby Achi masaydo kasiakong nabulag sa mga chika ng mgakatulong nila Eros noon kaya noong una kong makita si Baby Achi ay hindi ko masyadongpinagmasdan ang mukha nito dahil sa pagmamadali na makaalis sa condo ni Eros.Mulikong naalala ang pag-uusap namin ni Annika mahigit anim na buwan na angnakakalipas. Pinaliwanag nito ang lahat sa akin at humingi ito ng tawad sa mgaginawa nya sa akin na kaagad ko namang pinatawad naiintindihan ko naman ito.May multiple personality disorder si Annika. Alam kong hindi nya sinasadya kung anuman ang ginawa sa akin ni Cassandra, Cassandra ang ginagamit na pangalan ng isang personality ni Annika nalaman nila ito ng minsang sumailalim ito sa hypnotherapy .

"I'm tired waiting for him, you should call him na."Muling napabaling ang atensyon ko sinabi ni Baby achi. Mukhang inip na inip nana talaga ito halos walong oras na rin kasi kaming naghihintay sa condo niEros.

"If we call him he- he- he." Naputol sa ere angsasabihin ko dito mukhang tuluyan na akong naubusan ng baong English kay BabyAchi. Nakakaloka naman kasi itong bata 'to Englishero at hindi masyadong nakakaintindi ng tagalog palibhasa lumaki sa America. "Basta if we call himhindi na sya masu-surprise." Maiklingpaliwanag ko na lang mukhang naintindihan naman nya ito kaya bumalik ito sapaglalaro ng laruan nyang medical kitset.Pinagmasdan ko lang si Baby A sa paglalaro nang may mapansin akong sugat sa tuhod nya. "What happened to this Baby A?" nag-aalala kong tanong. Anak ng patola! baka na dapa ito kanina sa mall kaya nagkasugat.

"My Classmate pushed me because I don't have a daddy." Malungkot nitong saad.

"No baby don't believe him you have a daddy." Pagpapagaan ko ng loob dito.

"So where's my Daddy? Do you know him?" tanong nito.

"Of course Daddy Eros, Daddy Ares, Daddy Eos, Daddy Helios, Daddy Zues, Daddy Hermes and Daddy Hades. You have seven Daddy, Baby."
"But I want my real dad."
Mangiyak ngiyak na sagot nito.

Nakaramdam ako ng awa dito. Kahit kasi mismong si Annika ay hindi alam kung sino ang tunay na ama ni Baby A. Tanging si Cassandra lang ang tiyak nakakakilala sa tunay na ama ni baby, ang kaso halos apat na taon na rin ang nakakalipas nang huling lumabas ang personality ni Cassandra kung lumabas man ito ay tiyak na mapanganib.  Magsasalita pa sana ako ng maramdamang may nagbukas ng pinto kaya kaagad kong kinuha ang party popper at pinaghanda si Baby A.

Saktong pagbukas ng main lights ay saka ko pinaputokang party popper at sumigaw ng "Happy Birthday Honeybunch.

" Pero mukhang ako yata ang na surprise may akay akay kasi si Eros na babae.--

An: Sorry kung natagalan btw Magkakaroon ng storysi Annika story doon ko ilalagay yung convo nila ni PSY. Cassandra's Secret ang magiging title nun. Kita kits po tayo bukas (Sept. 18) sa Wattpad annual meeting. Happy 500k din Sa SWALP. :)

Started with a love potion 2 (Special chapter)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon