Chapter 4

2.3K 78 47
                                    

" Sino yan?" halos pabulong kong tanong dito upang ikubli ang selos na nararamdaman ko.

"She needs help." Sagot lang nito at pasuray suray na silang pumasok sa sala bahagya pa nga silang natumba kaya inilalayan ko na rin ngunit nang hinawakan ko ang braso ng babae ay bigla na lang itong dumaing kaya napatingin ako dito at gayun na lamang ang gulat ko ng makita ang braso nitong halos maligo na sa dugo.

"Wow bloods." Kaagad na napabaling ang atensyon ko ng magsalita si Baby Achi nakalimutan kong kasama ko nga pala ito kaya naman nilapitan ko ito at inutusang pumunta muna sa kwarto ni Eros.

"But, why?" tanong nito.

"This is spg scene not suitable for very young audience." Sagot ko dito. May nabasa kasi akong article na hindi daw dapat makasaksi ang mga bata ng mga madudugong pangyayari dahil maaring makaapekto daw yun sa paglaki nila.

"Spg? is that abbreviation? What's the meaning of that Mommy Psyche?" napatigil ako sa sunod sunod na tanong ni Baby A .

"Striktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan may maseselang tema,eksenanag karahasan,droga, sekswal , lenguwahe at katatakutang maaring hindi angkop sa mga batang manonood." Sagot ko at ginaya pa ang boses nung babaeng nagsasalita sa t.v para sa mtrcb.

"I don't understand." Kakamot kamot ng ulo nitong sabi. "Can you translate it in English?" Ako naman tuloy ang napakamot sa ulo ng dahil sa request nito.

"It's already 9 pm baby A." Panglilihis ko dito ng usapan. "You want to be a doctor right? So you should sleep na . Doctors always sleep earlier." Pang-uuto ko pa. Tumango naman ito kaya tuluyan na itong pumasok sa loob ng kwarto.

Papalabas na sana ako sa kwarto nang biglang pumasok sa kwarto si Eros at binuksan nya ang isa sa mga cabinet sa kwarto .

Napanga nga na lang ako habang pinagmamasdan si Eros na kumakuha ng gamit mula sa cabinet. Abay halos dinaig pa nito ang clinic ng school namin dahil kompleto ito ng mga medicine equipment partida may at medical oxygen pa akong nakita.

Matapos makuha ni Eros ang lahat ng kakailanganin nya ay dali dali itong lumabas sa kwarto kaya sinundan ko ito.

"Psyche pwede bang mag-init ka muna ng tubig." Ani nito kaya kaagad akong nag-init ng tubig.

Matapos makainit ng tubig ay kaagad akong nagtungo sa kanila dala dala ang thermos at planggana

"Ano bang nangyari sa kanya? Dapat sa hospital natin sya dalhin." mungkahi ko sa kanila nang makita ng tuluyan ang sugat ng babae mukhang malubha na kasi ito at mukhang hinanghina na rin ito sa dami ng dugong umaapaw sa babae.

"We don't need to bring her to the hospital I can handle this." Sagot lang ni Eros habang sinusuot ang medical gloves. "Psyche sterilizes this." Utos pa nito at iniabot sa akin ang isang parang gunting.

Matapos kong malinis yun ay ibinigay ko ito pabalik sa kanya.

Unang nyang ginupit ang damit malapit sa may braso ng babae pagkatapos ay tinalian ito dahilan para sumigaw ang babae.

"Sure ka bang di natin sya dadalhin sa hospital." Nababahala kong tanong matapos makita ang pagbalataw ng sakit sa mukha ng babae.

"Don't worry I trust Zachary he knows what he's doing he attended training for paramedicine." Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso sa sinabi ng babae. Mukhang mas marami pa syang alam tungkol kay Eros kaysa sa akin.

Sa halos walong buwan na panliligaw ni Eros ay wala syang naikwento sa akin tungkol doon hanggang ngayon talaga ay halos clueless pa rin ako sa mga nangyari sa buhay sa ni Eros sa loob ng apat na taon na nawala sya, parang kagaya lang noong high school kami halos wala akong ka- ide-idea sa pagkatao nya.

Madalas naman kaming mag-date nitong nakalipas na walong buwan pero pakiramdam ko ay may malaking pader pa rin ang nakaharang sa pagitan namin.

"Wow." Naputol ang agam agam ko nang marinig ang boses ni Baby Achi.

Anak ng patola! Akala ko natulog na 'tong batang ito. Ang kulit ilang beses ba'tong pinanganak ni Annika?

"Why are you here?"

"Because I want to be a doctor I will help Daddy Eros." Sagot nito na wala ang atensyon sa akin kundi na kay Eros.

Taimtim lang itong nanood kay Eros at animoy kumikinang ang mata sa nakikita mukhang seryoso talaga ito sa pangarap nitong mag- doctor kaya hindi ko na lang ito sinita mukhang malaki ang naging impluwensya ni Stephen Eos dito na ngayon kumukuha ng kurso sa pagka- doctor.

Matapos ang ilang sandali ay nalagyan na ni Eros ng bandage ang braso ng babae at pinatulog ito sa loob ng kwarto nya.

"Happy Birthday!" sabay na bati namin ni Baby Achi kay Eros ng nasa kusina na kami.

"Wow thank you I thought you already forgot my birthday." Hindi mapakaniwala nitong sabi saka umupo.

"Pwede ko bang makalimutan ang birthday mo." Ani ko dito saka sinindahan ang kandila para sa birthday cake nya.

"Make a wish and blow your candle Daddy Eros." Excited na anunsyon ni Baby Achi dito at nilagay sa ulo ni Eros ang birthday cap na may mukha ni Spongebob kagaya kasi noon ay Spongebob theme pa rin ang inihanda ko para sa birthday ni Eros.

Pumikit na si Eros para humiling at matapos mahipan ang birthday candle nya ay kaagad ko itong hiniwa para lagyan ang platito nya.

Akmang isusubo na ni Eros ang cake ng magsalita si Baby Achi. "Mommy Psyche bakes that." Mukhang nag-iba yata ang kulay ng mukha ni Eros dahil dito.

"Wag kang mag-aalala hindi ka na mapopo- food poison dyan." Paninigurado ko dito. Simula kasi ng malaman ko na ako ang dahilan ng pagkaka-hospital ni Eros noon ay nag-aral na akong mag-bake.

Muli ay tinuloy na nito ang pagsubo ng cake kaya excited kong hinintay ang magiging reaksyon nito sa lasa ng cake na bi-nake ko.

"Masarap ba?"

"Oo masarap." Nakangiting sagot nito. Yes sa wakas perfect na rin ang gawa ko.

--

Matapos makatulog ni Baby Achi ay kaagad kong pinuntahan si Eros na ngayo'y nasa na terrace at abala sa pagsimsim ng kape.

"What's this?" Tanong nito nang iniabot  ko ang aking regalo.

"Gift ko yan sayo dali buksan mo na." Kinakabahan kong sagot dito.

Papa Jesus gabayan nyo po ako sa gagawin ko ngayon. Piping dasal ko ng inumpisahan na ni Eros buksan ang regalo ko.

"A ring." Nagtatakang ani nito ng makia nya ang regalo ko. Napatangon na lang ako dito. Huminga muna ako ng malalim bago lumuhod sa harap nito.

"Will you marry me? MyHoneybunch."  Tanong ko.

Started with a love potion 2 (Special chapter)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon